Pages

Friday 31 January 2014

Ika nga ... JUAN Tamad ! -_-

                Ngayong araw na ito ay akala magiging mlaigaya na ako dahil walang pasok ngayon ika nga nila Chinese New Year daw (bakit? kailangan ba iyon? mga chinese ba tau? nakaktamad tuloy ... boring eh!). Siguro sa mata ng iba ito ay masaya ngunit para sa akin ay hindi dahil ayoko lang, nakakatamad kasi (pero sa totoo lang masarap ung tikoy nila ha pati ung malagkit ! basta ... masarap ung pagkain nila :D). Maghapon magdamagakong Juan Tamad ang tema ika na tuloy nila ni kesyo si Master Cedrick daw ako tapos minsan din Sinyorito daw hays ... basta ako Juan Tamad na bansag ay sapat na pinapalalim pa nila kala mo kung sino (di ko tuloy maintindihan ... biro lang :D). Wala namang reklamo ang aking nanay kung ano man ang aking pinapairal na katamaran ngayon dahil kakaonti lang naman daw ang gawaing bahay ngayon (yes, im free!) subalit susubukan ko sanang tumulong ngunit ayaw eh ... ayaw ko (hays ... hayaan mo sila bahala na sila dun ginusto nila un eh!).

Thursday 30 January 2014

NakakaBaliw ! XD

               Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang talakayan ay nagkaroon ng prisentasyon ang dalawa kong kaklase, ang isa ay magbabasa ng kanyang nagawang sanaysay na may koneksyon sa aming seksyon, ang kaibahan daw ng pagtutulungan sa pag-aasahan (oo nga ! anti-hingi na ng papel) at ang isa naman ay kakanta ng awiting Himala. Pagkatapos ay pinaghambing ng aming guro ang kaibahan ng akdang Ang Himala at ang awiting Himala at amin na ding tinalakay ang tanong na nagsilbing takdang aralin kahapon. Sa tanong na iyon ay natagalan kami sa pagtalakay at halos doon na lang namin naubos ang aming talakayan sa tanong na iyon pero dahil doon parang may kababalaghang pangyayari akong naman (ayiie ... ayoko ngang sabihin ;P, sa akin na lang iyon) na siguro marahil ay isang baliw kaya nyang nagawang mag-imbento na may nakita siyang birhen (wala eh! gustong sabihin ng kamay ko eh!). Kinulang na kami sa oras ngunit  natapos naman na naming sagutan ang tanong pero minabuti ng aming guro na ipasa na lang ang iba pang mga takdang aralin na hindi tapos maiwasto. Pagkatapos ay nagbigay ang aming guro ng isa pang mulingtakdang aralin (na nakakabaliw na at halos araw-araw na nagbibigay at hanggang kailan pa kaya matatapos ? ... hehehe ! biro lang) na magkalap ng isang pelikula na pinapalooban ng Teorayang Saykolohikal.

Wednesday 29 January 2014

Di-dis Ma-maya ! XP

                Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang talakayan ay inanunsyo ng aming guro na ang aming ulat kahapon ay hindi maayos at di tapos sapagkat ito ay mahalaga para sa aming takalayan ngayon. Amin na ding tinalakay ang nagsilbing takdang aralin kahapon at medyo nadismaya ang aming guro sa aming pangkat sa kadahilanang wala na nga kaming gawa kahapon na takdang aralin ay maski ngayon ay wala pa rin (buti lang ay mabait ang aming guro ... salamat po! sana di na maulit XP). Muling nadismaya ang aming guro dahil mula sa amin hilera ay ay wala niisang may gawang takdang aralin at tanging sa kabila lamang ang mayroon (buti sila mayroon ... napuri pa :'( kasi naman kasi eh!) kahit na bibigyang kahulugan lamang ang teoryang saykolokal. Ito ay binasa ng iba kong mga kaklase at siyang bigay kalugan at paliwanag naman ito ng aming guro. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng isang gawain na patungkol sa saykolohikal na may kaugnayan din sa akda at nagbigay ng takdang aralin ang aming guro na mag-imprenta ng kantang Himala.

Tuesday 28 January 2014

Lagi na Lang Daw ! :(

               Ngayong araw na ito, bago magsimula ang talakayan ay nagtanong ang aming guro kung sino na ang nakanood ng buong kwento ng akdang Ang Himala. Muling bumunot ang aming guro sa palabunutan upang magprisinta isa kong muling kaklase ng isang sariling tula (tugudog-tugudog, kinakabahang muli). Amin nang tinalakay ang nagsilbing takdang aralin kahapon na patungkol sa mga bagay na nangyari kay Elsa simula pagkabata hanggang maging manggagamot. Pagkatapos ay nagkaroon ng pangkatang gawain na patungkol sa akda at sa pangkatang iyon ay hindi natapos ang aming gawa dahil nahihirapan kami sa tanong (eh kasi ... onti lang kaming tumutulong -_-) kaya naubos na lang ang oras ay di pa kami nakakatapos. Nagtataka ang aming guro kasi sa tuwing nagkakaroon daw ng pangkatang gawain ay laging kulelat at hindi aktibo ang aming mga gawa (ano bayan ... yung iba kasi eh ... daldal lang! 0_0) at maging sa bawat pagtatanong ng aming guro ay wala man lang daw tumataas ng kamay sa aming hilera. Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro kung ano ang teoryang saykolohikal na nakapaloob sa akda.

Monday 27 January 2014

Ha ? Himala ! :O

               Ngayong araw na ito ay medyo na huli ang aming guro ng pagdating at agad siyang bumunot sa palabunutan para sa magpiprisenta ngayon ng isang sariling tula (tugudog-tugudog kinakabahan onti) at buti na lang ay di ako nabunot. Amin nang tinalakay ang tungkol sa akdang Ang Himala ni Ricky Lee at kami ay tinanong nang aming guro kung sinong hindi naniniwala at naniniwala sa isang himala. Dahil doon ay nagkaroon ng onting pagbabahagi ang ibang mga kaklase ng karanasan sa isang himalang pangyayari (hays ... di naman yan totoo, di ako naniniwala kasi ... Final Destination lang ang peg nyan!). Binasa ng isang kong kaklase ang istorya ng akdang nabanggit dahil mali naman kasi ang aming nakalap na kopya (teka, himala ... wala niisa sa aming may tamang kopya!). Bago mag-umpisa ang pagbabasa ay nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro na kailangang sagutan pagkatapos paringgan ang binasa. Sa pagbabasa ng naatasan ay nakaramdam ako nang katahimikan at kalayaan mula sa ingay nila (presidente kasi namin ang nagbabasa XD) at siguro marahil ay pursige talaga silang makinig kaya abala. Hindi natapos ang pagbabasa dahil kinulang kami sa oras kaya ang nagsilbing katanungan ay nagsilbi na lamang na takdang aralin.

Sunday 26 January 2014

Buti Na Lang ! :D

               Ngayong araw na ito ay nasa maayos naman ang aking pakiramdam kahit na kung tutuusin ay pata na ako sa pag-asikaso sa bahay (okey lang iyon mabait kasi ako ... piling lang onti) at halos buong maghapon ako naging katuwang ng aking nanay (kulang na nga lang eh ... magkuha ako ng kursong care giver). Ginusto ko naman ang gawaing iyon dahil wala naman akong magawa masyado sa bahay (maigi na rin iyon kaysa sa tambay lang naman kung tawagin!). Buti na lang ay nasa kondisyon ako at hindi masyadong abala sa mga takdang aralin ng bawat asignatura kaya tumulong na lang ako sa bahay (ah ... pwede na may ipagmamalaki na XD). Nagulat na lang ako ng mabalitaan ko mula sa balita na magbibigyan ng tunay na saloobin ang aking iniidulong si Vhong Navarro mula sa kanyang pagkabugbog at sa pambibintang na siya ay manyakis. Ayon sa saloobin niya, siya ay hindi naman talaga isang manyakis at siya ay isang lamang biktima ng panlilintang ng isang indibidwal. Buti na lang ay hindi totoo ang pangbibintang at ang mga kumakalat na balita sa kanya.

Saturday 25 January 2014

Hindi, Hindi Totoo Yan ! :(

               Ngayong araw na ito ay ang araw ng paglalaba ng aking nanay (lagi naman eh!) at ngayon kukunin ng aking nanay ang kard ko (syempre tulad ng dati) maaga akong naasikaso sa gawaing bahay at magbantay ng aking kapatid sa kadahilanang maaga ang kuhaan ng aming kard. Pagdating ng aking nanay ay namangha ako sa kanyang balita na aking markha ngunit ito'y nawala nang ang aking ranggo mula sa paaralan ay siyang baba nito (ayos ah, parang di naman totoo ang aking ranggo ... hmmm magkaalaman nga sa lunes!). Laking pasasalamat ng aking nanay dahil maayos kung naganpanan ang aking tungkulin at buti na lang ay hindi daw ako nagbigay ng anomang reaksyon (syempre may kailangan kasi ako ... sunga-sunga lang si mama ... biro lang XD). Nagpalibang-libang muna ako saglit ngunit nabigla ako nang malaman ko  mula sa facebook na kumakalat na ang aking iniidulong si Vhong Navarro ay nabugbog dahil daw sa siya ay manyakis (hindi, hindi ako naniniwala ... idol ko iyon eh! walang pakielamanan :/). Naawa lang ako ng makita kong basag-basag na lamang ang pagmumukha nito.

Friday 24 January 2014

Sayang Talaga ! (O,O)

               Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang aming talakayan ay aming muling binalik aralan ang tungkol sa akdang Ang Kalupi sa malikhaing pagbubuod na paraan at aming binuod ito sa pamamagitan ng pa-isa-isang tawag ng iba kong mga kaklase (siyempre isa ako doon sa natawag :D). Aming pinagtuunan ng pansin si Aling Marta dahil sa kanyang ipinakitang pag-uugali at aming inalam kung anong teoryang nakapaloob sa akda, ang Teoryang Eksistensyalismo. Nagkaroon kaming onting gawain na bibigyan mo ng kahulugan ang nakapaskil sa pisara. Amin ng ginamit ang nagsilbing takdang aralin kahapon na makulay na papel at doon kami ay gagawa ng isang  malikling kwento na kasing tulad sa akda. Kinulang kami sa itinakdang oras para sa filipino at umabot na naman ito sa oras ng TLE at gugustuhin ko sanang itigil ngunit sayang talaga eh nangangalahati na ako sa paggawa kaya aking ipinagpatuloy na lamang.

               Nagpaiwan ako sa paaralan dahil nais kong sumali sa aktibidad para sa buwan ng matematika, ang sodoku. Natagalan ako sa paghihintay at babalakin ko sanang umuwi dahil naiinip ako ngunit ito ay aking pinigil at ipinagpatuloy na lamang ang paghihintay dahil sayang eh, sayang ang grado para doon sa aktibidad na nabanggit. Maaga akong natapos sa pagsasagot at minabuti ko na lang hintayin ang aking mga kasama. Sobra akong nainis dahil inorasan pala kami (akala ko kasi hindi limitado ang oras -_-). Dahil doon ay aming tinanggihan na lamang ang alok para sa kasunod na pagsubok at ng amin na itong naibigay ay nalaman na hindi pa pala iyon ang tunay na larong sodoku (panimula palang pala ... sayang XP). Sinisi ako ng aking mga kasama dahil pagkakataon ko na iyon ngunit akin pang sinayang (paano ba naman kasi yung nagmamanipula sa amin ay may ibang ginawa ... yan tulay :( ... sayang daw!). Maging ako ay sinisisi ko ang aking sarili dahil tama nga sila, sayang nga talaga dahil wala pa daw nakakapasok sa tunay na larong sodoku. Pero okey na iyon tanggap ko na ako ang may kasalanan kaso sayang eh, sayang talaga.

Thursday 23 January 2014

Tauhang Bilog Lang Peg ? XD

               Ngayong araw na ito, bago pa lang mag umpisa ang talakayan namin ay nakabusangot na agad ng tingin ang aming guro sa amin at ewan ko kung bakit (namiss lang siguro kami, ayiie ... assuming? -_-) pero sa pag umpisa ng talakayan ay nawala rin naman (sabi ko na eh! :D). Aming binalik tanaw ang tungkol sa aming ginawa kahapon na tungkol sa akdang Ang Kalupi. Amin ding tinalakay muli ang tungkol sa banghay o balangkas at ang maikling kwento. Ang nagsilbing takdang aralin kahapon ay magsisilbi na lang daw na isang pangkatang gawain. Bago pa doon ay nagkaroon kami ng onting pababalik tanaw muli sa natatanging aming tinatalakay na nabanggit na akda. Sa aming pagapapangkat at nainis (ata? baka galit?) ang aming guro dahil naiirita (ata?)  siya siguro dahil kami ay maingay sa paraan ng pagpangkat kaya agad na kami ay pinaupo sa upuan (na galit?) at siya daw ang pipili ng mag-uulat sa bawat pangkat at ay wala naman nagawa kung'di sumunot na lang (galit na kasi ... biro lang! :D) ngunit tulad ng una ito ay nawala rin. Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro na magdala daw ng makukulay na papel para bukas.

Wednesday 22 January 2014

Iyon-yon eh, Tiwala Lang ! XD

               Ngayong araw na ito ay binalik tanaw namin ang aming ginawa kahapon na tungkol sa akdang Ang Kalupi at ang nagsilbing pangkatang gawain din at maging ang naiwang kasabihan na tungkol sa akda na "huwag mong husgahan ang aklat sa kanyang pabalat". Bago mag-umpisa ang pag-uulat ng bawat pangkat ay binigyan muna kami ng aming guro ng ilang minuto para makapaghanda at makapag-ayos. Sa pagwawasto ng aming ulat at gawa ay may ilang pagkakamali kami sa pagsagot ngunit kami ay nakakuha kami ng apat na bagsak. Pagkatapos ay nagtuon kami ng pansin sa ibig sabihin ng maikling kwento at nagbigay ako ng onting kong kaalaman tungkol dito ngunit pangkaraniwan na ang aking sagot (sabi nila mali, iyon-yon eh ... tiwala lang). At aming tinalakay ang tungkol sa banghay o balangkas at iyon ay binigyang kahulugan ng aking kaklase na binasa lang naman niya sa pisara (iyon-yon eh!) at binigyang linaw naman ito ng aming guro ang tungkol dito. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng takdang aralin na tungkol sa pagawa ng tula o sanaysay at nagbigay ang aming guro ng halimbawa ng tula na kayang naimbento na wala pang pamagat at kanyang ipinarinig ang kanyang nagawa. Habang nasa kalagitnaan na pagbabasa ang aming guro ng makabanggit siya ng usong salita, "tiwala lang" kaya pagkatapos niya magbasa ay nakaimbento na kami ng magandang pamagat para sa kanya (iyon-yon eh, tiwala lang!). :D

Tuesday 21 January 2014

Ayos to'ha ! :D

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang aming talakayan sa pagbabasa sa ng isang kasabihan na "huwag mong husgahan ang libro sa kanyang pabalat" na maaari mong makita sa libro sa itinagalog lamang at nadarama ko may kaugnayan ito sa akdang aming tatalakayin, Ang Kalupi ni Benjamin Pascual (ayos to'ha). At nagbigay ng onting impormasyon ang iba kong kaklase na patungkol sa nabanggit na kasabihan. Amin ding binigyang pansin ang kahalagahan ng pamagat ng akda (Kalupi) at nagkaroon ng katanungan ang aming guro tungkol dito. Ginamitan ng malikhaing presentasyon ng aming guro ang pagbasa ng akda at ito ay ginawang dula-dulaan na ginampanan ng iba kong mga kaklase na inihalintulad sa palabas sa Showtime na Sine Mo'to (ayos to'ha, istorya, istorya, isroya). Bago mag-umpisa ang presentasyon ay kailangan naming salungguhitan ang nakahandang tanong na magsisilbing pangkatang gawain na nakapaskil sa pisara sa bawat pangkat. Pagkatapos magbasa at magprisenta nila halos lahat kami ay nakaramdam ng inis at lungkot sa pangyayari, naiinis dahil sa maling panghuhusga ni Aling Marta kay Andres, nalulungkot dahil sa pagkamatay ni Andres ng walang kasalanang nagawa. Magkakaroon sana kami ng pangkatang gawain ngunit ubos na ang nakatakdang oras pa sa aming talakayan kaya ito ay nagsilbing takdang aralin at ipagpapatuloy na lamang bukas.

Monday 20 January 2014

Hala ! :O

               Ngayong araw na ito ay pinahalalahanan ng aming guro ang nagsilbing gawain namin noong nakaraang biyernes (ang pagawa ng tula na may sukat at tugma) na kahit na wala man daw ang prisensya ay nandoon parin siya dahil mayroong nag-asikaso guro sa amin at ipinagawang gawain. Aming binalik aralan ang tungkol sa tulang damdamin na nagsasaad sa isang emosyon o damdamin ng isang tao. Nagbigay ang aming guro at ang iba ko pang mga kaklase ng halimbawa ng tulang pandamdamin. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kung saan gagawa ka ng isang tula at ito ay inyong pagtutulungan ng inyong mga kamiyembro upang makabuo ng isang tula. Sa aming pangkat ay maayos naman naming napagtulong-tulungan ito ngunit lumagpas kami sa oras na itinakda sa Filipino at patuloy pa rin namin itong ginawa sa oras ng sumunod sa asignatura (hala, baka magalit ang aming guto?) ngunit pahapyaw lang namin nagamit ang oras ng TLE.

Sunday 19 January 2014

Himala ? :O

               Ngayong araw na ito ay wala ako sa sarili na parang bang isang robot na kontrolado ng isang tao dahil ngayon ay laking pagtataka ko na lang ng sa bawat utos sa akin ng aking nanay ay agad ko itong sinusunod na walang pag-aalinlangan at wala man lang ano mangreaksyon. Sa sitwasyong iyon ay maghapon ganoon ang aking kalagayan ngunit ng pagkagat na ng gabi ay bigla akong nagising sa katotohanan na para bang naubusan na ng baterya o enerhiya ako. Ng gabing iyon ay laging pagtatako na para bang isang himala na gabi lang ako nakagising (bampira lang ang peg?) na walang alam sa mga nangyayari sa mga oras na iyon. Pagkatapos ay agad naman akong nagmadaling lumabas upang malibang-libang man lang at muling natulog pagkatapos maglibang.

Saturday 18 January 2014

Hoooh ! :O

               Ngayong araw na ito ay ang araw ng paglalaba ng aking nanay kaya ako magbabantay ng aking kapatid at gagawa ng gawaing bahay pero bago pa diyan ay aalis ang aking nanay at may importanteng lakad siya. At ako ay agad namang naasikaso sa bahay para magbantay at mag-alaga ng aking kapatid (magpapakabait muna ksai may inportanteng lakad ako, may kaibigan akong nais magpasama). Mga hapon ay medyo nagmamadali na ako sa pagdating ng aking nanay dahil hapon ang oras ng aking lakad (ayos ah, akala mo may trabaho na at makamadali ay sobra sobra). Ng pagdating ng aking nanay ay agad akong nagmadaling nagbihis para sa aking lakad naman (Hoooh! akala ko di nauuwi ang aking nanay).

               Sa pagdating ko sa lugar na aming pinag-usapan (Sta.Lucia) ay wala pa ito at minabuting ko munang hanapin ito sa loob ngunit ito ay wala parin. Sa aking muling pagbabalik sa labas ay nakita ko siyang palabas ngunit ako ay umihi muna saglit dahil hindi na kinakay ng pantog ko ang lamig (hoooh! sa wakas nakabawas din ng karga). Akin na itong sinundan sa labas at mabuti na lamang ay siya iyon (hoooh!  akala ko ay uuwi akong luhaan at walang napala). Nahihiya ako ng onti doon dahil sa facebook ko lang siya nakilala. Niyaya niya akong manood ng sine at agad naman akong pumayag dahil hindi pa ako nakakapanood doon simula ng ako'y bata pa. Hindi kami inabot sa itinakdang oras para sa aking gustong panoorin na pelikula, ang bride for rent. Kaya kami ay lumipat sa SM Marikina dahil doon ay maabutan pa namin ang nakatakdang oras para doon. Kami ay sumakay ng taxi para daw ay mabilis ang transportasyon mula Sta. Lucia (wow, sosyal? may pataxi-taxi pa samantalang ako dyip lang ay pwede na). Pinipilit niya akong magsalita ngunit ayaw ko talaga dahil nahihiya pa rin ako. Ng kami ay makadating sa SM ay agad kaming pumunta sa sinihan at bumili ng tiket upang hindi na maubusan ng bakante. Maayos naman namin iyon nagawa at nakabili na rin kami ng aming babaunin. Hoooh! ang sarap pala sa pakiradam nag nasa sinihan ka kaso sobrang lamig pala hindi ko kaya ng matagalan. Ang aming pinanood na pelikula ay dramang may halong komedya kaya para sa akin sulit ang bayad mo. Pagkatapos ako nagmamadali ng umuyi dahil inabot na ako ng gabi sa paglilibang. Gusto ko ng umiwi kaso pinakain niya muna ako sa Chowking at hinatid niya pa ako pauwi. Pansin ko lang sa kanyan ay habang kasama ko siya at ng kami ay papauwi na ay ang hilig niyang mantaga sa leeg ko (kakatayin na baboy lang ang peg ko?). 

               Sa aking pag-uwi ay dalawang beses akong sumakay dahil pahirapan ang pagsakay doon. Sa una kong pagsakay ay maayos naman ang aking pagbiyahe ngunit sa ikalawang pagbiyahe ay sobrang nakakainis dahil bente daw ang pamasahe at bukod pa diyan kahit na puno na ang dyip ay pilit ang pagkarga ng mga pasahero at halos nagmumukha na kaming delatang sardinas doon (hoooh! ang hirap huminga). Sa pangyayaring iyon ay inabot ako ng alas otso at pag-uwi ko sa bahay ay pumasa naman ang naimbento kong dahilan pero sa kabayaran ng gabi na ako umuwi ay kailangan kong bantayan at patulugin ang aking kapatid (hoooh! napagod din ang balikat ko sa pagbubuhat ng aking kapatid) kaya minabuti kong matulog na lang din.

Friday 17 January 2014

Agad Agad ? :O

               Ngayong araw na itoay wala ang aming guro at hindi namin alam kung bakit wala ito. Hindi ang kanyang butihing asawa ang nagmanipula sa min kundi si G. Ferrer (daw). Siya ay hindi naman namin masyadong kilala (ewan ko na lang sa iba) kaya hindi na siya nagpatumpiktumpik pa at agad na ibinigay ang nais ipagawa ng aming guro na ipinahabilin sa kanya na ilalagay sa makulay na papel. Medyo nahihirapan ako sa paggawa nito dahil kailangan daw ay may sukat at tugma (kasi eh, may basihan pa). Nakakainis nga lang kasi nasobrahan ako sa oras ng paggawa dahil naisulat ko kasi ito sa malukot na papel kaya agad agad ko ito inilipat sa makulay na papel at maging ang pagsulat at pagpasa nito.

Thursday 16 January 2014

Eto na Naman ? :'(

                Ngayong araw na ito ay aming ipinagpatuloy ang talakayan tungkol sa tulang Ang Pamana. Amin ding tinalakay kung anong teoryang nakapaloob dito at iyon ay ang Teoryang Humanismo. Bago pa diyan ay nagkaroon kami ng isang gawain sa kwaderno. Ayon sa aming guro ay may kaugnay ito sa tula. Pagkatapos ay ay mayroong binasa ang aming guro na isang liham na may koneksyon sa tula. Ang liham na iyon ay kaparehas lamang sa kantang noong huling sandali namin ng kami ay nagrecollection (eto na naman, naalala ko na naman ang mga araw na ako ay nalulumbay noong araw na iyon). Sa liham na binasa ng aming guro ay namayani sa akin ang kalungkutan dahil ayaw ko sa pagdating ng katandaan ng aking magulang sila ay inaalipusa na lamang. Amin ng ginamit ang makulay na papel na nagsilbing takdang aralin kahapon. Nabigla ako ng sabihing kami ay gagawang muli ng isang liham na naman para sa aming mga magulang. Eto na naman tayo gagawa ng isang nakakakabang liham at baka kasi isama na naman ng aming guro ang liham na iyon (malapit pa naman na ang kuhaan ng kard).

Wednesday 15 January 2014

Awts ! XP

                Ngayong araw na ito ay agad na ipinahalalahanan ng aming guro ang nagsilbing takdang aralin kahapon na patungkol sa awitin para sa nanay. Ang takdang araling iyon isang hamon na dapat ay marami kaming nakalap na kanta. Mayroon kaming nakalap na kanta kaso ay naunahan na kami ng ibang kagrupo sa paglipili sa pagkanta kaya ang agad na natanggal kami sa hamon na iyon (awts) ngunit ay mayroon sana kaming maikakanta pero ay hindi namin alam kung ano ang tono nito. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa aming talakayan at aming kinanta ang kantang Sa Ugoy ng Duyan. Sa kantang iyon ay sobrang nakakaantig talaga ang mensahe nito (napaluha pa tuloy ako ng onti ... awts). Itong kantang pala ay may pagkakahalintulad sa tulang Ang Pamana. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na tungkol sa tula. Nagbigay ulit ng takdang aralin ang aming  guro na dapat ay aming alaming muli ang Humanismo at magdala ng makukulay na papel.

Tuesday 14 January 2014

Namapa (baliktarin) ! :D

               Ngayong araw na ito, amin nang tinalakay ang tulang Ang Pamana na nagsilbing takdang aralin kahapon. Nagkaroon kami ng tunggalian tungkol sa aming tatay at nanay kung sino ba sa kanila ang mas mahalaga. Karamihan sa aming ay saludo sa nanay kaysa sa tatay. Dahil doon ay nagbahagi ang aming guro tungkol sa kanyang karanasan noong siya ay bata pa. Nainganyo akong makinig sa pagbabahagi ng aming guro dahil nakakainganyo talagang makinig doon at bukod ba riyan ay nakakaugnay ako sa kanyang kwento. Nagkaroon kami ng onting talakayan tungkol sa naggawa ng tula at ito ay binasa ng iba kong mga kaklase. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng takdang aralin na magkalap ng mga maaring awitin na may koneksyon sa nanay.

               Pag-uwi ko sa bahay ay balik sa normal na ang lahat, nagkaayos na kami ng aking nanay, tumutulong sa mga gawain, atbp. Naisip-isip ko din minsan na talagang natural na ako ay mahilig kumilos sa gawaing bahay at ito na ata ang tanging maipapamana sa akin ng aking nanay (kahit ganoon lang laking pasalamat ko na lang talaga).

Monday 13 January 2014

Ikaapat na markahan :Ang Simula (Sisihan ang Peg?)

               Ngayong araw na ito ang simula ng talakayan para sa aming ikaapat na markahan. Bago pa dyan ay medyo nahuli ng pagdating ang aming guro dahil mayroon daw itong inaasikasong dyaryo. Buti na lang ay nandyan lagi ang kanyang butihing asawa upang pumalit muna kahit panandalian lang. At ito ay nagpaskil lamang ng isang biswal na tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus na amin ding kokopyahin sa kwaderno at nagtalaga agad ito ng takdang aralin. Sa pagbalik ng aming guro agad na sinabi na mali daw ang inibinigay na panuto at hindi daw takdang aralin iyon kundi gawain at amin agad itong sasagutan (hays ... kala ko pa naman ay malaya na para makapagdaldal ... sayang!). Kaya amin agad na nasisi ang kanyang asawa. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pahapyaw patungkol sa tulang Ang Pamana.

               Pag-uwi ko sa bahay ay okey na kami ng aking nanay pero may onting tampuhan na lang. Ako ay nagmamadaling umalis din sa bahay dahil ngayon ay ang araw ko para magcanteener. Pagdating kong muli sa aming paaralan ay maayos na kaming naipunta sa aming pwesto  sa pagtinda. Pagkatapos magtinda ay nagremita na kami sa guro doon. Sa pagreremita ng aking kaklase doon ay mayroon silang kulang sa pagremita kaya sila ay nagkagulo at nakasisihan dahil daw ang isa ay nananakot sa mga bumili at baka daw doon ay hindi nakakabayad ang ibang bumibili. 

Sunday 12 January 2014

Sa Wakas, Wakas na ! XP

               Ngayong araw na ito ay patuloy parin ang hindi pagpapansinannamin ng aking nanay at sobra akong nalulumbay sa ganoong sitwasyon dahil akalain mo siya pa ang nagmamatigas (hahaha, biro lang). Pagdating ng hapon ay laking gulat ko na lang sa akin sarili ng bigla akong pinansin na ng aking nanay at nasabi ko na lang sa aking sarili na hindi talaga ako matiis ng aking nanay dahil mahal ako noon (ayiie ... ang landi). Buti na lang sa wakas, wakas na ang giyerang namamagitan sa amin ng aking nanay

               Sa pagsapit ng gabi ay inaasahan ko na sobrang lamig naman ng klima ngayon ngunit nanghinayang ako ng maramdaman ko na ang sobrang lamig kahapon ay biglang naglaho at bumalik na ito sa dating temperatura. Mas maiigi na nawakasan na ang ganoong klima dahil hindi ko talaga kinaya ang lamig (para kasi akong nilagay sa ref).

Saturday 11 January 2014

Totoo Ba'To ? :O

               Ngayong araw na ito ay sobrang inis ko talaga ng sobra dahil sa onting pagtatalo namin kahapon ng aking nanay ay lumalala ngayon ng dahil lang sa gawain (ayos ah, di ko akalain ... totoo ba'to?). Dahil doon ay nagkaroon kami ng isang malamig na pagkokomunikasyon sa pagitan ko at ng aking nanay. Hindi ko talaga kinaya ang ganoong pangyayari ako ay sumuko na lang ngunit sadyang matigas ang ulo ng aking nanay kaya ito'y umabot pa ng gabi.

               Sa pagsapit ng gabi ay sobrang giniginaw ako dahil sobra talaga ang lamig ngayon na umaabot sa temperaturang syamnapung grado sentigrado (daw?). Totoo ba'to? Dapat noong nakaraang disyembre ito nagparamdam (sayang!). Ngayon ay patuloy pa rin ang pagkakaroon namin ng amin nanay na malamig na komunikasyon sa isa't isa at sa hanggang ako ay makatulog na.

Friday 10 January 2014

Na-na-na, Na-na-na-na ! XD

               Ngayong araw na ito ay ang ikalawang araw namin sa pagkuha ng pagsusulit sa ikatlong markahan. Tulad kahapon ako ay muntikan na  namang mahuli sa klase. Ngayon din ang araw ng pagpasa namin paraa sa ipinagawa sa amin ng aming guro na amin dapat ibuod na nagsilbing sa aming takdang aralin na pagkahaba-haba ng panahaon para ito'y aming gugulin. Sa aking pagsasagot ako ay medyo nahihirapan na amin dapat pag-isipan ng maayos na walang ano ang pag-aalinlangan na seryoso dapat sa pagsagot ng saganoon ay masagutan ng maayos ng hindi magkamali.

               Pag-uwi ko sa bahay agad akong pinagbantay sa aking kapatid dahil ngayon ay maglalaba ang aking nanay. Nagalit onti ang aking nanay na ako dapat ay katuwang niya sa bahay na para ay may mautusan siya pagkinakailangan na para ay matapos siya ng maaga (ayos ah ... gahol? may bukas pa). Dahil doon ay nagkaroon kami ng onting talunan.

Thursday 9 January 2014

Pasaway Din Onti ! :)

               Ngayong araw na ito ang aming unang pagkuha para sa ikatlong markahang pagsusulit. Sa pagpasok sa umaga ay medyo muntik na akong mahuli sa klase dahil nasarapan ako sa tulog (siguro sa pagod din). Ang malala pa diyan ay hindi ako nagkapagsuri man lang sa aking kwaderno sa kadahilanang mas inuna ko pa kasi ang pagbantay sa aking kapatid. Nagtalo muna kami ng aking nanay dahil sa ayaw kong bantayan ang aking kapatid pero sa bandang huli ako ang talo (pasaway onti). Maglalaba kasi ang aking nanay kaya ako ang naatasan. Susubukan ko sanang magsuri man lang sa aking kwaderno kahit konti pero inabot na ng gabi ang aking nanay sa paglalaba kaya ni isang buklat man lang ay hindi ko nagawa. Dahil doon ay pagod ako kakabantay sa aking kapatid dahil sobrang pasaway din ito (mana ata sakin) :). Syempre para malibang-libang ng konti ay naglaro muna sa rentahan ng kompyuter, tutal tulog na rin ang aking bantay. (ano ba ito, wala naman ito sa usapan ngayon? ano bang koneksyon nito eh ... kahapon pa ito?) Syempre nagpapaliwanag lang naman kung bakit ako nahuli sa kalase! (pasaway onti?)

               (eto na, eto na ! ang tunay na nangyari) Pagdating ko sa aming klase ay malapit ng mag-umpisa ang aming pagsusulit kaya dali-dali akong nagbuklat ng aking kwaderno para sa aking kukuning markahang pagsusulit ngayon. Medyo naiilang ako sa mga reaksyon ng iba kong mga kakalase ngayon dahil ang iba ay halatang kinakabahan at ang iba ay patago lang at ang iba masaya, naiinis at pasaway (isa ako doon). Maayos ang nangyari sa pagkuha namin ng pagsusulit. Pero ng pagdating sa pagkuha namin ng eksamen sa filipino ay nainis ng konti dahil medyo pasaway din sila. Kasi sa may hulihan ng pagsusulit ay naisulat ko na kung ano ang dapat gawin doon kaso ng mabalitaan ko mula sa aking kaklase na sinabi daw ng aming guro na iba daw ang gagawing pagbubuod hindi ang Kalupi kundi ang Mabangis na Lungsod. Buti na lamang ay naisulat ko ito sa isang nilukot na papel bago pa man din isulat sa king tunay na papel (hays ... buti ligtas).

Wednesday 8 January 2014

Kabanata II: Di ko Inaasahan ! XD

               Ngayong araw na ito, bago daw muna magpatuloy ang hindi natapos na talakayan kahapon tungkol sa Ironiya ay magkakaroon daw muna isang mahabang pagsusulit (na hindi matatapos ... sabi ng aming guro). Sa aking pagsasagot sa pagsusulit ako ay kampanteng-kampante dahil ang pagkaka-alam ko ay siguro ako sa aking mga sagot. Sa pagsagot ko sa numerong 26 ay medyo nahirapan ako dahil  ito ay patungkol sa aming dapat tatalakaying ironiya ngayon. At wala kasi akong sapat na kaalam tungkol dito kaya medyo nahihirapan ako. Malakas ang kutob ko sa letrang c ngunit hindi ito sinagod dahil iba ang napili ko. Amin ng iniwasto ang nagsilbing mahabang pagsusulit at hindi ko inaasahan na halos lahat ng aking mga sagot ay puro mali at maging kutob ko sa numerong 26 na letrang c ang tama. 

Tuesday 7 January 2014

Hala, Nalimutan ! :O

               Ngayong araw na ito ay aming pinasa, sinulat at tinalakay ang nagsilbing takdang aralin kahapon. Aming binalik-aralan ang tungkol sa nobelang Noli Me Tangere na may kaugnayan saming tatalakayin ngayon, ang uri ng tunggalian, simbolismo at ironiya. Dati kasi ng aming talakayin ang buod ng Noli Me Tangere ay pahapyaw lamang ito. Sa pagtalakay namin sa uri ng tunggalian ay marami sa amin ay nakakasagot at gustong sumagot. Pero ng pagdating naman sa pagtalakay namin sa simbolismo halos lahat ay nabkangko ang apag-iisip dahil hindi medyo kami makasabay. Siguro ay nalimutan lang namin o kaya talagang nablangko lang kami. Pagkatapos ay ipinagpabukas na lang ng aming guro ang pagtalakay sa ironiya dahil na rin ay kinulang  na kami sa oras.

               Pag-uwi ko sa bahay ay nakaramdam ako ng pagkapagod sa katawan kaya minabuti kong magpahinga muna. Pagkagising ko ay laking gulat ko na lamang  ay gabi na. Dahil doon ay sising-sisi man talaga ako dahil nalimutan kung gawin ang iba ng kong mga takdang aralin sa ibang asignatura. Kaya minabuti kong tapusin agad ito.

Monday 6 January 2014

Ewan ko kung Bakit ! XD

               Ngayong araw na ito, bago magsimula ang talakayan ay pinaalalahanan kami ng aming guro na magsuri sa aming mga kwaderno dahil nalalapit na naman daw ang aming pagsusulit para naman sa ikatlong markahan. Laking pagtataka ng aming guro dahil sa haba-haba daw ng aming bakasyon ay kakaonti lang ang nagtugon sa kanyang ipinagawang takdang aralin. Pinagbigyan ng aming guro ang ganoong pangyayari dahil ang iba daw ay mali-mali pa ang ibinigay na gmail. At siya na rin ang nagsabi na onti lang ang kanyang nabigyan ng mensahe sa gmail. Kaya napagpasyahan ng aming guro na ipagawa na lamang ito sa isang buong papel para daw siguradong lahat ay makakagawa. At para na rin daw sa mga nahihirapang gumamit o gumawa ng blog. Ewan ko ba kung bakit ganoon ang iba kong kaklase ... tinamad. Kung tutuusin kung pipilitin lang nila ang kanilang sariling gumawa ay kakayanin nila. Kasi sa totoo lang dati tinatamad din akong gumawa o gumamit ng blog dahil nakakatamad nga pero ng sinubukan kung mag-update ay masaya pala. Kaya ayon, hanggang ngayon ay updated pa rin ako. Pero bakit sila kinakatamaran? (hays ... hayaan mo na nga sila ... ginusto nila iyan eh !)

Sunday 5 January 2014

Away, Bati ! XD

               Ngayong araw na ito ay ang pinaka ayaw kong araw dahil nag-away kami ng aking nanay ngayon sa kadahilanang ayaw ko daw kasing kumilos sa gawaing bahay (ako, hindi kimikilos? ano ito lokohan?). Sa pangyayaring iyon ay hindi kami nagpapansinan ng aking nanay (bata lang ang peg?). Kapag kikilos ako ayaw niya kasi daw huli na para gawin iyon (ang drama ni mama). Kaya ang mabuting ginawa ko na lang para gumaan-gaan man lang ang pakiramdam ko ay nagpakahayahay lang ako (parang ayon ang gusto niya eh). Pero panandalian lang  naman dahil pagdating ng mga hapon ay nagbati na rin kami nga aking nanay. Syempre napatad ko siya kasi mahal ko ang aking nanay at dahil hindi ko rin siya matiis. Pagkatapos ay nag-awy tapos mamaya magbabati (kami pero biruan na lamang). Siguro natural na talaga iyon sa aming mag-ina dahil kami lang naman kasi ang nagtutulungan eh.

Saturday 4 January 2014

Kabanata I: Di ko Inaasahan ! XD

               Ngayon araw na ito ay ganoon pa rin ako ang kumikilos sa mga gawaing bahay. Naalala ko bigla na ngayon ko kukunin ang pinahiram kong kwaderno na sa aking kaklase. Hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari kasi bago daw ako payagan na umalis para kunin ang kwadernong aking pinahiram ay kailangan ko daw muna tapusin ang aking ginagawa (ang akala ko ay makakalusot na ako). Kaya akin agad na tinapos ang aking gawain para na rin makaalis na ako. Natapos ko na ang akin gawain, dumiretso sa aking kaklase at kinuha. Nakuha ko na sa aking kaklase ang aking kwaderno na kanilang hiniram. Hindi ko inaasahan ang pangyayari ng bigla akong harangin ng tatlong ko pang mga kaklaseng lalaki upang manghiram din ng kwaderno. Tulad ng dati wala rin akong nagawa dahil inunahan na ako ng salita kaya ain ding ipinahiram. Pag-uwi ko sa bahay ay nagtanong sa akin ang aking nanay kung saan na daw ang kinuha kong kwaderno at ang sagot ko ay hiniram ulit ng iba ko pang kaklase. Hindi naniniwala ang aking nanay at ang kanyangg nasa isip ay baka daw ay naggala lang ako. Wala parin akong nagawa kundi magparaya.

Friday 3 January 2014

Nakagawian nga Naman ! XD

               Ngayong araw na ito ay balik sa dati ang sitwasyon, ako ang na naman natatanging katuwang ng aking nanay sa gawaing bahay. Tutal wala naman akong magawa sa bahay ay wala akong reklamo sa mga paratang na ipinapagawa sa akin (okey na iyon para na rin ay makapaglibang-libang naman ako ng konti). Maghapon akong katuwang ng aking nanay. Pero may pagkakataon na tinatamaan ako ng katamarang gumalaw sa gawain ngunit panandalian lamang. Siguro kaya hindi malaalis sa akin ang pagiging masipag (masipag?) sa gawaing bahay ay sadyang likas na talaga at nakagawian ko na rin talaga ito.

Thursday 2 January 2014

Ka Gulat Naman, Biglaan? :O

               Ngayong araw na ito ay laking ko man talaga sa aking nanay ginising ba naman ako ng maaga para magbatay sa aking kapatid dahil daw ay may kukunin lang siyang pera sa aking tita. Wala naman akong nagawa nagmamadali itong umalis na para bang hinahabol kaya akin na lamang inalagaan ang aking kapatid (wala eh ... biglaan?). Mga bandang hapon naman ay nagulat na lang ako na balita na may naghahanap daw sa akin na dalawang babae (ayos ah ... biglaan din?). Iyon ay akin palang mga kaklase at ang pinunta daw nila sa amin ay para daw manghiram ng kwaderno dahil mayroon daw silang kokopyahin aralin doon. Halata sa mga mukha nito na parang nagmamadali silang hiramin ito at ng kina-usap nila ako ay halos hindi na ako nagkapagsalita dahil tinadtad na nila sa panghihiram. Wala rin akong nagawa kaya ibinigay ko na lamang ang kwaderno para na rin ay matigil na sila sa kakadakdak. Sabi pa nila ay sa Sabado ko na lang daw kinin. Nakakabigla naman ang kanilang pagkasabi papaano naman kasi ako na nga ang nagpahiram ay ako pa ang kukuha bandang huli ... ayos. Walang parin akong nagawa dahil tuluyan na silang umalis.

Wednesday 1 January 2014

Hay ... Buhay ! :)

               Ngayong araw na ito ay ang simula ng bagong taon (kahit alam kung simula pa kagabi ng alas-dose pa iyon, maaga kasi akong natulog ... nakakatamad kasi eh!). At sa wakas nakaramdam din ako ng kaginhawaan ng sa pagkirot ng aking ngipin dahil nga ay napabunot ko na ito (grabi kasi ang dinanas ko talaga dito, halos isang linggo). Hay, buhay ... ang gaan sa pakiramdam ng makaramdam ng kaginhawaan sa mga problemang nagdaan.