Sa Totoo Lang ! -_-
Ngayong araw na ito ay tanghali naman na ako nakagising (ok na din yun di tulad kahapon eh hapon na? grabe buti na buhay pa! biro lang xD). Kami ay abala na para sa taong pinaka-espesyal sa akin, ang aking tiyahin dahil sa totoo lang ay ngayon ang kanyang huling araw na kami ay magkikita dahil ngayon ay ang araw ng kanyang libing (ano daw? xD). Nakakalungkot mang isipin dahil para sa aking ay mahalaga siya dahil sa totoo lang ay siya lang ang tanging nag-iisa kong takbuhan ng aking mga problema kapag nag-aaway kami ng aking nanay kaya para sa akin siya ay espesyal. Marami naman kahit paano ang mga taong nakilamay sa kanya (syempre tulad ko mahal namin siya :D). Bago pa man siya ilagay sa kanyang magiging bagong tirahan ay nandyan ang si-iyak dito, si-iyak doon at meron pa nga dyan ay sobra ang reak sa aming kamag-anak :D pero ako ay hindi man lang napapaluha at ewan ko kung bakit siguro maharil ay matigas pa tagala ang aking puso kasi kahit na anong pilit kong iyak eh ayaw umiyak ng mata ko -_- ang hirap grabe kaya tinigil ko na lang baka kasi dumugo xD kasi sa totoo lang di ako marunong umiyak :D. Pagkatapos ay aming nang ipinamigay ang aming naihandang pagkain para sa mga nakilamay (kasi bawal mag-uwi kaya pinamigay namin :D) at doon ay kinulang ang aming dalang pagkain at maging kaming mga kamag-anak pa nga eh di pa nakakain -_- paano sa totoo lang ay onti lang talaga ang inihanda ng aming lola kaya ayun kulang ewan ko ba dun sa lola ko ang damot -_-.
No comments:
Post a Comment