Pages

Friday 14 March 2014

Puros ! =_=

               Ngayong araw na ito ay ang kahuli-hulihang pagkuha namin ng amin pagsusulit sa markahan, ang ikaapat na pagsusulit. Sa aming unang pagsusulit ang bumungad agad sa aking harapan ay ang asignaturang filipino at doon ay medyo kinakadahan ako dahil wala at hindi naman talaga akong nag-review-review man lang para sa aming pagsusulit (ganun kasi ako eh ang paboritong moto eh bala na si batman xD). At sa aking pagkuha noon ay maaga akong natapos dahil parang ang dali lang kasi lahat (parang lang ha? :P). Pagkatapos ay nagpahinga at natulog muna ako saglit para sa susunod na pang pagsusulit at maging sa iba pang mga asignatura ganun na lamang ang aking ginawa :D. At doon ay amin din namang iniwasto ang aming pagsusulilt pagtapos din naman ng pagkuha namin ng pagsusulit at pansin ko lang sa aking mga naging grado sa pagsusulit na iyon ay puros trenta mahigit ulit ang aking nakukuha (kaarawan ata ng numero tatlo ha? ano kaya ibig sabihin?). At doon din ay maaga kaming pinauwi ng aming guro.

               Pag-uwi ko sa bahay ay nagtaka ang aking nanay dahil ang aga-aga ko daw umuwi (ang di niya lang alam eh di lang kasi ako tumambay sa aming paaralan -_-). At doon ay di pa tapos magluto ang aking nanay kaya naglibang-libang na muna ako saglit dahil puros usok na lang ang nakikita ko sa aming bahay. Pagkatapos ko maglibang ay umuwi na ako para kumain at ang ulam na nakahanda doon ay gulay, gulay na pagkatamis-tamis na puros asukal na ata ang nilagay dito -_-.

Thursday 13 March 2014

May BS ! xD

               Ngayong araw na ito ang ay ang unang araw ng aming pagkuha ng aming pagsusulit para sa ikaapat na markahan (ano daw?). At doon ay medyo kinakabahan ako sa mga maari naming kuning pagsusulit dahil hindi pa man din ako nakapag-review kahit papaano kaya bago pa man mag-umpisa ang aming pagsusulit ay sisilip muna akong saglit sa aking kwaderno dipende sa asignaturang aming kukunin para kahit papaano ay nakapag-review man lang kahit konti. At iyon ay nagpatuloy ito hanggang sa matapos ang aming pang-apat na pagkuha sa ikaapat na pagsusulit ngunit laking taka kong nang matanto ko na parang halos lahat ng resulta ng aking pagsusulit ay umiikot lang sa numero trenta mahigit (ano to, himala?). At doon ay maaga kaming pinalabas ng aming guro dahil kami lamang mga pangkat isa ang nagkukuha ng pagsusulit dahil pina-advance nila ito para daw sa maagang recognition (ata? :D).

               Hindi muna ako umuwi ng bahay bagkos ay naglibang-libang muna saglit dahil ang aga pa nga kasi diba? at doon ay pumunta ako muna sa aking kamag-aral upang makinood at magpalipas ng oras. Kami ay nanood ng pelikulang tungkol sa bag-ibig (adik kasi sila doon eh :D) at ako naman ay nakikinood dahil wala pa akong gawang rebyu para sa filipino at para na din ay makagawa na ako :D.

               Pag-uwi ko sa bahay ay agad-agad akong pumunta sa rentahan upang mag-update ng aking rebyu (syempre kumain na nun ako at nagbihis na :D). Sa aking paggawa ay natagalan ako dahil yung pinanood kong palabas sa aking kamag-aral ay hindi ko inilagay dahil ang aking ginawang rebyu na aking napag-isipan ay mga nakakatakot na pelikula, "Drag Me To Hell" at "The Ring" ang aking huling pasya. At kung mapapasin mo ay kasalungat ito sa aking napanood na palabas sa aking kamag-aral (wala eh, ang napangitan ako sa love na pinanood nila :D boring kasi puro may halo, BS baga xD). Pagkatapos ay nagawa ko din naman ng maayos ang aking rebyu sa tamang oras (sana mabasa ng aking guro iyon :D). Hapon na akong muling nakabalik sa bahay at doon ay kumain na din muna ako kaso ang malas ko ngayon dahil ang pagkain na aking nakain ay may halong sabon, BS baga (Bar Soap xD).

Wednesday 12 March 2014

Pagsusuring Pampilikula : Drag Me To Hell

               "Here Kitty, Kitty ..." Isa sa mga linya na tumatak sa aking isipan sa pelikulang "Drag Me To Hell" mula sa direksiyon ni Sam Raimi.

               Ipinapakita nito ang natatanging kaugalian ng isang babaeng gusto magpakitang gilas sa kanyang amo. Ang buong istorya ay humiikot sa tauhang sina Christine Brown (Alison Lohman) isang babaeng "loan officer" na kahit na misan ay di makita ang kagalingan nito sa trabaho at si Gng. Ganush (Lorna Raver) naman ay isang matandang babaeng nagnais na mangutang kay Christine ngunit ito ay tinanggihan at kanya pang nasaktan. Biglang ganti ay isinumpa ni Gng. Ganush ang botones ni Christine na bilang tanda na siya ay kukunin na ng impyerno makalipas ang tatlong araw. Pagdating ng kinabukasan ay nabalitaan ni Christine na si Gng. Ganush ay patay na. At doon ay sinubukan pa muna ni Christine na baguhin ang nakatakada kaya nagpatulong ito sa isang saykayatris. Sinunod naman ni Christine ang lahat ng nirekomenda ng saykayatris sa kanya at maayos naman niyang nagawa iyon kahit na ang multo ni Gng. Ganush ay nagnanais pa na pigilan ang nais ni Christine na baguhin ang sumpa. Laking tuwa na lamang ni Christine nang magawa niyang baguhin ang sumpa at iyon kanyang akala lamang, ang hindi niya alam ay nasa kanya pa rin ang botones na palatandaan na siya ay kukunin makalipas ng tatlong araw. At laking kaba na lamang ni Christine nang makita niya iyon dahil ngayon na ang araw ng kanyang sumpa at doon ay bigla-bigla na siyang kinain at kinuha ng lupa ng walang alinlangan.

               Ang pelikulang ito ay papatok sa mga kabataan ngayon at maging sa mga katandaan dahil sa mga nakakatakot at nakakagulat na eksena at maging sa mga artistang nagsipag-ganap.

               Mayroon ka rin naman mapupulot na aral dito. Tulad na lamang ng pagiging mabait sa mga nakakatanda, pagiging huwaran din sa trabaho na sana lugar, at iba pa.

Pagususring Pampelikula : The Ring

                "You will die in seven days" Isang nakakakilabot na linya kung magmumula sa atin na kung tutuusin ay nakakatakot talaga mula sa pelikulang "The Ring" sa panulat ni Gore Verbinski.

               Nakakatakot at nakakagalak na panoorin ang pelikulang ito sapagkat nakakapukaw ito ng damdamin na maglutas ng mga problema. Ang istorya nito ay nakatuon lamang sa isinumpang videotape na naglalaman na tila baga walang tiyak na serye ng mga nakakagambalang mga imahe. At doon ay isa si Naomi Watts na bilang Rachel Keller na nagbalak na panoorin ang videotape na iyon at doon ay may narinig siyang boses ng isang babae na nagsambit na "you will die in seven days". Sa pangayayring iyon ay nabagabang ang buhay ni Rachel at doon ay napagpasiyahan niyang lutasin ang problema na iyon sa loob ng pitong araw. Sa kanyang paglalakbay ay nakasama niya ang kanyang asawa sa paglutas nito dahil nakapanood na rin kasi ito. At doon ay nakaranas sila ng pagsasakripisyo ng isa at iyon ay ang asawa ni rachel. Dahil doon ay nalutas at napagtagumpayan na ni Rachel ang nais ipahiwatig ng videotape na iyon at iyon pala ay isang batang multo na nagnanais ng hustiya mula sa kanyang pagkamatay na si Samara Morga (Daveigh Chase) dahil sa pagmamalupit ng tiyahin nito sa kanya. Subalit akala ni Rachel ay tapos na ang lahat at napigilan na niya ang sumpa ngunit ang hindi niya alam na ang nag-iisa niyang anak na si Aidan Keller (David Dorfman) ay nakapanood na din ng videotape na iyon at ang masaklap pa dyan ay naging kaibigan pa ito ng kanyang anak. 

               Ang pelikulang ito ay para sa lahat, sa mga malalakas ang loob at sa mga mahihilig maglutas ng mga problema (tulad ko:D). Talagang hindi matatawaran sa akin ang pelikulang ito dahil ang paborito ko sa lahat eh ang paglutas lamang ng problema (ewan ko lang sa inyo? :P). Angkop din naman ang mga tauhang nagsipag-ganap at maging ang istorya nito.

Parbor Na Yan ! :D

               Ngayong araw na ito ay nahuli na naman ng halos dalawangpung minuto ang aming guro at doon ay nanaig nanaman ang ingay ng dyamante. Pagdating ng aming guro ay na sinabi agad-agad na wala kaming talakayan ngayon dahil may iba pa daw siyang inaasikaso (parbor naman iyon sa amin sapagkat ito ang aming pagkakataon para mapaglibang :D ewan ko lang sa iba kung mag-iingay sila xD). Ngunit ito ay nagbigay ng isang gawain na may koneksyon pa rin naman sa aming talakayan at doon ay himihirit kami na magkaroon ng pagbubunot na kung sino ang magbabasa nang nagawang tula o sanaysay ngunit hindi natuloy dahil parang nagmamadali sa pagbigay ng gawain at sa pagtuturo ang aming guro (ano kaya yung minamadali niya? wala akong ideya -_-). Ito ay mas naging pabor sa amin sapagakat ang gawain na kanyang ibibigay ay madali lang naman, ang paggawa ng isang liham pangkaibigan (syempre mamadaliin namin iyon para makalibang at makapag-ingay kami xD pero ako aayusin ko :D). Sa aking nagawang liham na pangkaibigan ay hindi ko nabanggit kung sino ang aking padadaanan ng aking liham dahil nahihiya ako sa mga ipinagsusulat ko doon, mga kabaliwan lang ... basta kung ano kasi ang lumabas sa isip ko eh yun na lang ang aking isusulat :D. Kinausap ko ang aking pagbibigyan ng liham at doon ay pabor naman siya dahil buti na lang daw eh di ko nilagay ang kanyang pangalan (bawal sabihin eh :P nanay ko na kasi siya xD biro lang :D).

Tuesday 11 March 2014

Taga-observed Lang Ang PEG? :D

               Ngayong araw na ito ay wala ang aming guro at buti na lamang ay nandyan ang kanyang butihing asawa upang magmanipula lang sa amin (lagi naman eh -_-) at kanya lang naman gagawin kung ano ang inuutos ng kanyang asawa, ang pagawain ng gawain at pakopyahin ng aming talakayan at doon ay mag-isa na lang siyang tahimik sa likod (ewan ko na lang kung makikipagdaldalan din siya sa amin). Amin namang sinunod ag nais na pagawain ng aming guro subalit talagang hindi maiwasan ng dyamante ang mag-ingay (likas na kasi, nasobrahan na baga :D) ngunit masasabi ko rin na ang iba ay gumagawa ng gawain (tulad ko xD pero ako kinopya ko lang pero kahit papaano ay gumawa ako :D eh kasi halos ang naman kasi eh kinopya lang din xD ewan ko lang sa iba). Sa oras na iyon ay lubusan na talagang nanaig ang ingay ng dyamante subalit ang iba ay pag-easy-easy na lamang siguro marahil ay tinatamad na sila o di kaya ay tapos na sila (di rin natin masasabi -_-). Teka lang? parang naging taga-observed lang ang peg ko ngayon ha?

Monday 10 March 2014

Basta ! :D

               Ngayong araw na ito ay agad-agad na bumunot ang aming guro kung sino ang magbabasa ng kanilang nagawang tula o sanaysay (ano bayan? may lakad ang peg? tugudog-tugudog! bilisan mo ma'am sana ako mabunot mo :D biro lang xD) at doon ay dalawang beses na bumunot ang aming guro (sayang muntik lang! sana ako na sa susunod :D). Sa pagbabasa ng pangalawang may gawa ay nagkaroon ng onting kasiyahan sa gawa nito at doon ay umiral na naman ang pagiging wild ng dyamante (huhu! ang saya grabe :D nagkamenos puntos tuloy sa markahang pagsusulit para sa ikaapat -_- hooh! grabe ang saya, hays mga baliw kasi ang dyamante daig pa ang bata pagdating sa love). At doon ay amin nang pinag-aralan ang tungkol sa aming blog sa paggawa ng rebyu na ilalagay dito at doon ay nagbigay ng isang halimbawa ang aming guro ng isang rebyung pampelikula (sana makagawa na ako -_- kasi di talaga ako mahilig manood o magbasa ng kahit ano eh -_- wawa naman ako :<). Amin nang pinagpatuloy ang talakayan tungkol dito. Pagkatapos ay nagbigay ng gawain ang aming guro. Dito ay sinubukan kong hindi gumawa dahil wala man talaga akong alam (basta di ako maka-relate! hays! basta >.<) ngunit nagbago ang aking isip dahil na rin sa aking konsensya na sayang ang puntos pag di ako gumawa :D ngunit muling nagbago ang aking isip dahil tapos na lamang ang oras na nakapalugit sa amin ay hindi pa ako tapos kaya ayun di na lang tinuloy (ano bayan sayang effort ko -_-) ngunit ng malaman kong pede pang mamaya na magpasa ay aking muling ipinagpatuloy ang aking gawa. Pagkatapos ay nagawa ko naman at napasa ko naman ng maayos ang aking (hooh! grabe na'tong utak ko ngayon pa-iba-iba -_-) ngunit ang parang mali-mali naman ata ang aking gawa eh (basta di ko alam kasi ang aking pinagsusulat doon basta kung ano na lamang ang lumabas sa aking isipan eh iyon na lang ang aking isusulat :D.