Pages

Tuesday 31 December 2013

Di Tulad ng Dati ! :(

               Ngayong araw na ito ay tapos na ang aking pagdurusa sa pagkirot ng aking ngipin kaya akin agad itong minadaling pabunutin (baka kasi bumalik pa ang kirot, magdusa na naman ako -_-). Medyo naiinis lang ako sa aking ngipin dahil sobrang pagdurusa talaga ang aking dinanas dahil hindi tulad ng dati, kapag ang ngipin ko ay kumirot gamitan ko lang ng gamot ay gagaling na (buti nga ay gumaling na ito agad bago pa man dumating ang bagong taon). Dahil doon ay galak na galak na ako sa pagdating ng bagong taon. Dati kasi ang ang paraan ng paghintay namin sa darating na bagong taon ay napaka-espesyal. Ang mga tao pa kasi noon, umaga palang ay madami ka na agad makikitang nagpapaputok dahil galak na talaga sila. Pero nawala ang aking galak ng paglabas ko pa lang sa bahay ay wala ni-isang nagpapaputok (hayss ! mas okey pa noong dati). Sobrang nalungkot ako dahil ang handa namin ngayon ang laki ng pinagbago kaysa dati. Dati, ang handa namin kahit ano pwede mong kainin pero ngayon bilang na lamang ang aming handa. Laking gulat ko ng matanto ko na nagsisi-taasan na ang mga presyo ng mga paputok kaya siguro rin walang masyadong nagpapaputok. Hindi tulad ng dati, mga 50 mo pa lang ay makakabili ka na maramihang paputok. Ang daming nagbabago habang tumatagal. Siguro malas lang talaga ang taong 2013.

Monday 30 December 2013

Balik sa Dati ! XD

                Ngayong araw na ito ay medyo masaya na ako dahil gumagaan-gaan na ang aking pagkirot ng aking ngipin at sana bukas ay mawala na ng tuluyan ang kirot nito ng saganoon  ay mapabunot ko na oramismo. Masaya naman ako kahit papaano dahil kahapon ay natupad naman na ako ay katuga ngunit panandalian lamang. Ang nakakalungkot nga lang ay balik sa dati ang sitwasyon (ako na naman ang gagawa sa gawaing bahay at mag-aalaga sa aking kapatid). Susubukan ko sanang humirit ng isa pang-pakakataon para maging katuga ulit ngunit akin itong pinigilan at baka kung ano na naman kasi ang aking kahihinatnan kapag ulitin kong muli. Sa pangyayaring iyon naging masaya naman ako sa aking mga pinaggagawa sa buhay dahil nasay na rin ako at mas mabuti na rin iyon para ng saganoon ay makapag-puyat ako kinabukasn para din sa darating na bagong taon.

Sunday 29 December 2013

Eto na, Totoo na'to ! :D

               Ngayong araw na ito ay inis pa rin ako kahaopn dahil ang pagkakaalam ko talaga ay katuga (kain,tulog,gala) lang ko. Dahil doon ay nagrebelde ako sa aking nanay. Sa pangyayaring iyon ay pinayagan na akong ng aking nanay na magkatuga ngayong araw na ito (day-off lang ang peg?). Nagkatotoo na nga na ako ay katuga ngayon. Maghapon lang akong hayahay sa bahay pero parang nakakabagok naman sa ulo na hindi ka kumikilos sa mga gawaing bahay dahil siguro na rin ay nakagawian ko nang kumikilos sa bahay kaya hindi kinakaya ng aking konsensya ang ganoong pangyayari. Kaya minabuti ko na itigil ang aking kagustuhang magkatuga at tumulong na lang muli sa king nanay sa mga gawain. 

Akala ko ! -_-

               Ngayong araw na ito ay patuloy pa rin ang pagkirot ng aking ngipin. Pero nawala rin saglit ang pagkirot nito ngunit panandalian lamang. Akala ko naman iyon ang panahon ko para makapagpabunot na ng ngipin (malas). Minsan inisip ko na ang aking ngipin habang tumatagal ay nagiging malapit na ito sa akin dahil sa tuwing ito ay kumikirot ay baliwala na ang kirot nito. Dahil doon ang tema ko ngayon ay katuga (kain,tulog,gala) na may halong paring alaga. Siguro natanto nila na kailangan kong maglibang-libang paminsan-minsan. Nagtataka ako kasi sa tuwing uuwi ako sa bahay ay may sermong nakaabang sa akin. Akala ko siguro ay katuga ako ngayon kaya hayahay lang ako. Pero mali ang aking inakala dahil limitado lang daw iyon (ang daya).  :(

Friday 27 December 2013

Si Mama Kasi Eh ! -_-

               Ngayong araw na ito ay tulad pa rin ng dati kapag nabibinat ako ay lumalala ang aking ngipin. Pero ako pa rin ang gumagawa ng gawaing bahay kasi siguro ako lang naman kasi ang maasahan nila pagdating sa gawaing bahay sa aming limang magkakapatid (bakit pa kasi naging masipag ako eh). Nang dumating ang hapon ay hindi ko na kinayang gumawa sa bahay dahil sobrang kirot na talaga ng aking ngipin na tulad din ng dati. Dahil doon ay pinagpahinga na lang ako ng aking nanay at baka daw sa sobrang sipag na iyon ay maaga daw akong mamatay (huwag naman sana). Ang pagkakaalam ko hindi dapat ako nagkakaganito ngayon kung hindi dahil kay mama kasi kahit alam niyang mayroon akong nararamdaman ay pilit niya pa rin akong pinagagalaw sa bahay. Pero kahit ganoon ay pinagbibigyan ok na lamang ang kanilang kagustuhan dahil naniniwala ako sa akasabihang ang naapi ay siyang nagwawagi. -_-

Thursday 26 December 2013

Di ko Kaya ! XD

                Ngayong araw na ito ay ang saya-saya ko dahil medyo gumaan-gaan na ang pagkirot ng aking ngipin. Ang nakalulungkot nga lang ay ngayon naman ang araw ng paglalaba ng aking nanay kaya isasabak naman ako sa giyera. Syemrpre tulad ng dati ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay kapag naglalaba ang aking nanay (sana hindi ako mabinat ngayon para naman hindi kumirot ng malala ang aking ngipin, hindi ko kaya eh ) :(

Wednesday 25 December 2013

Ang Saya Diba ? -_-

               Ngayong araw na itoay patuloy pa rin ang pagkirot ng aking ngipin at bukod pa diyan ay mas lumala pa ang pagkirot nito. Dahil doon ay para akong lantang gulay na nakahilata sa bahay buong magdamag dahil hindi ko na rin tagala kinakaya ang sobrang kirot ng aking ngipin at para bang kinukulam ako dahil parang hindi tama ang pagkirot ng aking ngipin. Ang malas ko man tagala dahil ngayon ay araw ng pasko na kung saan ay anghihingi ka ng aginaldo sa inyong mga ninong at ninang. Rinig ko mula sa labas ng aming bahay na ang lahat ng mga batang namamasko ay ubod ng ligaya. Ngunit sa akin  ay kabaliktaran, hindi ko man tagala ramdam ang pasko dahil na nagdidiluryo ako ngayon sa aking ngipin. Kung pwede nga lang masuhin,araruhin,lagyan ng granada ang ngipin kong ito kanina ko pa ginawa para lang maging maligaya ako ngayong pasko. -_-

Tuesday 24 December 2013

Ang Sarap ng Bawal ! :D

               Ngayong araw na ito ay patuloy pa rin ang pagkirot ng aking ngipin at ramdam ko na hindi umaapekto ang gamot na aking iniinom. Laking gulat ko pa nga nang maranasan ko na kapag kakain ako ay hindi ko man ramdam ang kirot ng aking ngipin dahil ang pagkakaalam ko kapag masakit/kumikirot ang ngipin ng isang tao ay mahihirapan ito sa pagkain. Ngunit sa akin ay kabaliktaran, biglang nawawala ang kirot nito at para bang isang himala ito kaya ang mabuting aking ginawa para hindi ito kirot ng kirot ay ngata naman ako ng ngata ng pagkain nang saganoon ay hindi na lubusang kumirot ito. Pero sa tuwing ititigil ang pagngata nga ilang minuto ay uling babalik ang kirot nito. At sa tingin ko naman ay limitado lang siguro ang pagtigil nito.

               Ang akala ko ay hindi matutuloy ang paggala namin ng aking tito nang dahil lang sa kirot ng aking ngipin. Ngunit ngayon ay ang saya-saya ko dahil pwede kong makontrol ang pagkirot ng aking ngipin sa simpleng pagngata lang ng pagkain kaya ang aming paggala ay matutuloy na. Dahil din doon ay makakain na ulit ako ng maramihang pagkain. Alam kong bawal ako masobrahan sa pagkain dahil kahit papaano  ay masakit pa rin ang aking ngipin pero ang sarap kasi eh, kaya kain lang. Kami ng aking tito ay nagpunta sa Bazaar para mamili ng mga regalo para sa kanyang mga inaanak sa darating na kapaskuhan at tutal kasama na niya ako ay nagpasabay na ako ng aking regalo. 

Monday 23 December 2013

Hapdi at Kirot ang Sinapit ko Ngayon ... :'(

               Ngayong araw na ito, ako ay sobrang nalulumbay sa aking karamdaman nang dahil lang sa kirot ng aking ngipin. Siguro epekto ito sa dami kong pinagkakain kahapon. Sa pangyayaring ito para akong isang bata na kailangan pang-ala-alagaan ng dahil lang sa ngipin. Ayoko naman nang ganoong sitwasyon kaya pilit kong kumikilos sa bahay at wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin. Syempre para naman sa ikabubuti ko ay umiinom naman ako ng gamot. Napakalungkot ko ngayon dahil hindi ako nakakalabas nang bahay pero malaking tulong pa rin ito sa sakin dahil kahit papaano ay nakakatulong pa rin ako sa bahay.

Sunday 22 December 2013

Doble-doble ang Peg ? XD

               Ngayong araw na ito, ako ay pagod na pagod sa mga pa-doble-dobleng pag-utos sa akin ng aking nanay dahil doon ay bilang pabuya sa ginawa ko ay binigyan ako ng aking nanay na tinatawag na christmas chip na sa SM mo lang maaring bilhin. Dali-dali akong sa pagbili doon sa SM dahil ngayon ay magsisimba kami ng aking tito (ang saya kasi doble-doble ding gala ko ngayon). Pagkatapos kong mamili ay bumili ako ng pagkain sa mcdo dahil nagugutom na rin ako. Ngunit natagalan ako sa pagbili sa SM sa kakamadali dahil hindi ko na din alam kung ano ang bibilhin ko. Pagdating ko sa bahay ay biglang nagsabi ang aking nanay na nauna na ang aking tito dahil nainip na daw siya kakahintay at baka daw ay mahuli daw siya sa pagsimba. Ako ay dali-dali agad na umalis sa bahay para sumunod sa kanya. Pagadating ko sa simbahan ay patapos na ang misa kaya minabuti ko na lang na maghintay sa labas nito. Pagkatapos ng pagsimba, kami ay kumain naman ng aking tito sa food court. At doon at tiba-tiba ako sa pagkain dahil doble-doble ang aking pagkain. Ako ay pagod na pagod sa kakakain kaya minabuti ko na lang din na magpahinga muna. Kami ay bumili din ng bago kung bag at bumuli ng pagkain sa grocery.

               Pagka-uwi ko naman sa bahay ay doble-dobleng sermon ang aking natamo sa aking nanay dahil daw sa kapal ng mukha ko sa aking tito sa tuwing gagala o kaya may pupuntahan kami (syempre madaling mauto si tito). xD 

Saturday 21 December 2013

Dapat Hinidi ko na lang Ginawa ! :'(

               Ngayong araw na ito ay ganoon parin ang aking sitwasyon, tambak na naman ako ng gawaing bahay at ngayon din ipagapapatuloy ng aking nanay ang kanyang paglalaba. Dahil doon ako ay nagrebelde para makagala man lang dahil mayroon akong kukuning gamit sa aking kaklase. Hapon na ako nakaalis sa bahay, natagalan ako dahil ayaw pa kasi akong payagan pero nang tumagal ay pumayag din. Pumunta na ako sa aking kaklase at ang sabi niya sa text ay abangan ko na lang siya sa rentahan ng kompyuter at naghintay naman ako. Sa aking paghihitay, ako ay nainip kaya naglaro muna ako saglit. Ako ay lubusang nagtataka dahil alas kwatro na ay wala pa rin siya. At laking inis ko naman ng malaman kong siya pala ay tulog ng mga oras na iyon. Nagparaya ako ng malaan ko iyon kaya naghintay pa rin ako ngunit nainip at nainis na ako kaya lubusan ko nang iniwan ito. Dahil doon ay laking sisi ko naman sa aking sarili dahil nagawa ko pang-awayin ang aking nanay para lang puntahan siya.

               Pag-uwi ko sa bahay ay dali-dali akong humingi ng tawad sa aking nanay dahil sa pangyayaring iyon na hindi katanggap-tanggap. Ngayon natutunan ko na mas bigyan ng importansya ang iyong magulang kaysa sa iba. Dahil ang ating magulang lamang ang nakaka-unawa sa atin kapagka-mayroon tayong pagkakamali.

Friday 20 December 2013

Ayokong Magbakasyon ! :'(

                Ngayong araw na ito, ay tambak agad ako ng gawain sa bahay dahil ngayon ay maglalaba ang aking nanay. Ngunit nang tumagal ay tinamaan agad siya ng katamaran sa paglalaba dahil daw ay biglang sumakit ang kanyang ulo at napagpasyahan niya na ipagpabukas na lamang ito. Dahil doon nagpahinga muna ako dahil tulad niya ay may ginagawa din ako sa gawaing bahay. Pagdating ng hapon ay nagpasama ang aking nanay na bumili ng durabox namin. Habang namimili kami ay tulala lang ako dahil nanibago ako na parang hindi  ako sanay na walang pasok (ang sipag ko no?). Malungkot kasi ang buhay ko pagwalang pasok at sayang din kasi yong baon (kung puwede nga lang habang buhay na may pasok eh, edi masaya!) :D

Thursday 19 December 2013

Sabi Ko Na Nga ! -_-

               Ngayong araw na ito, ang pasko ng pagdiriwang ng buong klase at ito na  ang huling kita-kita namin sa taong 2013 kung sakaling  maulit ay 2014 na. Sa araw na ito ay nangako ako sa aking sarili na subukan ko munang tumahimik ng isang araw at hindi ko alam kung bakit. Habang papasok na ako sa aming paaralan ay nagtataka ang iba kung mga kaklase na kung bakit ang supla-suplado ko ngayon. Ang hindi lang nila alam na may dapat akong tuparin. Ngunit hindi ko talaga kayang maging tahimik kung magagawa ko man ay isang himala na iyon. Kaya habang hindi pa nagsisimula ang pagdiriwang ay ang daldal ko na. At sabi ko na sa sarili ko na hindi ko talaga kayang pigilan ang aking kultura.

               Sa umpisang palaro ay sobrang ganado ako ngunit nang tumagal ay tinamaan na ako ng katamaran dahil ang iba sa amin ay nasa labas pagala-gala at wala namang paki-alam sa palaro kaya ang ginawa ko ay naglaro na lamang ako laro sa selpon. At habang naglalaro ako ay nakaramdam ako ng katahimikan na para bang himala na naging tahimik ako. Dahil doon ay ako ang naging pinakamataas na puntos na larong Block'D. Sabi ko na nga na hindi magiging masaya ang araw na ito dahil ang iba nga ay wala nang kooperasyon. Pagkatapos kami ay nagpalitan na ng mga regalo. Bago mag-umpisa ang pagkain namin sila ay nagkaroon ng onting presentasyon sa pagsayaw at pagkanta. Pagkatapos din naming kumain ay pasimpleng tumakas kami ng iba kong kaklase upang libot-libot muna.

Wednesday 18 December 2013

May Talakayan Ba ?

               Ngayong araw na ito, ang pagpapatuloy ng aming presetasyon sa pagkanta. Ang aming guro na lamang ang tagahatol sa amin ngunit ang aming gurong tagapayo naman ay nakikinood naman sa mga magpepresenta ngayon. Lahat naman ay nagkapagpresenta ng maayos. Namangha ako sa pagpresenta ni ng isa kong kamag-aral dahil ang lupit niya pala sa larangan ng instrumento.

               Ang talakayan ng bawat asignatura ay nakahati sa tig-kakalahating oras sa kadahilanang may programa ngayon para sa "Manbugan NHS Idol" kaya ang iba sa amin ay hindi na masyadong nakikinig dahil ang dahilan nila ay wala naman talagang talakayan ngayong araw na ito. Pagkatapos ay sinabi na ng aming guro kung sino ang nanalo sa presentasyon kahapon at iyon puro sa pangkat apat.

Tuesday 17 December 2013

Biglaan, Nagmadali Tuloy !

               Ngayong araw na ito, ang aming pangkat ay laking gulat nang malamang ngayon ang presentasyon namin sa pagsaway,pagkanta at pagtula kaya kami ay dali-daling nagbuo ng aming magiging presentasyon. Salamat na lang ay nakapagpraktis kami bago mag-Filipino dahil ang ibang guro namin ay nagbigay sa ng mga ilang oras para kami ay makapagpraktis. Ang aming naging tagahatol sa aming naihandang presentasyon ay sina Gng. Velasco, Bb. Cabrera at pati ang aming guro. Mediyo knakabahan kami sa pagpresenta at di namin alam kung sino ang dapat mauna kaya para patas ang laban ay idadaan na lamang sa bunotan. Kami ay pangatlo sa magpepresenta. Lahat naman kami ay nakapagpresenta ng maayos. Ang buong talakayan ay nakalaan lamang sa aming presentasyon tungkol sa mga natatanging talento namin sa pagsaway,pag-awit at pagtula. Ngunit nabitin ang pagtatanghal ng pagkanta.

Monday 16 December 2013

Laking Tanong ??? XD

               Ngayong araw na ito, nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro tungkol sa pinanood namin kahapon at laking tanong ko sa aking sarili kong anong koneksyon nito sa aming tatalakayin ngayon dahil tapos na kami sa lahat ng akda. Dahil doon ay binigyang halaga ng aming guro kung ano nga ba ang koneksiyon nito at ito daw ay may kaugnayan sa aming bagong tatalakayin na pagbuod ng isang kwento. Aming binalikan ang buod ng akdang Sa Pula, Sa Puti na binasa naman ng isa naming kamag-aral at nagkaroon ng katanungan tungkol sa pagbubuod. Sinabi naman sa aming ng aming guro kung ano ang ibig sabihin ng buod. Ang pagbubuod ay pagpapaikli ng isang mahabang kwento o tekstong binasa na hindi mababago/babaguhin ang mensahe. Nagkaroon ng isang pag-uunawa kung ito ay nararapat na ipaloob sa buod pati na rin ang mga hakbang para mabuod mo ang isang kwento. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol dito.

Sunday 15 December 2013

Mabait Kasi ! (Sa Bahay)

               Ngayong araw na ito ay ang oras ng aking nanay para sa paglalaba at ako naman ay para magbatay ng aking nakababatang kapatid na babae. Ako ay hindi muna pinaglalaro ng kompyuter dahil maghapon daw akong magabantay at ako ay sobrang natutuwa na may halong inis. Natutuwa dahil kahit papaano ay hindi ako pinagalitan kahapon dahil maghapon akong wala sa bahay sa kadahilanang PPG(Praktis-Programa-Gala). Naiinis onti dahil di muna ako makakapagkompyuter para makapag-"update". 


Saturday 14 December 2013

PPG (Praktis-Programa-Gala) XD

               Ngayong araw na ito, ako ay maagang umalis sa bahay dahil kami ay mayroong isang pagpupulong tungkol sa pangkatan sa Ingles. Kami ay magpapraktis sana subalit ang iba sa amin ay gahol sa oras dahil ang iba daw ay may gagawin pa (lalo na ako) at kami ay itinalaga na lamang ng aming lider kung ano ang aming gaganapin.               

               Ako ay pumunta naman sa pasko ng pagdiriwang ng aking tito sa Ponderosa upang makikain, makapanood at makisaya dahil ako ay naimbitahan nito. Napakasaya doon kasi kapagkabibili ka ay puwede mong gamit ang tinatawag na "chip" para makabili at sakto marami siya noon (tag-busog tuloy). Pagkatapos ay nagkaroon ng pabingo at ng pa-promo. Ang huli ay nagkaroon ng programa na nagpapakita ng kani-kanilang mga talento tulad ng pagsayaw at pagkanta. Mediyo nayayamot ako sa mga kumakanta dahil di ko talagang hilig ito at lalo na dahil nakakaantok. Namunbalik ang aking sigla ng nagpakita ng mga talento ang mga mananayaw. Ang lupit talaga nilang sumayaw at pati tuloy ako ay napapasabay sa kanilang pagsayaw.               

               Pagkatapos ng pasko ng pagdiriwang nila tito ay kami naman ay pumunta sa River Bank upang maggala at bumili ng aking bagong damit pati na rin sa magiging regalo ko sa aking kamag-aral sa gaganaping pasko ng pagdiriwang namin. Natagalan kami sa pagbili ng regalo sa aking kamag-aral dahil hindi ko alam ang panlasa ng isang babae kaya "stuff toys" na lang ang aking napili.


Friday 13 December 2013

Ayos Nakasingit Pa ? LOL XD

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang aming talakayan sa pagbabalik-aral sa akdang Kinagisnang Balon. Nagtanong ang aming guro kong sino sa amin ang nagnais na mangarap na magtagumpay at halos lahat naman sa amin ng nagtaas ng kamay. Nagulat ako ng pinagtuunan ako ng pansin ng aming guro sa kadahilanang hindi niya ako nakita ng nagtaas ng kami at ang sabi ko ay nauna lang ako magtaas at magbaba ng kamay. Dahil doon nakasingit (segway) na naman ang aming guro tungkol sa aking blog at ang sabi ay basahin ko daw ung komento niya. Nagkaroon naman ng katanungan ang aming guro tungkol sa gusto naming kuning trabaho o kurso. Dahil din doon ay amin ng ginamit ang makukulay na papel na kung saan gagawa kami ng isang sanaysay o salaysay. Maaga akong natapos sa paggawa at gusto ko pa sanang dagdagan ang aking gawa ngunit wala nang oras para dagdagan pa ito. 

UWIAN NA !

               Pagdating ko sa bahay ay pagod ang aking naramdaman kaya natulog muna ako. Mga alas kuwatro ako nakagising kaya nagmadali na rin ako naglaro para basahin ang komento sa akin ng aking guro at nalaman ko na may mali sa aking pangungusap. Pagkatapos ay umuwi na ako para kumain at matulog.

Thursday 12 December 2013

Baguhin Ang Tradisyon ! (Ang Drama Ko Dito) :">

               Ngayong araw na ito, bago magpatuloy ang nabiting pag-uulat kahapon ay nagtanong ang aming guro kung sino sa amin ang may alagang pusa at para daw may kalaro ang kanyang aso basta daw pogi ung pusa. Habang iniwawasto ang aming gawa ay nakasingit ang aming guro ng isang flitop tungkol kay Omandac dahil siya ay nag-iingay. Natanto ko mula sa akda na hindi ka magtatagumpay kung ika'y mayroong nananaig na galit sa iyong mahal na magulang. Masasabi kong ako ay kasingtulad ni Narsing dahil sa ayaw ko ding manahin ang marangal na trabaho ng aking ama. Ngunit ayaw kong matulad sa nangyari kay Narsing na bandang huli ay minana parin niya bagkus aking babaguhin ang tradisyon ng aking ama at aking  bibigayan ng isang maganda buhay ang aking magulang. Sinabi ng aming guro kong anong Teoryang nakapaloob dito at iyon ay ang Teoryang Dekunstruksyon. Nagkaroon ng onting pagbabahagi ang aming guro tungkol sa kanyang buhay. Pagkatapos ay pinagdadala kami ng makukulay na papel para bukas.

Wednesday 11 December 2013

Pamanang Hindi Matatanggihan ! :)

                Ngayon araw na ito, nagsimula ang talakayan sa patatanong ng aming guro kung sino na ang nakakita ng balon na kung tawagin dahil ito ay may kaugnayan sa aming bagong tatalakayang akdang Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz. Base parin sa akda nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro upang mas lalong naming maunawaan ang akda at ito ay iuulat ng pangkat 3. Ayon sa hatol ng aming guro sa pag-uulat ng pangkat 3 ay mali daw ang pagbubuod nila dahil binasa lamang nila ang buong kwento ng akda. Sa galit ng aming guro ay siya na lamang ang nagbuod ng tama. Dahil doon, natanto ko ang nais iparating ng akda na mahirap maghanap ng trabaho kapag ika'y mahirap lamang at higit sa lahat hindi mo maaaring talikuran ang inyong kinagisnan. Pagkatapos ay aming sinagutan na ang ginawa namin noong lunes. Sa gawaing iyon ay nainis ang aming guro sa kadahilanang mahina daw kami makaunawa. At nagkaroon pangkatan ngunit ang pag-uulat ay nabitin dahil kinulang kami sa oras.


Tuesday 10 December 2013

Minadali ang Oras eh ! XD

               Ngayong araw na ito ay pumasok na ang aming guro at kanyang itinanong kong ano ang ginawa namin kahapon. Medyo naguguluhan ang aming guro kung ikakansela ba ang klase o hindi dahil ngayon ang kaarawan ng aming punong gurong si G. Beltran at dahil doon ay kakaonti lang ang oras para sa aming talakayan kaya kanya na lang idinaan sa pag-uusap tungkol sa aming blog. Pagkatapos ay sinabi ng aming guro na bago dumating ang aming "christmas party" ay magbibigay kami ng iba't ibang mga talento na tungkol Filipino lamang.

Monday 9 December 2013

Na Naman ? XD

               Ngayong araw na ito ay wala na naman ang aming guro at hindi na naman namin alam kong bakit wala siya. Siyempre at nandiyan na naman ang mabutihing asawa ng aming guro upang magturo sa amin pero sabi daw ng aming guro sa kanya ay gawin lang ang nakapaskil sa pisara na gawain ng meron kaming magawa kahit papaano. Ang tungkol sa gawain na aming ginawa ay tungkol sa aming bagong tatalakayan na akda, ang Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz. Pagkatapos habang gumagawa kami ng gawain, ang iba sa amin ay halos maiingay sa kanya kanyang mga katabi, ang iba pa nga ay naglalaro.

Sunday 8 December 2013

Sa Wakas, Malaya na Din ! XD

                Ngayong araw na ito ay ang araw ko naman para makabawi-bawi man lang ako sa paglilibang dahil na rin sa pangyayari kahapon na para bang nakakulong ako sa hawla. Nagsimba kami ng aking tito mga bandang hapon para gumaan-gaan man lang ang aking pakiramdam. Bago pa iyon ay naglaro muna ako sa rentahan ng kompyuter upang malibang-libang muna saglit. Pagkatapos namin magsimba, syempre ay hindi mawawala ang gala at kami ay nagpunta sa Sta.Lucia at doon ay naglibang-libang din ako naglaro, kumain, tumambay, nanood atbp. Ang saya pala sa pakiramdam na maging malaya ka sa mga gawaing bahay.

Saturday 7 December 2013

Kalayaan ! XP

               Ngayong araw na ito ay ang araw ng paglaba ng aking nanay kaya ang ibig sabihin lang naman ay ako ang gagawa ng ibang gawain sa bahay at mag-aalaga sa aking kapatid (syempre ako lang kasi ang natatanging katuwang ng aking pinakamamahal kong nanay kahit na minsa ay nag-aaway kami). Medyo naiinis lang ako ng konti dahil buong maghapon akong nagbatay sa aking kapatid ni-makahakbang sa may pinto ay hindi ko man lang nagawa at para bang kinulong ako sa isang hawla. :'(

Friday 6 December 2013

Kaka-Onti Lang :'(

               Ngayong araw na ito, aming tinalakay muli ang naiwang tanong kahapon na nagsasabing si Fely ba ay nagtagumpay. Nabitin ang talakayan ng may ng anunsiyo tungkol sa pagdalaw sa kulangan upang bigyan aliw ang mga tao doon sa pamamagitan ng mga natatanging talento nila. Nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro para sa mga kababaihan lamang. Pagkatapos ay ginamit na namin ang makukulay na papel na kung saan gagawa ka ng isang sanaysay. Nahati sa dalawa ang tema sa mga kalalakihan ay kung paano rerespetuhin ang mga kababaihan at sa mga kababaihan naman ay kung paano papaunlarin ang kanilang sarili. Habang isinusulat ko ang aking sanaysay ay wala akong mediyong maisip kaya kakaonti lang ang aking nagawa.

UWIAN NA ! 

               Ako ay sobrang naiinis sa bahay dahil kakaonti lang ang aking oras para makapaglibang. Aalis kasi sila mama at papa kaya ako ang magbabantay sa aking mga kapatid buti na pinayagan pa ako para magkapag blog at sigurado di na ako makakalabas niyan.

Thursday 5 December 2013

Bakit Ganoon ? :'(

               Ngayong araw na ito, aming pinagpatuloy ang nagsilbing takdang aralin na pangkatan kahapon. Ang paraan ng pagprisenta ng bawat pangkat  ay pagtatanghal. Naging masaya ang pag-uulat ng bawat pangkat ngunit pagdating sa aming ay medyo komplikado dahil na din ay hindi pa ang aming pangkat. Bakit kaya gaoon, lagi kaming kulelat. Siguro malas lang talalga ang aming pangkat (Hay! hayaan mo na nga ). Pagkatapos ay pinagdadala kami ng aming guro ng makukulay na papel para bukas.

UWIAN NA ! 

               Ako ay pumunta sa bahay ng aking kaibagan upang malaman ko ang kanilang bahay ( gala kasi ako ). Napakasaya ng araw ko ng makapunta ako sa bahay nila dahil napakatamik kaysa sa aming bahay.Ngunit ng ako ay naka-uwi na sa bahay ay pinagalitan ako at naisip-isip ko lang bakit kaya ganoon, mas masaya pangtumira sa di mo bahay.

Wednesday 4 December 2013

Gawain, Pangkatan, Takdang Aralin Nagsama ?

               Ngayong araw na ito, nahuli ang aming guro ng 10 minuto dahil sa marami daw siyang ginagawa. Kasunod nito ay pinasa na namin ang nagsilbing takdang aralin kahapon na mga larawan ng mga kababaihan na nagtagumpay. Bumunot ng ilang mga larawan ang aming guro na kung saan bibigyan mo ito ng patunay kung paano siya naging matagumpay. Amin ding binalik aralan ang tungkol sa akdang Banyaga at tinalakay din namin kong bakit nga ba Teoyang Feminismo ang nakapaloob dito. Ayon sa Teoryang Feminismo ito ay tumatalakay sa pagkamit ng pagbabago sa pangunahing tauhang babae sa akda. Nagkaroon naman ng ilang mga katanungan ang aming guro kung ang sinasabi sa pahayag ay banyaga o hindi banyaga si Fely. Pagakatapos ay meron kaming gawain na naging pangkatan at di nagtagal ay naging takda aralin naman. Siyempre kaya pinatakdang aralin ito para daw ay mas maayos at maganda ang prisentasyon ng bawat pangkat.

Tuesday 3 December 2013

Ohhhhhh Ba-kit Nga Baaaaaaa !?

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang talakayan tungkol sa aming blog. Amin ding pinagpatuloy ang talakayan sa akdang Banyaga at pinagaptuloy din nain ang hindi natapos na gawain kahapon. Sa gawaing iyon, meron itong kasunod pang sagutan at amin itong sinagutan. Habang nagpapatuloy ang pagwawasto sa aming mga gawa ay nagaroon ng onting kasiyahan sa klase at halos ikinasaya namin iyon. Minsan naglalaro sa isipan ko na sa tuwing magtuturo ang aming guro ako bakit nga ba siya sayang-saya siya sa amin. At ang sabi niya hindi daw siya nagpapatawa ngunit bakit siya masaya (ang gulo no?). Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro kung ano ang patunay namin na ang akda ay Teoryang Feminismo.


UWIAN NA !

               Aking agad ipinaimprenta ang nasabing takdang aralin para bawas trabaho sa bahay dahil pagdating-dating ko pa lamang sa bahay ay puro gawain pambahay ang aking ginagawa pero habang ginawaga ko iyon ay parang wala ako sa sarili na para bang napipilitan lang ako. Oh, bakit nga ba ganoon ang pakiramdam ko pero ang sarap sa pakiramdam, may halong pagod nga lang.
               

Monday 2 December 2013

Nilipad ng Hangin ! XD

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang talakayan sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga sikat larawan ng babae sa pisara na kung saan kailangan mong ibigay kong anong katagian ang nagustuhan mo sa kanila dahil ito ay may koneksiyon din sa aming tatalakayin ngayon na akdang Banyaga ni Liwayway Arceo. Pagkatapos ay binasa ng isa kong kamag-aral ang akdang ito, halos lahat kami ay napatahimik na para bang nilipad ng hangin ang aming isipan kaya ng nagtanong guro ay nagpanganga siya dahil ni isa ay walang nagsasagot, meron man ngunit malayo ang sagot sa katanungan.

UWIAN NA !

               Ako ay niyaya ng aking mga kaibigan na pumunta sa Antipolo upang mag-interbiyu doon para daw sa kanilang proyekto. Pagkatapos naming mag-interbiyu kami ay kumain at naggala-gala. Napakasaya ko ngayon dahil nakagala na ulit ako. Ngunit ng kami ay papa-uwi na ako ay sobra ko ng tahimik at hindi ko rin alam kong bakit gano'n. At ng kami ay nakasakay na, sobrang tamlay ko at para bang nilipad na naman ng hangin ang isipan ko. Pagka-uwi ko sa bahay, ako ay pinagalitan ng aking magulang.

Sunday 1 December 2013

Maaga, agaaM ? XD

               Ngayong araw na ito ay maaga akong ginising ng aking nanay dahil siya daw ay maglalaba ng  maaga ng saganoon daw ay maaga daw siyang matapos at para daw makapagsimba kami ng aking tito ng maaga. Maaga ngang natapos ang aking nanay. Dahil doon ay maaga din kaming nakapagsimba ng aking tito. Pagkatapos kami muna ay naggala para bumili ng pasalubong para kila mama. Maaga din naman kaming nakauwi mga (mga alas-diyes). Pagkauwi ko sa bahay ay maaga din akong pinag alaga ng aking kapatid. -_-