Pages

Wednesday, 12 March 2014

Pagsusuring Pampilikula : Drag Me To Hell

               "Here Kitty, Kitty ..." Isa sa mga linya na tumatak sa aking isipan sa pelikulang "Drag Me To Hell" mula sa direksiyon ni Sam Raimi.

               Ipinapakita nito ang natatanging kaugalian ng isang babaeng gusto magpakitang gilas sa kanyang amo. Ang buong istorya ay humiikot sa tauhang sina Christine Brown (Alison Lohman) isang babaeng "loan officer" na kahit na misan ay di makita ang kagalingan nito sa trabaho at si Gng. Ganush (Lorna Raver) naman ay isang matandang babaeng nagnais na mangutang kay Christine ngunit ito ay tinanggihan at kanya pang nasaktan. Biglang ganti ay isinumpa ni Gng. Ganush ang botones ni Christine na bilang tanda na siya ay kukunin na ng impyerno makalipas ang tatlong araw. Pagdating ng kinabukasan ay nabalitaan ni Christine na si Gng. Ganush ay patay na. At doon ay sinubukan pa muna ni Christine na baguhin ang nakatakada kaya nagpatulong ito sa isang saykayatris. Sinunod naman ni Christine ang lahat ng nirekomenda ng saykayatris sa kanya at maayos naman niyang nagawa iyon kahit na ang multo ni Gng. Ganush ay nagnanais pa na pigilan ang nais ni Christine na baguhin ang sumpa. Laking tuwa na lamang ni Christine nang magawa niyang baguhin ang sumpa at iyon kanyang akala lamang, ang hindi niya alam ay nasa kanya pa rin ang botones na palatandaan na siya ay kukunin makalipas ng tatlong araw. At laking kaba na lamang ni Christine nang makita niya iyon dahil ngayon na ang araw ng kanyang sumpa at doon ay bigla-bigla na siyang kinain at kinuha ng lupa ng walang alinlangan.

               Ang pelikulang ito ay papatok sa mga kabataan ngayon at maging sa mga katandaan dahil sa mga nakakatakot at nakakagulat na eksena at maging sa mga artistang nagsipag-ganap.

               Mayroon ka rin naman mapupulot na aral dito. Tulad na lamang ng pagiging mabait sa mga nakakatanda, pagiging huwaran din sa trabaho na sana lugar, at iba pa.

No comments:

Post a Comment