Pages

Wednesday, 12 March 2014

Pagususring Pampelikula : The Ring

                "You will die in seven days" Isang nakakakilabot na linya kung magmumula sa atin na kung tutuusin ay nakakatakot talaga mula sa pelikulang "The Ring" sa panulat ni Gore Verbinski.

               Nakakatakot at nakakagalak na panoorin ang pelikulang ito sapagkat nakakapukaw ito ng damdamin na maglutas ng mga problema. Ang istorya nito ay nakatuon lamang sa isinumpang videotape na naglalaman na tila baga walang tiyak na serye ng mga nakakagambalang mga imahe. At doon ay isa si Naomi Watts na bilang Rachel Keller na nagbalak na panoorin ang videotape na iyon at doon ay may narinig siyang boses ng isang babae na nagsambit na "you will die in seven days". Sa pangayayring iyon ay nabagabang ang buhay ni Rachel at doon ay napagpasiyahan niyang lutasin ang problema na iyon sa loob ng pitong araw. Sa kanyang paglalakbay ay nakasama niya ang kanyang asawa sa paglutas nito dahil nakapanood na rin kasi ito. At doon ay nakaranas sila ng pagsasakripisyo ng isa at iyon ay ang asawa ni rachel. Dahil doon ay nalutas at napagtagumpayan na ni Rachel ang nais ipahiwatig ng videotape na iyon at iyon pala ay isang batang multo na nagnanais ng hustiya mula sa kanyang pagkamatay na si Samara Morga (Daveigh Chase) dahil sa pagmamalupit ng tiyahin nito sa kanya. Subalit akala ni Rachel ay tapos na ang lahat at napigilan na niya ang sumpa ngunit ang hindi niya alam na ang nag-iisa niyang anak na si Aidan Keller (David Dorfman) ay nakapanood na din ng videotape na iyon at ang masaklap pa dyan ay naging kaibigan pa ito ng kanyang anak. 

               Ang pelikulang ito ay para sa lahat, sa mga malalakas ang loob at sa mga mahihilig maglutas ng mga problema (tulad ko:D). Talagang hindi matatawaran sa akin ang pelikulang ito dahil ang paborito ko sa lahat eh ang paglutas lamang ng problema (ewan ko lang sa inyo? :P). Angkop din naman ang mga tauhang nagsipag-ganap at maging ang istorya nito.

No comments:

Post a Comment