Pages

Friday 14 March 2014

Puros ! =_=

               Ngayong araw na ito ay ang kahuli-hulihang pagkuha namin ng amin pagsusulit sa markahan, ang ikaapat na pagsusulit. Sa aming unang pagsusulit ang bumungad agad sa aking harapan ay ang asignaturang filipino at doon ay medyo kinakadahan ako dahil wala at hindi naman talaga akong nag-review-review man lang para sa aming pagsusulit (ganun kasi ako eh ang paboritong moto eh bala na si batman xD). At sa aking pagkuha noon ay maaga akong natapos dahil parang ang dali lang kasi lahat (parang lang ha? :P). Pagkatapos ay nagpahinga at natulog muna ako saglit para sa susunod na pang pagsusulit at maging sa iba pang mga asignatura ganun na lamang ang aking ginawa :D. At doon ay amin din namang iniwasto ang aming pagsusulilt pagtapos din naman ng pagkuha namin ng pagsusulit at pansin ko lang sa aking mga naging grado sa pagsusulit na iyon ay puros trenta mahigit ulit ang aking nakukuha (kaarawan ata ng numero tatlo ha? ano kaya ibig sabihin?). At doon din ay maaga kaming pinauwi ng aming guro.

               Pag-uwi ko sa bahay ay nagtaka ang aking nanay dahil ang aga-aga ko daw umuwi (ang di niya lang alam eh di lang kasi ako tumambay sa aming paaralan -_-). At doon ay di pa tapos magluto ang aking nanay kaya naglibang-libang na muna ako saglit dahil puros usok na lang ang nakikita ko sa aming bahay. Pagkatapos ko maglibang ay umuwi na ako para kumain at ang ulam na nakahanda doon ay gulay, gulay na pagkatamis-tamis na puros asukal na ata ang nilagay dito -_-.

Thursday 13 March 2014

May BS ! xD

               Ngayong araw na ito ang ay ang unang araw ng aming pagkuha ng aming pagsusulit para sa ikaapat na markahan (ano daw?). At doon ay medyo kinakabahan ako sa mga maari naming kuning pagsusulit dahil hindi pa man din ako nakapag-review kahit papaano kaya bago pa man mag-umpisa ang aming pagsusulit ay sisilip muna akong saglit sa aking kwaderno dipende sa asignaturang aming kukunin para kahit papaano ay nakapag-review man lang kahit konti. At iyon ay nagpatuloy ito hanggang sa matapos ang aming pang-apat na pagkuha sa ikaapat na pagsusulit ngunit laking taka kong nang matanto ko na parang halos lahat ng resulta ng aking pagsusulit ay umiikot lang sa numero trenta mahigit (ano to, himala?). At doon ay maaga kaming pinalabas ng aming guro dahil kami lamang mga pangkat isa ang nagkukuha ng pagsusulit dahil pina-advance nila ito para daw sa maagang recognition (ata? :D).

               Hindi muna ako umuwi ng bahay bagkos ay naglibang-libang muna saglit dahil ang aga pa nga kasi diba? at doon ay pumunta ako muna sa aking kamag-aral upang makinood at magpalipas ng oras. Kami ay nanood ng pelikulang tungkol sa bag-ibig (adik kasi sila doon eh :D) at ako naman ay nakikinood dahil wala pa akong gawang rebyu para sa filipino at para na din ay makagawa na ako :D.

               Pag-uwi ko sa bahay ay agad-agad akong pumunta sa rentahan upang mag-update ng aking rebyu (syempre kumain na nun ako at nagbihis na :D). Sa aking paggawa ay natagalan ako dahil yung pinanood kong palabas sa aking kamag-aral ay hindi ko inilagay dahil ang aking ginawang rebyu na aking napag-isipan ay mga nakakatakot na pelikula, "Drag Me To Hell" at "The Ring" ang aking huling pasya. At kung mapapasin mo ay kasalungat ito sa aking napanood na palabas sa aking kamag-aral (wala eh, ang napangitan ako sa love na pinanood nila :D boring kasi puro may halo, BS baga xD). Pagkatapos ay nagawa ko din naman ng maayos ang aking rebyu sa tamang oras (sana mabasa ng aking guro iyon :D). Hapon na akong muling nakabalik sa bahay at doon ay kumain na din muna ako kaso ang malas ko ngayon dahil ang pagkain na aking nakain ay may halong sabon, BS baga (Bar Soap xD).

Wednesday 12 March 2014

Pagsusuring Pampilikula : Drag Me To Hell

               "Here Kitty, Kitty ..." Isa sa mga linya na tumatak sa aking isipan sa pelikulang "Drag Me To Hell" mula sa direksiyon ni Sam Raimi.

               Ipinapakita nito ang natatanging kaugalian ng isang babaeng gusto magpakitang gilas sa kanyang amo. Ang buong istorya ay humiikot sa tauhang sina Christine Brown (Alison Lohman) isang babaeng "loan officer" na kahit na misan ay di makita ang kagalingan nito sa trabaho at si Gng. Ganush (Lorna Raver) naman ay isang matandang babaeng nagnais na mangutang kay Christine ngunit ito ay tinanggihan at kanya pang nasaktan. Biglang ganti ay isinumpa ni Gng. Ganush ang botones ni Christine na bilang tanda na siya ay kukunin na ng impyerno makalipas ang tatlong araw. Pagdating ng kinabukasan ay nabalitaan ni Christine na si Gng. Ganush ay patay na. At doon ay sinubukan pa muna ni Christine na baguhin ang nakatakada kaya nagpatulong ito sa isang saykayatris. Sinunod naman ni Christine ang lahat ng nirekomenda ng saykayatris sa kanya at maayos naman niyang nagawa iyon kahit na ang multo ni Gng. Ganush ay nagnanais pa na pigilan ang nais ni Christine na baguhin ang sumpa. Laking tuwa na lamang ni Christine nang magawa niyang baguhin ang sumpa at iyon kanyang akala lamang, ang hindi niya alam ay nasa kanya pa rin ang botones na palatandaan na siya ay kukunin makalipas ng tatlong araw. At laking kaba na lamang ni Christine nang makita niya iyon dahil ngayon na ang araw ng kanyang sumpa at doon ay bigla-bigla na siyang kinain at kinuha ng lupa ng walang alinlangan.

               Ang pelikulang ito ay papatok sa mga kabataan ngayon at maging sa mga katandaan dahil sa mga nakakatakot at nakakagulat na eksena at maging sa mga artistang nagsipag-ganap.

               Mayroon ka rin naman mapupulot na aral dito. Tulad na lamang ng pagiging mabait sa mga nakakatanda, pagiging huwaran din sa trabaho na sana lugar, at iba pa.

Pagususring Pampelikula : The Ring

                "You will die in seven days" Isang nakakakilabot na linya kung magmumula sa atin na kung tutuusin ay nakakatakot talaga mula sa pelikulang "The Ring" sa panulat ni Gore Verbinski.

               Nakakatakot at nakakagalak na panoorin ang pelikulang ito sapagkat nakakapukaw ito ng damdamin na maglutas ng mga problema. Ang istorya nito ay nakatuon lamang sa isinumpang videotape na naglalaman na tila baga walang tiyak na serye ng mga nakakagambalang mga imahe. At doon ay isa si Naomi Watts na bilang Rachel Keller na nagbalak na panoorin ang videotape na iyon at doon ay may narinig siyang boses ng isang babae na nagsambit na "you will die in seven days". Sa pangayayring iyon ay nabagabang ang buhay ni Rachel at doon ay napagpasiyahan niyang lutasin ang problema na iyon sa loob ng pitong araw. Sa kanyang paglalakbay ay nakasama niya ang kanyang asawa sa paglutas nito dahil nakapanood na rin kasi ito. At doon ay nakaranas sila ng pagsasakripisyo ng isa at iyon ay ang asawa ni rachel. Dahil doon ay nalutas at napagtagumpayan na ni Rachel ang nais ipahiwatig ng videotape na iyon at iyon pala ay isang batang multo na nagnanais ng hustiya mula sa kanyang pagkamatay na si Samara Morga (Daveigh Chase) dahil sa pagmamalupit ng tiyahin nito sa kanya. Subalit akala ni Rachel ay tapos na ang lahat at napigilan na niya ang sumpa ngunit ang hindi niya alam na ang nag-iisa niyang anak na si Aidan Keller (David Dorfman) ay nakapanood na din ng videotape na iyon at ang masaklap pa dyan ay naging kaibigan pa ito ng kanyang anak. 

               Ang pelikulang ito ay para sa lahat, sa mga malalakas ang loob at sa mga mahihilig maglutas ng mga problema (tulad ko:D). Talagang hindi matatawaran sa akin ang pelikulang ito dahil ang paborito ko sa lahat eh ang paglutas lamang ng problema (ewan ko lang sa inyo? :P). Angkop din naman ang mga tauhang nagsipag-ganap at maging ang istorya nito.

Parbor Na Yan ! :D

               Ngayong araw na ito ay nahuli na naman ng halos dalawangpung minuto ang aming guro at doon ay nanaig nanaman ang ingay ng dyamante. Pagdating ng aming guro ay na sinabi agad-agad na wala kaming talakayan ngayon dahil may iba pa daw siyang inaasikaso (parbor naman iyon sa amin sapagkat ito ang aming pagkakataon para mapaglibang :D ewan ko lang sa iba kung mag-iingay sila xD). Ngunit ito ay nagbigay ng isang gawain na may koneksyon pa rin naman sa aming talakayan at doon ay himihirit kami na magkaroon ng pagbubunot na kung sino ang magbabasa nang nagawang tula o sanaysay ngunit hindi natuloy dahil parang nagmamadali sa pagbigay ng gawain at sa pagtuturo ang aming guro (ano kaya yung minamadali niya? wala akong ideya -_-). Ito ay mas naging pabor sa amin sapagakat ang gawain na kanyang ibibigay ay madali lang naman, ang paggawa ng isang liham pangkaibigan (syempre mamadaliin namin iyon para makalibang at makapag-ingay kami xD pero ako aayusin ko :D). Sa aking nagawang liham na pangkaibigan ay hindi ko nabanggit kung sino ang aking padadaanan ng aking liham dahil nahihiya ako sa mga ipinagsusulat ko doon, mga kabaliwan lang ... basta kung ano kasi ang lumabas sa isip ko eh yun na lang ang aking isusulat :D. Kinausap ko ang aking pagbibigyan ng liham at doon ay pabor naman siya dahil buti na lang daw eh di ko nilagay ang kanyang pangalan (bawal sabihin eh :P nanay ko na kasi siya xD biro lang :D).

Tuesday 11 March 2014

Taga-observed Lang Ang PEG? :D

               Ngayong araw na ito ay wala ang aming guro at buti na lamang ay nandyan ang kanyang butihing asawa upang magmanipula lang sa amin (lagi naman eh -_-) at kanya lang naman gagawin kung ano ang inuutos ng kanyang asawa, ang pagawain ng gawain at pakopyahin ng aming talakayan at doon ay mag-isa na lang siyang tahimik sa likod (ewan ko na lang kung makikipagdaldalan din siya sa amin). Amin namang sinunod ag nais na pagawain ng aming guro subalit talagang hindi maiwasan ng dyamante ang mag-ingay (likas na kasi, nasobrahan na baga :D) ngunit masasabi ko rin na ang iba ay gumagawa ng gawain (tulad ko xD pero ako kinopya ko lang pero kahit papaano ay gumawa ako :D eh kasi halos ang naman kasi eh kinopya lang din xD ewan ko lang sa iba). Sa oras na iyon ay lubusan na talagang nanaig ang ingay ng dyamante subalit ang iba ay pag-easy-easy na lamang siguro marahil ay tinatamad na sila o di kaya ay tapos na sila (di rin natin masasabi -_-). Teka lang? parang naging taga-observed lang ang peg ko ngayon ha?

Monday 10 March 2014

Basta ! :D

               Ngayong araw na ito ay agad-agad na bumunot ang aming guro kung sino ang magbabasa ng kanilang nagawang tula o sanaysay (ano bayan? may lakad ang peg? tugudog-tugudog! bilisan mo ma'am sana ako mabunot mo :D biro lang xD) at doon ay dalawang beses na bumunot ang aming guro (sayang muntik lang! sana ako na sa susunod :D). Sa pagbabasa ng pangalawang may gawa ay nagkaroon ng onting kasiyahan sa gawa nito at doon ay umiral na naman ang pagiging wild ng dyamante (huhu! ang saya grabe :D nagkamenos puntos tuloy sa markahang pagsusulit para sa ikaapat -_- hooh! grabe ang saya, hays mga baliw kasi ang dyamante daig pa ang bata pagdating sa love). At doon ay amin nang pinag-aralan ang tungkol sa aming blog sa paggawa ng rebyu na ilalagay dito at doon ay nagbigay ng isang halimbawa ang aming guro ng isang rebyung pampelikula (sana makagawa na ako -_- kasi di talaga ako mahilig manood o magbasa ng kahit ano eh -_- wawa naman ako :<). Amin nang pinagpatuloy ang talakayan tungkol dito. Pagkatapos ay nagbigay ng gawain ang aming guro. Dito ay sinubukan kong hindi gumawa dahil wala man talaga akong alam (basta di ako maka-relate! hays! basta >.<) ngunit nagbago ang aking isip dahil na rin sa aking konsensya na sayang ang puntos pag di ako gumawa :D ngunit muling nagbago ang aking isip dahil tapos na lamang ang oras na nakapalugit sa amin ay hindi pa ako tapos kaya ayun di na lang tinuloy (ano bayan sayang effort ko -_-) ngunit ng malaman kong pede pang mamaya na magpasa ay aking muling ipinagpatuloy ang aking gawa. Pagkatapos ay nagawa ko naman at napasa ko naman ng maayos ang aking (hooh! grabe na'tong utak ko ngayon pa-iba-iba -_-) ngunit ang parang mali-mali naman ata ang aking gawa eh (basta di ko alam kasi ang aking pinagsusulat doon basta kung ano na lamang ang lumabas sa aking isipan eh iyon na lang ang aking isusulat :D.

Sunday 9 March 2014

Sa Totoo Lang ! -_-

               Ngayong araw na ito ay tanghali naman na ako nakagising (ok na din yun di tulad kahapon eh hapon na? grabe buti na buhay pa! biro lang xD). Kami ay abala na para sa taong pinaka-espesyal sa akin, ang aking tiyahin dahil sa totoo lang ay ngayon ang kanyang huling araw na kami ay magkikita dahil ngayon ay ang araw ng kanyang libing (ano daw? xD). Nakakalungkot mang isipin dahil para sa aking ay mahalaga siya dahil sa totoo lang ay siya lang ang tanging nag-iisa kong takbuhan ng aking mga problema kapag nag-aaway kami ng aking nanay kaya para sa akin siya ay espesyal. Marami naman kahit paano ang mga taong nakilamay sa kanya (syempre tulad ko mahal namin siya :D). Bago pa man siya ilagay sa kanyang magiging bagong tirahan ay nandyan ang si-iyak dito, si-iyak doon at meron pa nga dyan ay sobra ang reak sa aming kamag-anak :D pero ako ay hindi man lang napapaluha at ewan ko kung bakit siguro maharil ay matigas pa tagala ang aking puso kasi kahit na anong pilit kong iyak eh ayaw umiyak ng mata ko -_- ang hirap grabe kaya tinigil ko na lang baka kasi dumugo xD kasi sa totoo lang di ako marunong umiyak :D. Pagkatapos ay aming nang ipinamigay ang aming naihandang pagkain para sa mga nakilamay (kasi bawal mag-uwi kaya pinamigay namin :D) at doon ay kinulang ang aming dalang pagkain at maging kaming mga kamag-anak pa nga eh di pa nakakain -_- paano sa totoo lang ay onti lang talaga ang inihanda ng aming lola kaya ayun kulang ewan ko ba dun sa lola ko ang damot -_-.

Saturday 8 March 2014

Bakit? Paano? :D

              Ngayong araw na ito ay alas kwatro na ako ng hapon nakagising at hindi ko alam kung paano at bakit hanggang ganoong oras na lamang ako nakagising (pero pwede na din buti nga nakagising pa ako :D kesa hindi diba? xD) at bukod pa dyan ay lubos na nakakapagtaka ng magising ako ng wala ako sa lugar na aking pinaghigaan (sa aking higaan) at paggising ko ay nasa kwarto na ako ng aking nanay. Kaya minabuti ko na itanong-tanong ito kung paano at bakit nga ba ako nakapunta doon dahil maski ako ay hindi ko talaga alam ang katotohanan. Laking gulat ko pa ng sabihin nilang hindi din daw nila alam  at doon ay naiwan sa akin ang tanong na iyon (ano bayan sila ang gising di pa nila alam -_- baka naman lumipad na lang ako mag-isa ng hindi ko alam :D). At doon ay minabuti ko na lang na maglibang-libang muna saglit para maka-move-on sa nangyari sa akin kasi sobrang weird kung tutuusin eh -_- (grrr ... baka minumulto na ako! wag naman -_- bata pa ako marami pa akong pangarap xD). Pagdating ko sa bahay ay kumain na lamang ako at nagpahinga at pangkatapos ay muling natulong na lang ako ulit (try ko lang ulit baka maulit pa eh). Pero naiwan pa rin talaga sa akin ang tanong iyon kasi sobrang confusing? paano nga ba at bakit ako napunta doon? (pakisagot nga :D naka may alam kayu :D).

Friday 7 March 2014

Sana ! :O

               Ngayong araw na ito ay napansin ng aming guro na parang naulit lang ang araw ng kanyang pagpasok kahapon (paano nakasulat pa rin ang nakasulat kahapon :">) syempre hindi mawawala ang araw nang pagbunot ng aming guro upang magbasa ng kanilang nagawang tula o sanaysay (tugudog-tugudog! sana ako na, guto ko ako na ang mabunot xD). Amin nang tinalakay ang nagsilbing takdang aralin kahapon na tungkol sa halimbawa ng rebyu na pampelikula, pangmusika, at pambabasahin at doon ay nagbasa ang ilan kung mga kaklase tungkol sa kanilang nakalap na rebyu (mustah naman sakin? ayun walang gawa xD eh kasi nakatulugan ko ... kulang kasi sa tulog -_- sana pala di na lang ako gumawa para di ako makatuog -_-). Sa talakayan na iyon ay magkakaron ulit sana kami demo ngunit ito ay ipinaglaban ng aming guro na kesyo ayaw daw niya ... wag na daw sa oras niya xD  (go, ma'am! push mo yan xD pero sayang, di pumayag ang aming guro eh ... edi sana may chocolate na naman kami :D sayang talaga >.<). At doon ay may binasa ang aming guro ng isang suckseed (daw?) o pelikula na halimbawa ng aming tinatalakay at pagkatapos ay nagbigay ang aming guro ng isa pang gawain na gumawa ng isang rebyu ayon sa napanood/nabasa na pelikula/babasahin. At doon ang napili ko ay ang pelikulang Bride For Rent (wala eh, napilitan lang ako dito kasi di naman ako totally mahilig manood at magbasa eh kaya ayun >.<). Sa gawaing iyon ay susubukan ko sanang wag nang magpasa subalit nang matanto na hanggang mamaya pa ay pwede sinikap ko na tapusin na lamang at doon ay nakapasa pa ako kahit paano (kung di ko iyon ginawa edi sana wala akong gawa xD wala eh napilitan ulit :P kinukulit kasi ako ng katabi ko -_-).

Thursday 6 March 2014

Tumbok ! xD (aha! utak berde :D)

               Ngayon araw na ito, bago  magsimula ang talakayan ay muling bumunot ang aming guro kung sino ang magbabasa ng kanyang nagawang tula o sanaysa (tugudog-tugudog! gusto ko ako ang mabunot xD). Aming ding binalik aralin ang aming tinatalakay noong nakaraang martes na tungkol sa Teoryang Feminismo (wala kasing pasok kahapon pero ako meron xD kantinarya kasi ako :P). At kami ay pupunta na sa aming panibagong aralin pero bago doon kami ay binigyan ng gawain para aming matumbokan ang aming bagong tatalakayin. Doon ay nagkaroon nang paninermong muli ang aming guro dahil sa aming ingay (hays -_- dyamante nga talaga ang bunganga na naman di mapigilan xD). Pagkatapos kami ay pinaghanap ng aming guro na magiging kapareho ng sa ganoon ay maayos namin magawa ang aming gawain na interbyuhin at magpainterbyu sa mga palabas na napanood na o di kaya sa mga nabasa na. Sa pangyayaring iyon medyo naguguluhan ako sa mga katanungan at kasagutan ko -_- (grabeh, nabablangko talaga ang utak ko di ko matumbukan ang mga katanungan kahit na ang dali-dali lang xD basta alam ko yung sagot kaso di ko masabi o maisulat man lang xP). At doon ay amin nang natumbukan ang nais ng aming guro talakayin, ang Rebyu. Nagkaroon kami ng ilang pagbabahagi tungkol sa nabanggit. Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro na maghanap ng halimbawa ng rebyung pampelikula, pangmusika, at pambabasahin.

Wednesday 5 March 2014

Sori Na ! :D

               Ngayong araw na ito ay wala kaming pasok sa kadahilanang kuhaan ngayon ng pagsusulit ng ikaapat na taon pero ako ay meron sapagkat ngayon ay ang araw ng aking kantinarya (malas nga eh! nakakainis wrong timing -_-) at doon ay hindi naniniwala ang aking nanay dahil wala ngang pasok kami tapos ako daw meron kaya ayun nagkaroon kami ng onting bangayan dahil sa hindi pagkakaintindihan at nauwi din sa matinding bangayan, nandyan ung nasagot ko siya ng di niya nagustuhan (huhuhu :'( si mama kasi ... napwersa tuloy ako, nabigla bagah! xD ay patay ... baka di ako payagan -_-). "Sori na" ang salitang pinakaiinisan ko ngayon dahil humihingi na nga ako ng tawad eh ayaw pa? (ano toh? pa chicks? xD hihihi biro lang :D) syempre para payagan nandyan ung sunod-sunod din sa mga utos at dapat maging masaya siya sa iyong ginagawa (syempre nauto ko naman si mama kaya ayun gorah na :D yes! pinayagan ako xD).  Sa aking pagpunta sa aking kantinarya ay napagalitan naman ako (ano bayan -_- pati ba naman dito napapagalitan ako? hays! malulutas ko din yan :D para-paraan lang xD) at doon ay baliwa naman sa guro doon kahit na nahuli ako sa pagdating sapagkat ilang minuto lang naman eh kaso humingi naman ako ng dispensya na diyalogong "sori na po ma'am mauulit pa ito este di na pala po mauulit" kaya ayun pumayag din :D (ako pa! pusibling di pumayag yan :P). Pagkatapos ng kantinarya ay dumiretso muna kami sa aking isang kamag-aral upang magrebyu-rebyu lang para sa matematika (kabado kasi sila sa matimatika xD) at doon, ang aking ginawa lang ay naglaro ng gitara at doon ay nagpapaturo din naman :D ang kantang unang tinuro sa akin ay ang kantang Sori na at doon ay mabilis din naman akong natututo (ako pa! pusilbing di ko makabisa ko ang dali-dali lang :D).

              Pag-uwi ko sa bahay ay muli akong humingi ng dispensya at doon para ako ay mapatawad na talaga ng lubusan ay kinantan ko ito ng kantang sori na (ayiie! nakakakilig talaga parang dalaga't binata lang ang peg? ay binata pala talaga :D). At doon ay napatawad na ako ng aking nanay (ako pa! pusubling di ako mapatawad ... eh ako ang nag-iisang katuwang niya eh xD).

Tuesday 4 March 2014

Grabeh ! -_-

               Ngayong araw na ito ay nahuli muli ang aming guro sa pagdating na higit dalawangpung minuto ang kanyang na sayang (eto totoo na'to :D grabeh! ang haba nang nakain? :O) at akala tuloy ng iba kong mga kaklase na wala ulit na talakayan -_- (hahaha :D yun ang akala nyu ... di ako papayag :P). At doon ay duating/pumasok na ang aming guro at syempre tulad pa rin ng dati bago mag-umpisa ang talakayan ay bubunot ito ay ng taong maaaring magbasa nang nagawang tula o sanaysay (tugudog-tugudog! hays ... muntik na, nalagpasan lang -_-). Sa pangyayring ito ay sobra akong nagulat sa aming guro dahil agad-agad siyang nagbigay ng pagsusulit na dapat ay kahapon pa (grabeh naman ang aming guro ... nag-iinit xD). Sa pagwawasto ng aming pagsusulit ay kahit papaano ay nakapasa pa ako :D (grabeh? akalain mo ... nakapasa pa kahit na hinulaan ko lang xD). Tinalakay na ang aming guro ang tungkol sa Teoryang Feminismo na tungkol naman kila Sisa, Maria Clara, Donya Vicotrina, at Donya Conculacion na sa tingin ko eh ... araw ata to ng mga kakabaihan eh at kanyang ikinuwento ang ilan lang sa mga nagpapatunay na ito nga ay may Teoryang nabanggit.

Monday 3 March 2014

Hay, Ingay ! -_-

               Ngayong araw na ito ay mahigit dalawangpung minuto na ang nakalipas ay wala pa ang aming guro kaya bago siya ... ang kanyang susunodan na asignatura ay naaliw sa pagtuturo (wala eh! nagandahan kasi sa talakayan :D ang tagal din talagang dumating ng aming guro eh!) at nang tumagal ay nakadama ang aming guro na nasobrahan na pala sa pagtuturo xD. Sa aming paghihitay ay eto ang sandali na kami ay mag-iingay kung saan-saan (isa na ako dun xD onti lang naman :P) at sa paghihitay na iyon ay hanggang hintay na lang talaga sapagkat ng malapit nang mag-ubod at saka lang sinabing wala ang aming guro (ay, patay!  yan ang paborito ng mga dyamante ... yan na! daldal na ulit xD). Ngunit sa mga pangyayaring iyon ay pinagalitan kami ng ibang guro dahil sa sobrang ingay daw namin abot daw ng opisina (hays, dyamante nga naman, ang ingay -_-). At doon hanggang matapos na lamang ang oras ay patuloy pa rin kami sa pag-iingay.

               Pagdating ko sa bahay ay bunganga agad ng aking nanay ang lumapat sa aking tenga sa kadahilanang wala na dahil akong masyadong ginagawa sa bahay na kesyo hayahay na lang da ako lagi (hays! si mama talaga, ang ingay xD tama na nga ayoko ko na ... kikilos na para matigil :P).

Sunday 2 March 2014

Teka Lang ! -_-

               Ngayong araw na ito ay maaga akong umalis sa bahay para naman sa isa ko pang kaklaseng gustong manghiram ng aking kwaderno tapos ang gusto niyang mangyari eh ... ako pa ang pupunta sa kanila (abay, teka lang? parang baliktad? hays, hayaan mo na nga mabait kasi ako xD biro lang ata?) ngunit wala sa akin ang aking kwaderno at ito ay kasulukuyang nasa isa ko pang kaklase at sa tingin ko ay mapapadoble-doble ako nito sa paghahagilap sa kani-kanilang mga bahay para lang sa kapakanan nila (wala eh, mabait daw? sana naman ih ... di naman matriple pa ang aking paghihirap -_-). Sa aking pagpunta doon ay nagkatotoo nga na matitriple pa ang aking paghihirap sa kanila para lang makagawa xP sa kadahilanang pinahiram pa ito sa isa ko pang kaklase -_- kaya ayun ... ang nangyari tuloy eh! akyat dito, akyat doon sa bundok at matirik na aming paaralan (kasi nga taga doon sila -_- hays ... kapagod xP teka lang, bakit ko ba sila tinitulungan? oh, diyos ko! pedeng pakisagot?  bakit pinagpala na maging maawain? :<). Ng ako ay pauwi na medyo nakakapansin ako sa mga taong aking nakakasalubong at nakikita (parang mga snatcher lang sila, grabe :O) dahil hilig nilang tumingin sa aking dalang dyaket (teka lang? ano bang meron sa aking dyaket ang hindi ko alam at ang hilig niyong tignan? -_-).

                Pagdating ko sa bahay ay wala akong ginagawa sa bahay ni-isang gawain dahil ang sipag-sipag ngayon ng aking nanay (ay, grabe! ang lupit :D teka lang? ano kayang nakain ng aking nanay at ang sipag-siapg ? pero pede na din :D pagpatuloy niya lang xD).

Saturday 1 March 2014

Ang Sarap ! xD

               Ngayong araw na ito ay tanghali na ako nakagising sapagkat nasarapan ako sa patulog eh (ewan ko kung bakit pero masarap eh xD ikaw ha! wag utak berde :D). Sa aking paggising lahat sila ay kumakain na at doon ay kanila na akong niyaya na rin upang sumabay at sakto lang sa araw kong ito ang aming ulam (ang pabotiro ko sa lahat :D) ang gulay xD (oo nga, gulay nga! di ka makapaniwala noh? maski ako nga din eh, di makapaniwala :O sa payat kong to? utut xD). At doon sa aking pagkain ay sarap na sarap naman ako sa paghigop ng sabaw ng mga babae (mga babaeng suso, boloks xD ikaw ha! utak berde na naman :D).

               Sa bahay ay wala akong masyadong ginagawa kaya hayahay ako kahit papaano :D at doon ay minabuti ko na lamang na mag-isa sa sulok at himasin ang nag-iisa kong alaga. Sa aking pag-iisa ay sarap na sarap akong gawin ito (anong akala mo, ha? pusa yun ... alam ko iniisip mo xD huli ka ngayon! utak berde ka na naman, talaga oh-oh xD).

Friday 28 February 2014

Wala Eh, Ang Bait ? xD

               Ngayong araw na ito ay bakas sa aking pagmumukha ang kamot ng aking mabait? na kapatid (kung makikita mo lang grabe daig pa ang pusa :">) siguro epekto ito ng pagiging mabait kong kuya sa aking kapatid :D ayun, pinagpala tuloy di-oras ang aking mukha -_-. Sa bahay, wala naman akong masyadong ginawa kaya ayun hayahay na naman ako ngunit meron akong inaabangan na aking mga kaklase sa kadahilanang sila ay muling manghihiram sa akin ng kwarderno para sa aming proyekto (ang bait ko noh? nagpapakopya? ganun talaga bakas na kasi iyon sa akin ang bait bait ko daw :"> tapos eto naman si baliw nagpapauto :< ). Sa aking paghihintay, sa umpisa ay sobra kong pinagkaabalahan ito, nandyan pa ung maaga akong naligo tapos pinagliban ko na nga lang muna yung utos sa akin ng aking nanay eh xP subalit, dumating na lamang ang hapon ay wala pa sila kaya minabuti ko na lang puntahan sa kanilang bahay (wala eh, mabait daw eh? pagbigyan natin napuri kasi eh! :D). At nang binigay ko na ang kanilang kailangan sa akin na dapat sila ang pupunta sa amin (wala eh, baliktad na ang panahon :D) ay binola-bola pa nila ako na kesyo ang sipag-sipag ko daw magsulat at makinig tapos ang bait ko pa daw (kaya ayun! si baliw talagang nauto na).

               Pagdating ko sa bahay ay sermon agad ang aking nadatnan sa aking nanay sa kadahilanag mas inuna ko pa daw ang iba kaysa sa akin na kesyo nababaliw ako sa kapakanan ng iba (wala eh, mabait talaga ako eh, ang mabait din sa akin :D)

Thursday 27 February 2014

Hooh ! Nakakabaliw :O

               Ngayong  araw na ito ay walang pasok dahil ngayon daw ang  araw ng pagkuha (daw?) ng pagsusulit ng ika-apat na taon kaya ayun hayahay na naman ang buhay na may halong lungkot dahil kapag walang pasok ay walang pera huhuhu! :'(. At dahil sa wala naman akong ginawa ngayon at para makaiwas utos na din minabuti kong mag-abala-abalahan na gumawa ng mga kakailanganing proyektong ipapasa sa iba't ibang asignatura sa lunes (na totoo ko namang ipapasa at kakailanganin sa lunes kaya taghabol ako nito sa oras) kaso ang dami ng aking gagawin baka di ko matapos. Hooh! nakakabaliw grabe, halos di ko kayanin ang mga nangyayari dahil pagod na at hirap na ako sa paggawa ng gawaing bahay tapos sinabayan pa ng kapatid ko na sinumpong mula sa pagkakatulog at halos nabaliw na ako doon kakapatahan sa kanya dahil talagang pumipiglas ito, nandyan yung nangalmot na siya sa mukha, nauntog na siya sa pader at higit sa lahat ay napaos kaka-iyak >.< (yan kasiiyak pa ... buti nga :P biro lang :D). Hooh! nakakabaliw ang kapatid ko, napagod ako doon ah kaya ayun ng tumahan na at makatulog na ulit ay sumabay na din ako sa pagtulog nito (wala eh! kapagod ... grabe xD).

Wednesday 26 February 2014

Pahabol Pa ! -_-

               Ngayong araw na ito, bago magsimulang muli ang talakayan ay bumunot ang aming guro kung sino ang magababsa ng nagawang tula o sanayasay (tugudog-tugudog ... eto na naman ! yes di ako nabunot :D) at amin nang pinagpatuloy at winasto ang hindi natapos na gawain kahapon sa kwaderno na tungkol sa paniinindigan ng tatlong tauhang sina Crispin, Basilio, at Sakristan Mayor. Sa pagwawasto ng aming gawa ay nagkaroon ulit ng gawain na may koneksiyon din sa talakayan na amin naman ding sinagutan. Laking gulat na lang namin ng may isa pang nagpahabol na magdedemo (hays! -_- yan na naman si demo kainis bakit pa sa oras ng Filipino nakakaboring tuloy ... sana math ang ituturo para ganahan naman ako :D). At doon ay nagbigay na lamang ang aming guro ng takdang aralin na nagpapakita sa mga tauhang babae sa akdang Noli Me Tangere na sina Sisa, Maria Clara, Donya Victorina, at Donya Cosolacion na sila ay pinapalooban ng Teoryang Feminismo. Buti na lang at matimatika ang asignaturang kanyang tinuro kaya makikinig ako :D (wala eh ... hilig ko ang math at kinuha nila kasi ang oras ng Filipino ko >.<). Nang natapos na ang talakayan ay wala na daw sususnod na pahabol na magdedelo at doon ay laking sisi ko dahil pede naman sa oras na lang ng TLE (pwede na yun ... ang iba naman di nakikinig eh xD).

Tuesday 25 February 2014

Hihi ! Naka "Segway" ... LOL :P

               Ngayong araw na ito ay walang pasok sa kadahilanang holiday daw, ang kaarawan daw ng EDSA Revolution. Kaya ayun ... malungkot nanaman ang aking buhay sapagkat walang pasok ay wala akong pera (kainis talaga ... papasukin nyu ako >.<) at buong maghapon akong walang ginawa sa bahay dahil medyo wala naman masyadong gawain ang aking nanay kaya siya na lamang ang gumawa ngunit uutusan sana ako ng aking nanay na bumili lang saglit pero ayaw kong gumalaw at pinangdahilan ko na lang may gagawin (kahit wala naman ... hihihi ! naka segway ako ! yes ! :D). At doon para abala din ako sa gawain ay naisipan kong gumawa na lang nang magiging prisentasyon ko na tula. Naisipan kong itema sa aking tula ay tungkol sa pag-ibig (eh kasi, puro ganun sila eh ! at saka para naman kiligin ang aking mga kaklase ... ayun gusto nila eh) at doon ay biglang sumagi sa aking isipan na isingit ko ang aking kinahihiligang larong LOL (masubukan nga kung maganda ang kakalabasan :D) at doon ay naka "segway" ako ng ilang may koneksiyon sa aking kinahihiligang laro at doon ay ang naisip kong pamagat ng aking tula ay "Naka Segway ... LOL xD".

Monday 24 February 2014

Natural Lang Yan ! :D

               Ngayong araw na ito, bago magsimula ang talakayan ay bumunot muli ang aming guro kung sino ang magbabasa ngayon nang kanyang nagawang tula o di kaya sanaysay (tugudog-tugudog sana ay di ako mabunot :D ... hehe lagi na lang eh xD) at amin ding binalik aralan ang tungkol sa ginawa namin noong nakaraang biyernes at maging ang nagsilbing takdang aralin na gawain (huhu! yes ... meron na akong sagot :D kinopya ko lang naman >.< biro lang :P). Sa pagwawasto ng aming gawa ay laking tuwa ko na lang nang tumama ako sa bilang isa (yes! nakatsamba) at habang nagtatalakayan kami ay nandyan na naman ang hindi maiwasang pakikipag harutan at daldalan sa isa't isa habang ang aming guro ay nagsasalita (buti na lang ako ay nakikinig ... hays ! III-Diamong nga naman >.<). At sa talakayan na iyon ay nagkaroon kami ng onting kasiyahan dahil nagkamali at nabaliktad lang nang pagbigkas ang aming guro na tungkol kila Medusa at Galema na kesyo marami daw ulo sa ahas si Medusa (hays! mga tao nga naman ... natural lang yan sa aming mga baliw lang ang peg kasi xD) at dahil doon ay napansin ako ng aking guro na kesyo galak na galak daw ako sa pagpalakpak sa tuwa (hala? di naman ma'am sa ganun natural na kasi sa akin ang ganun pagmasaya pumapalakpak parang baliw nga ... diba ? xD). Sa mga sumunod na pagwawasto ay nagkaroon ng paninermon ang aming guro dahil sa sobra na namang ingay namin (naku! natural lang yan -_- mga baliw nga eh ... diba ang kulit nyu ! kainis >.<). Ngayon din ay amin namang tinalakay ang mga sumunod na kabanata sa akdang Noli Me Tangere, ang Mga Sakristan na binasa ng isa kong kaklase. Dahil doon ay nagkaroon ng onting katanungan aming guro tungkol dito at pagkatapos ay aming inaalam ang teoryang nakapaloob dito at iyon ay ang Teoryang Eksistensyalismo. Pagkatapos ay nagbigay nang takdang aralin ang aming guro na may koneksyon sa teoryang nabanggit sa tatlong tauhang nakapaloob na sina Crispin, Basilio at Sakristan Mayor.

Sunday 23 February 2014

Di Ko Alam ! xD

               Ngayong araw na ito ay patuloy pa rin ang pagsunod sa utos at hindi sunod sa luho ko sa aking nanay at bilang kapalit kasi nito ay papayagan na akong umalis at maggala ngunit ang sabi ay wag lang daw akong magpapagabi (kasi may importanteng kaibigan kasi ang gustong muling makipagkita :D). Sa aming pagkikita ay doon pa rin ang lugar na aming pagkikitaan. At nang kami aynagkita na ay syempre tulad ng dati kakain muna kami bago manood. Ngunit kami ay hindi na manonood bagkos ay maggagala at pupunta sa kanyang pinsa (daw). Sa una ay di ko alam kung saan kami pupunta dahil ayaw niyang sabihin at medyo naninibago ako sa kanya dahil ayaw niyang umimik noong siya ay aking tinatanong kung saan kami pupunta (ano to ? may kasama akong pepe?hays ! kabuset -_-) at kanya lang sinabi kng kailan nandoon na kami (ay ! buset talaga na-set-up ako ! >.<). At doon ay pinagtatanong ako ng pinsan niya tapos nakikinig lang ako dahil kinakabahan ako (kaya pag may sagot na oo o hindi lang ako sumasagot ... :D pede na un). Ngunit ng tumagal nang pinanood at pinakain na ako ay nawala ang kaba ko kaso di naman niya naiintindihan ang aking nais iparating na salita (hays! mas okey pa nung di ako nagsasalita nagkakaintindihan kami -_-).

               Sa aking pag-uwi ay medyo nahuli at natagalan ako sa paggala kaya di ko alam ang aking magiging paliwanag (ahm! bili na lang ako nang pasalubong ... pede na yun xD epektibo na iyon kay mama :D). Kaya nang ako dumating na ay baliwala lang sa kanila ang pangyayaring iyon (hihi! lupit ko noh ! xD).

Saturday 22 February 2014

Espesyal Kasi Eh ! :D

               Ngayong araw na ito ay suno sa utos ako ngayon at hindi sunod sa luho dahil may kakailanganin akong gawin bukas kaya ayon sunod-sunog din pagmaykailangan at hindi pag may time xD. Dahil doon ay buong maghapon magdamag akong sunod sa nais na iutos ng aking nanay dahilan lang sa isang kaibigan gustong makipagkitang muli (ewan ko ba bakit nagustuhan niya na laging nakikipagkita). Napaka-espesyal kasi ng taong iyon eh kaya ayun sakripisiyo muna, teka ! parang dinaig pa nito ang may relasyon ng magsyota? hays! buhay nga naman parang life xD. Nang naubusan na ng iuutos ang aking nanay ay ipinagpabuti na lang niyang ipagpahinga muna ako dahil wala nang gagawing iba at siya na lang daw (syempre sunod naman ako, kapagod kaya ... gusto palit tayo ng estado nang masubukan mo xD biro lang :D) at baka daw ay papwersa daw ako at ayaw naman niya ng ganoon dahil espesyal daw sa kanya ang kanyang laging innuutusan (ganun ba yun? parang di naman -_-).

Friday 21 February 2014

Huhu ! Yes ! :D

               Ngayong araw na ito ay masaya na talaga ako dahil balik na sa dati ang lahat (yes! wala nan si demo :P ... meron na ulit na talakayan na matino xD) pero bago ang lahat ay muling bumunot ang aming guro kung sino ang magbabasa ng nagawang tula o sanaysay (yes! -_- eto na naman ... wala pa akong gawa eh :( tugudog-tugudog sana di ako mabunot:D). Aming binalik aralan ang nakalipas na talakayan at sa aming bagong talakayan ay sobra akong natuwa sa aking mga kaklase dahil sa tuwing  magsasalita at nagpapaliwag ang aming guro sa talakayan ay siya namang ingay namin (ganun talaga ! natural na sa amin yun ... sobrang na miss lang talaga namin ang aming guro :D kaya bawi-bawi lang sa ingay :P) at sa tuwing tatahimik ang aming guro ay siya ding tahimik namin (huhu! yes ... baliw lang ang peg :D). Aming tinalakay ang tungkol sa bahagi ng kabanata ng akdang Noli Me Tangere, ang Erehe at Filibustero. Pagkatapos noon ay nagkaroon ng ilang katanungan ang aming guro tungkol sa pagkamatay at pagkakulong ni Don Rafael at amin ding tinalakay ang teoryang nakapaloob dito, ang Teoryang Naturalismo. At doon ay nagkaroon kami ng gawain patungkol sa kabanatang na kung saan ay nahihirapan akong sagutan ang bawat katanungan (hooh! grabe ngayon lang ako medyo nahirapan ha -_-) at buti na lang ay ipinagpabukas na lamang ng aming guro ang pagwawasto nito (huhu! yes ... buti na lang wala pa akong sagot eh). Teka? may pasok ba bukas? ang pagkakaalam ko sabado bukas? hays ... hayaan mo na nga pwede na yun -_-.

Thursday 20 February 2014

Tso-ko-la-te ! xD

               Ngayong araw na ito ay masaya-saya pa rin ang aming talakayan kahit na hindi Filipino ang aming pinag-uusapan (yan na naman kasi si demo ... mukhang aabutin nga ng biyernes :'( paano na ang talakayan ? naiiwan na kami) pero pwede na din dahil paborito ko naman din ang nagpalit sa oras dapat ng Filipino, ang Math. Sa talakayan namin sa matematika ay sobra akong naaaliw sapagkat ang talakayan bukod sa masaya ay nakakagigil na makipagbangayan dahil nagbibigay ng mga tsokolate ang aming gurong naastas sa amin kapag kami ay nakasagot ng tama (mmm ... tso-ko-la-te ! ang saya-saya ... ahm ! sagot-sagot din para makadami xD). Sobra akong natutuwa sa nangyayari dahil nakarami nga akong tsokolate at dahil doon ay na sana bukas ay meron pa. :D

               Pagdating-dating ko pa lang sa bahay ay nawala ang saya na aking nadarama sapagkat sermon na agad ang aking natama sa kadahilanang nahuli daw ako sa pag-uwi at bukod pa riyan ay ang malas ko siguro ngayon dahil ang ang kaning aking kinain ay kakulay ng tsokolate (mmm ... tso-ko-la-te ! ang saya-saya ... ahm ! nakakainis kainin -_- wala eh no choice).

Wednesday 19 February 2014

Pwede Na ! :D

               Ngayong araw na ito ay masaya-saya naman ang talakayan namin kahit na hindi Filipino na naman ang aming tinatalakay sa oras ng Filipino bagkos ang Chemistry (hays! ayan na si demo ... paano na naman ang talakayan baka naiiwan na kami -_-) at sabi nila hanggang sa biyernes pa daw ang ganitong kalagayan (huhuhu! :'( wag naman ... wala na ako medyo na-uupdate nang maayos sa blog na ito). Maganda-ganda naman ang talakayan sa Chemistry dahil ang guro na nagdemo/nagturo sa amin ay (para sa akin) mabait dahil sayang-saya siyang magturo at iyon daw ay ganyang ginawa para daw ay mabigyang pansin ng iba ang asignaturang chem na ito ay hindi nakakatamad bagkos ay nakakaaliw pag siya daw ang magtuturo (pwede na, pwede na siyang maging guro sa aming paaralan ... pasado siya sa akin nakakaakliw may turo eh :D).

               Pagdating-dating ko sa bahay ay bigla akong inutusan ng aking nanay ngunit wala naman akong reklamo sa nangyayari na para bang ginayuma ako ng aking nanay para sumunod na walang alinlangan (pwede na rin iyon ... wala naman akong masyadong ginagawa (kaya ayon sumunod na lang ako xD).

Tuesday 18 February 2014

May iPinaglalaban ata ? xD

               Ngayong araw na ito ay wala pa rin kaming talakayan sa Filipino (alam nyu na iyon) syempre nandyan naman kasi yung demo-demo nanaman ng ibang mga guro sa ibat ibang asignatura (yan tuloy wala akong mag-itopic na maayos sa Filipino :( ... haysss ! talakayin ko lang ang nangyari sa oras dapat ng Filipino). Pero sa tingin ko pwede na din ang ganitong sitwasyon dahil para sa akin ay araw ko ito ... bakit ? kasi math ang kanilang dinemo sa amin (isa sa paburito ko kasi ito eh :D) kaya ayon nakikinig ako kahit na tapos na naman naming talakayan ang tinakalakay doon ... go pa rin :D ngunit ang iba napapansin ko ay walang pakialam sa nangyayari hindi man lang sila nakikinig tapos natutulog na lang sila at sabi pa nga ng iba boring daw ang math (hoy ! hindi totoo yan ... masaya ang math :'( huhuhu ... palibhasa di kasi kayo nakikinig ang dali-dali na nga lang ng math eh ... wag nyu kasing i-down ang sarili nyu :P). Kaya nasabi kong araw ko iyon dahil puros ako na lang at ang iba ko pang mga kaklase ang nakikikooperasyon sa talakayan na iyon maski hindi namin silang tunay na guro (teka ! pansin ko lang ? ... uy wala akong pinaglalaban dito ah ! nag eemote lang ako :D hayaan nyu minsan lang ito).

Monday 17 February 2014

Sobra Talaga ... Grabe ! xD

               Ngayong araw na ito ay wala kaming talakayan sa Filipino sa kadahilanang mayroong demo ng ibang mga guro na hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling :D at sobra naman akong nagagalak sa mga maaaring mangyari kapag sila na ay magdemo sa amin (sana-sana may Filipino para masiyahan ako at para kahit walang filipino ay may maitalakay ako nang matino). Lubos akong nalungkot nang malaman kong wala Filipino na guro ang magdedemo sa amin dahil ang guro na magdedemo sa amin ay asignaturang EP, Agham, at Matematika (grrr ... kainis sobra akong umasa namay Filipino eh sabay wala, grabe -_- bahala kayu dyan di ako makikinig xP biro lang:D). Aking itatalakay na lamang ay ang oras dapat sa Filipino at ang pumalit muna dito ay ang asignaturang agham at doon sa talakayan na iyon ang lahat ay nakikinig dahil ang gurong nagtuturo sa amin pogi (daw? kaya ayun may gana silang makinig -_- nandito naman ako bakit kailangan niyo pangmaghanap ng iba? hihihi ... assuming lang xD sobra talaga ... grabe tong mga babaeng ito ... makatili ! wagas ! :D. Nadadalian lang ako sa aming talakayan sa agham dahil parang balik aral na lang lahat na nangyayari sa oras na iyon (siguro pede naman kahit di ka makinig :D).

Sunday 16 February 2014

Pabor na Pabor :)

               Ngayong araw na ito ay balik na dati ang lahat at nandyan na naman si utos dito, utos dyan at walang iba kung di ang aking butihing nanay? (biro lang :D). Pansin ko lang na ganado ang aking nanay ngayon sa kakautos sa akin, siguro ay araw ko ngayon para lang utos-utosan kasi siguro ay nakailang tambak na ako ng mga gawaing bahay (kasi lagi kong tinatakasan eh :D). At doon ay wala naman akong nagawa sa kagustuhan nito dahil pabor na pabor na din ako sa mga nangyayari (nakuha ko na kasi ang aking kagustuhan eh ... kaya ayun taga-utos naman naman :D lubos na pinagsisisihan ko ito >.< biro lang). Akin namang sinunod kung ano man ang mga gustong ipinag-uutos nito dahil wala akong pagpipilian kung ang sumunod na lamang. Ngunit nakakasingit pa din naman ako ng mga dahilan para lang makapaglibang at ito naman pabor din sa aking nanay dahil malupit akong magdahilan eh :D (ako pa di makalusot sa mga ganyan? imposible ... pero pede din -_-).

Saturday 15 February 2014

Hekasi Bata ! xD

               Ngayong araw na ito ay ang pagpapatuloy ng aking kwento tungkol sa JS. Bago magpatungo sa amin, sa pagrampa kami muna ay pinakain (yes! buti na lang kakain na kami kanina pa ako gutom :D) at nagpasayaw muna sila sa court. At doon ay halos ang iba ay nakatingin sa akin dahil daw parang isang linggo o taon na akong di nakakain (eh kasi grabi talaga, di kasi ako kumain sa bahay kakamadali -_-). Nang kami na at oras na namin para sa pagrampa ay sobra akong kinakabahan, eh kasi sobrang dami nila eh, di tulad ng kami ay nagpraktisa. Ngunit ito'y nawala at nilaro ko na lamang ang patimpalak dahil alam ko nang talo na ako (eh kasi nung sa una ko pa lang pagrampa ay walang pumalakpak, kainis >.<). Kaya ayun nanag awarding na eh di na ako umaasang makakuha ng pamagat xD (okey lang iyon expercience lang habol ko doon :D).

               Pagdating ko sa bahay ay dali-dali akong humiga at nakatulog dahil nga ay inaantok pa ako, eh kasi kulang pa ako sa tuloy sapagkat ilang oras lang ang aking tulog at halos iglip nga lang eh? At doon ay hapon na ako nakagising at kumain lang saglit at muling natulog at kumain lang saglit at hanggang sa nagkain-tulog lang ako. Eh kasi ang saya eh xD.

Friday 14 February 2014

Iba na Talaga ! :D

               Ngayong araw na ito ay maaga akong umalis sa bahay dahil mayroong huling praktisa kami para sa JS ngayon. Tulad ng dati ay maaga ulit akong nakapunta sa aming paaralan ngunit iba na,iba na talaga ang aming tapang di tulad ng dati na nahihiya (wala eh, sanay na ! makapal na ang mukha :D). Pagakatapos ng aming praktisa ay agad-agad akong umuwi dahil kakailanganin ko nga pahinga nang mga ilang oras man lang . Ngunit di ako makatulog nang maayos kaya ayun di ako natulog ( wala eh ayaw ng mga mata ko na pumikit kasi nga iba na talaga sa pakiramdam kapag ikaw ay tuwang-tuwa na sa mga mangyayari xD). Nang nagsimula na ang oras ng aming JS Prominade ay sobra akong namangha sa mga naging kasuotan aking mga kaklase at sa iba (syempre sa akin din), grabe talaga ibang iba na talaga kapag ang okasyon ay minsan lang sa isang taon (halos ang iba ay nag-shine na sa suot >.<). At doon ay umakyat ako ng entablado sapagkat ang aking kapareha ay siya ang magmamana ng "key of responsibility" kaya ayun nakatayo lang ako magdamag hanggang sa magkainan (grabe ! kapagod ... gusto nyu subukan? libre lng :D). Pero bago pa pala dyan ay sinayaw muna namin sila kasama ang ika-apat na taon na mag-aaral na nagsalin ng kanilang posisyon.

Thursday 13 February 2014

May Kakaiba ? :O

               Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang talakayan na ito ay bumunot muli ang aming guro kung sino ang magbabasa ng nagawang tula o sanaysay (tugudog-tugudog ! alam nyu na un ... sana di ako :D) at doon ay parang may kakaiba? sa gawa ng magbabasa nang tula nakakaintriga (ops! bawal sabihin :P basta lao-uy daw ang love team). Amin na ding pinagpatuloy ang nagsilbing takdang araling kahapon na gawain din at ito ay ipinasa ng aming guro (sana wag, kilala ko na ang aming guro) at ito ay aming pagtutulong-tulongan sa pamamagitan ng pangkatan (pede na din :D). Pagkatapos ng pangkatan ay nagkaroon kami nang paninermon ng aming guro dahil sa aming ingay (daw?). At doon ay ang aming guro na lang mag-isa ang nagwasto ng aming gawa at doon kanya na ring binigyang tama at kahulugan ang mga mali namin sa pangkat. At halos doon na lamang naubos ang aming oras kaya nagbigay na lamang ang aming guro ng isang takdang aralin na basahin daw ang kasaysayan ng isang ina.

               Pag-uwi ko galing paaralan ay parang may kakaiba kaya dali-dali  akong pumasok at hinanap ang tao doon ngunit wala sila. Mula sa aking kinatatayuan ay may nakita akong kulay puti sa may kabinet (yung puti! papel yun ... takot ka no? xD) at may nakasulat na "umalis na kami kasi ang tagal mong dumating sasama ka sana namin, dito kami sa SM namamasyal". Pabor naman sa akin ang ganoong pangyayari ngunit ako ay nainis nang may nabasa ako sa bandang huli na "ikaw na ang bahala diyan pati sa mga gawaing bahay ha" (huhuhu! :'( totoo ba'to? wawa naman ako edi sana di muna pala ako umuwi -_-).

Wednesday 12 February 2014

Geh ! Kembot Lang xD

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang talakayan sa pagbunot muli ng aming guro kung sino ang magbabasa ng kanyang nagawang tula o sanasay (tugudog-tugudog ... eto na namang muli siya!) amin ding muling tinalakay ang aming pinanood na palabas kahapon ay ngayon ay amin na ding tinalakay ang teoryang nakapaloob dito at ito ay may limang teorya : Teoryang Klasisismo, Realismo, Naturalismo, Eksistensyalismo, at Feminismo. Ito ay ipinaliwanag ng iba kong mga kaklase maging ang aming guro ang pagkadahilanan ng teorya sa Noli Me Tangere at El Filibustirismo. Habang tinatalakay namin ito ay nagkaroon ng onting kasiyahang naganap, napakembot tuloy ang aming guro di-oras (eh kasi pa sweet pa kasi tumayo ung kaklase ko ... may pakembot pang nalalaman xD ang kulit kumembot ng aming guro nakakagigil sa saya :D). At nagkaroon kami ng kami ng pagbasa kaugnay sa Teoryang Klasisismo at doon ay muling nagkaroon kami ng onting kasiyahan ng dahil sa kaklase kong muli na sobra ang bilis sa pagbasa at maging ang aming guro ay nasiyahan (paano sing bilis ata siya ni flash kung tutuusin :D biro lang ). Pagkatapos ay nagbigay ng gawain ang aming guro subalit kinulang kami sa oras kaya ginawang takdang aralin na lanamng ito.

               Pagdating ko sa bahay ay nakita ko ang aking bunsong kapatid na kumikembot din . At dahil doon ay sobra akong natuwa dahil ang cute-cute niyang kumembot parang tulad din sa aming guro xD.

Tuesday 11 February 2014

Malupitun ! @_@

               Ngayong araw na ito ay aming muling pinagpatuloy ang hindi natapos na pagpapanood ng palabas ni Jose Rizal na ginampanan ni Cesar Montano (hala? baka makain na naman ang oras ng sunod na asignatura! pero pede na din ang saya eh :D). Ngayon ay medyo naiinis akong manoos kasi sobrang ingay talaga nga mga kaklase ko (di tulad kahapon ... tahimik -_-) nandyan yung sasawayin mo tapos magpapatuloy lang sa pagdaldal (ang lupit no? yan ang diyamante ... malulupit xD). Ngunit ito ay nawala nang sila ay sinaway na ng aming guro (hays! makakapanood na din nang maayos :D) at nagkakatotoo nga na ang oras na naman ng kasunod na asignatura ay nakaing muli. Dito sa aming pinanood ay aming nalaman kung paano at bakit pinatay si Jose Rizal a.k.a. Pepe. Ang masasabi ko lang tungkol kay Rizal ay sobrang napakatapang niya sa larangan ng pag-iisip at panulat. At dahil doon ay napahanga niya ako nang sobra dahil malupit siya, malupit siyang Pilipino.

Monday 10 February 2014

Kinain Na ! xD

               Ngayong araw na ito ay maaga at sakto lang sa oras dumating ang aming guro at laking gulat ko na lang ng kami ay ipinaharap sa likod at doon pala ay may nais ipanood ang aming guro na aming tatalakyin (daw?) ngayon, ang istorya ng Noli Me Tangere at El Filibustrismo na ginampanan ni Cesar Montano. Dito ay nagbigay ng panuto ang aming guro kung ano ang aming dapat gawin bago magsimula ang palabas. Sa aming panonood ay maaga kong natanto na ang palabas ay puro pagbabalik tanaw lamang sa nakaraan o sinasalay lamang ni Rizal (Cesar) (siguro marahil para malaman namin ang katotohanan) at ayon lang sa akin ... puro kabrutalan ang mga nangyayari pala dati (buti na lang ay di pa ako nabuhay noon ... ang hirap grabe ! ang hirap mabuhay grabe kasi ang kabrutalan >.<). Halos naubos at lumagpas na lamang ang aming oras na itinakda para sa asignaturang Filipino at halos maging ang oras nang sumunod na asignatura ay nakain na namin sa kapapanood lamang. Nagulat ako ng natanaw kong malayo/matagal pa ang oras na aming gugugulin para ito ay matapos. Habang tumatagal ay nakakatamad nang manood sapagkat ang iba sa amin ay may iba nang ginagawa at may kanyan-kanyang daldalan sa tabi-tabi xD. At dahil doon ay ipinatigil na lang ito ng presidente ng aming kuwarto dahil wala nga ang aming guro (diba ? kaya nagkakaganyan na naman ang diyamante ... daig pa ang nakawalang hayop >.<) at doon halos nakain na ng aming guro ang oras ng sunod na asignatura (ahhh ... siguro nag-usap na ang magkasunod na asinatura ... hays ! hayaan mo na nga xD).

              Maaga akong umuwi sa aking kantinarya ngayon at maaga rin akong nakabalik sa aming paaralan. At sa aking naging pwesto sa kantinarya ay taga manipula lang sa mga softdrinks. Pagkatapos ng pagtinda ay ang laki ng aming kailangang iabono (buset kasi ung kasama ko ... nangingialam kasi ... hays ! buset angsarap manapak xD biro lang) mabuti na lang ay malaki ang pasobra ang remita ng iba kong pang mga kasama sa kantinarya. Kaya ayun nalutas na ang problema ... grabi halos nakain na namin ang lagat ng pasobra piso na lang ang natira xD (hindi, pero kainis talaga ung kasama ko eh).

Sunday 9 February 2014

Pansin Ko Lang ? :O

               Ngayong araw na ito ay nabibigla ako sa mga nangyayari dahil hindi man lang ako inuutusan ng aking nanay sa mga gawaing bahay ... ewan kung bakit siguro ay nasa mood ngayon ang aking nanay (haysss! pede na din iyon ... hayahay ang buhay xD biro lang). Mga kahapunan ay medyo inutos-utusan na ako ng aking nanay at iyon ay pabor naman sa akin (madali lang na kasi ... nandyan ung tatawagin si kapatid, abutin ang gamit, at bumili ng kung ano-ano xD) Dahil doon ay malaya akong nakakagala at nakakapaglibang ng walang alinlangan at hanggang sa napadpad ako sa rentahan ng kompyuter at doon ay nag-update muna ako saglit ng aking blog at laking gulat ko na lang nang makita kong halos wala ni-isa ang nakapag-update (isa na din ako doon :D). Pansin ko lang parang tinatamad na sila mag-blog at isa na ako doon (biro lang xD).

Saturday 8 February 2014

Yung Piling Na ... ! XD

               Ngayong araw na ito ay galak na galak na akong magpraktisa ng rampa para sa darating na JS ngayon  (ahem ! di naman sa nagyayabang ... excited lang talaga ... prinsipe kasi ako, kaso di ko naman seksyon ! huhuhu :'( sayang pero pede na din :D). Subalit akala ko ay libre ako ngayon ... libre na ako sa mga gawain ngunit hanggang akala lang pala (huhuhu ! :'( alam mo ung piling na galak ka na tapos biglang nawala kasi may gagawin ka papala ... aw) syempre para payagan ako at maluho naman ang gusto kong malibre sa gawa ay gagawa ako :) ng mga gawaing bahay (lagi naman eh ... pede na rin para payagan :P). Grabi naman kasi talaga si mama ... alam mo ung piling pagod ka na sa gawa tapos tambak pa ng tambak (huhuhu ! :'( wawa naman ako ... wala eh kailangan ! help me plsss!). Dahil doon ay pinayagan na ako ng aking nanay na pumunta at doon ay maaga rin akong nakapunta. Alam mo ung piling na ang aga-aga mong pumunta tapos pinagtitinginan ka ng ibang mga tao dahil kakaiba ka at iba sa kanila dahil iba ang suot mo (teka! baka porma lang namatino ay pinagtitinginan? huhuhu :'( lord ... sana matigil na'to). Nang nagsimula na ang praktisa namin ay medyo pa kinakabahan ang aking naging kasama dahil sa marami daw ang mga taong manonod sa aming pagrampa at dahil doon maging ako ay nadamay sa kabang kaniyang nadarama (yung piling na nahawa ka lang sa kaartihan ng kasama mo ... huhuhu :'( tama na rampa na hayaan mo na sila) pero ito ay aming binaliwala dahil para na rin matapos agad ang praktisa. At dahil doon ay maaga kaming natapos (haysss! ang saya-saya ... yung piling na ang kaba mo sa una ay nawala bigla ! boom ... ang saya sa pakiramdam XD).

Friday 7 February 2014

Oh ! Anong Blah-blah-blah ... :D

               Ngayong araw na ito, bago magsimula ang aming talakayan ay muling bumunot ang aming guro kung sino ang magpipresenta ngayon (tugudog-tugudog ... sana di ako mabunot) ngunit sobrang napakatagal ng taong mabubunot ... meron man subalit ay tumatanggi sila sa kadahilanang wala pa daw silang nagawa at isa din ako eh (sana-sana wag ako, sana-sana wag di pa ako handa eh! wala pa akong gawa sake me! :D) at dahil doon ay sobrang bilis ng pintig ng puso ko (tugudog-tugudog ... diba ang bilis?) sa sobrang kaba na sana ay huwag ako ang mabunot. Nang mayroon ng nabunot ... Oh! anong saya aking nadarama? (hala? yan tuloy napapatula ako di-oras. Pagkatapos ay magpapatuloy na sana ang aming guro sa aming talakayan ngunit biglang dumating ang kanyang asawa at bigla akong nagulat ng narinig kong nagtitilian ang aking mga kaklase at dahil doon ay hindi mawala ang ligaya ng aming guro at maging sa tuwing masasalita ay mapapatigil at mapapangiti na parang kinikilig ... Oh! anong ligaya ang kanyang nadarama sa tuwing makikita niya na lamang kanyang asawa (ayiie ... si Ma'am dinaig pa ang mga dalaga diyan sa tabi-tabi :D go ma'am push mo yan :P). At aming nang pinagpatuloy ang talakayan sa akdang Bangkang Papel at maging sa teoryang realismo at hanggang napadpad ang usapan sa tunay na buhay sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde na maiiugnay sa akda. Dahil doon ay naatasan kami na gumawa ng isang liham, mensahe, panalangin, o tula na nakabatay sa isyung panlipunan sa pagitan ng pamahalaan at rebelde. Ito ay ilalagay namin sa makulay na papel na nagsilbing takdang aralin namin at ang napili ko ay mensahe para sa ating pangulo ngayon. Habang ako ay nagsusulat laking gulat ko na lang nang namata ng aking kaklase ang aking gawa na kesyo daw ang haba-haba na daw ng aking naisusulat habang sa kanya ay onti lamang kaso lang daw ang pangit na daw ng aking sulat (huhuhu! :'( ano bayan ... napuri nga kaso may halong panlalait XD) Oh! anong kabaliwan daw aking nadarama kung bakit ganoon na lamang ang aking naissusulat. 

Thursday 6 February 2014

Sensya na Tol ! XD

               Ngayong araw na ito ay aming ipinagpatuloy ang talakayan namin sa akdang Bangkang Papel. Ngunit bago pa diyan ... muli, ay nagkaroon ng isang prisentasyon na kanyang sariling gawang tula o sanaysay ang isa kong kaklase subalit ito'y di natuloy dahil medyo mali at magulo daw ang kanyang gawa (hala! wag naman sayang bumunot muli tugudog-tugudog ayaw ko na ... di pa ako handa!) kaya amin nalamang ipinagpatuloy ang takalayan ... amin na ding tinalakay ang teoryang nakapaloob dito na aming takdang aralin din kahapon, ang teoryang realismo at aming ding muling  binigyang kahulugan ito (kahit na alam naman na talaga namin ... wala eh ! kasama sa talakayan eh). Nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kung saan aming bibigyang katangian ang ina at anak sa may akda na aming ding patutunayan. At nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro tungkol sa akda na aming sasagutan at doon ay nakasingit ang aming guro ng isang kwento o pangyayari ng isang guro din na naiugnay niya sa aming talakayan (pasensya na tol ... bawal sabihin eh kung sino siya  ... maraming makakaalam eh -_- alam mo naman ang mga tao ngayon :D). Pagkatapos ay nagkaroon kami ng takdang aralin na kung saan kami ay magdadala ng isang makukulay na papel (teka! parang alam ko na kung anong gagawin para bukas? hmmm ... pasensya ulit tol , bawal ko ulit sabihin eh at ewan ko kung bakit? hihihi :P). Ngunit hindi pa tapos ang oras namin at nagpatuloy nang muli ang isa kong kaklaseng tinama ang kanyang sagot at sa kanyang tula ako ay sobrang natutuwa dahil halatang may pinanghuhugutan eh (teka! bawal ulit sabihin kasi ano niya un eh ... basta ! sensya na tol :D).

Wednesday 5 February 2014

Ang Kawawang Rebelde ! :(

               Ngayong araw na ito, bago magsimula ang aming talakayan ay laking taka nga aming guro ng madama niyang ang lungkot-lungkot at walang gana kami ngayon (oo nga! ano kaya ang nakain namin ... bakit kaya?) at siguro daw ay baka wala ang mga iba kaya daw ang tahimik namin (mga nangangandidato bilang SSG ng aming paaralan ... mali un, sila ang maiingay di kami ... hahaha bulgaran?). Muli, nagkaroon naman ng isang prisentasyon ang isa kong kaklase na kanyang sariling gawang tula o sanaysay at siya ay napili sa pagbunot sa mahiwagay plastik (*mapapalunok bigla* ah ... ah ... ang lupit ng tula niya ... related sakin :D). Aming muling tinalakay ang buod ng akdang Bangkang Papel na ibinuod ng isa kong kaklase. At ngayon ay amin nang tatalakayin ang mga katananungan kahapon na sobrang nakakapanabik talagang malaman kung ano ba ang totoong nangyari sa akda. Bago pa diyan ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na bibigyan hinuha mo ang nakasaad na pangungusap at sa pagwawasto ng aming guro ay doon na namin nalaman ang katotohanan na sila pala ay isang rebelde at ang ama ng bata ay napatay ng mga kawal. Sa pagkukuwento ng aming guro nasabi ng aming guro na ang isang rebelde ay ang mga taong di tumasang-ayon sa mga katiwalian ng pamahalaan at masasabi kong ako ay isa na rin sa mga rebele (rebelde sa pamilya ... kainis kasi puro kaligayahan lang nila ang gusto nila -_- paano na ako? wawa naman ako). 

Tuesday 4 February 2014

Tugudog-Tugudog ! XD

               Ngayong araw na ito ay nagbunot muli ang aming guro para sa magpipresenta ngayon ng kanyang sariling gawa na tula o sanaysay (ay ... eto pede pa literal na to sanay naman na ako eh ... tugudog-tugudog kabado pa rin). Bago mag-umpisa ang talakayan ay pinalabas kami ng aming guro ng kahit anong uri o klase ng papel at doon ay ilalagay ang pangalan, seksyon, taon, at pangkat pati na rin ang aming pangarap sa buhay. Pagkatapos ay gagawin naming isang bangkang papel ito at kailangan ay paunahan sa paggawa at pagnabuo na ito ay lalagay sa balotang dala-dala ng aming guro (tugudog-tugudog sana di ako mabunot) at akala ko ay bubunot muli ang aming guro upang ipaliwanag ang gawa ngunit hindi pala at iyon pala ay magsisibing gawain lamang (hays ... ligtas buti di natuloy may ano pa naman dun ... ahm! sikreto na lang iyon :D). Ang bangkang papel na iyon ay may koneksyon pala sa aming tatalakaying akdang Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute (ang galing, oo nga no? may koneksyon nga ... ang galing ng gumawa :O hahaha! lokohan lang? halata naman eh ... sa pamagat pa lang :P). Nagkaroon kami ng gawain na kung saan bibigyang kahulugan ang ilang malalalim na salita na nakapaloob sa akda at naatasan ang isa kong kaklase ba basahin ang buod ng akda. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na patungkol din sa akda at sa pagwawasto ng aming guro ay kanyang naipahatid o naikwento ang ilang mga pangyayaring naganap sa akda (kabitin naman ... kulang pa dagdag pa nga plsss). Kinulang kami sa oras (ewan ko lang kung kinulang talaga baka sakto nga lang eh o baka pasadya ng aming guro na kami ay mabitin) kaya pinagbuti na lamang na ipagbukas ang ilang mga katanungan kung bakit, sino, at ano atng tunay na nangyari sa akda (tugudog-tugudog ano kaya ang tunay na nangyari talaga ... nakakapanabik naman!).

Monday 3 February 2014

Bunot-Bunot Din Pag May Time! :D

               Ngayong araw na ito ay wala akong kaalam alam sa nangyayari dahil bago pa man dumating ang aming guro ay nag C.R. lang ako saglit at nang pabalik na ako ay nakita kong nakapila sa labas ang mga lalaking hindi pa gupit at sila uukaan at isa rin ako doon (tatakas sana ako kaso nakita ako ... sayang kala ko ligtas na -_-) kaya nakipila na rin ako. Pagpasok ko ay ipinapasa na ang nagsilbing takdang aralin kahapon kaya dali dali kong hinabol ang sa akin (baka kasi di na tanggapin eh). Nagkaroon ng prisentasyon ang isa kong kaklase na ginawa niyang tula o sanaysay sa pamamagitan ng pagbunot ng aming guro ( tugudog-tugudog ... buti di pa ako nabubunot :D). Muling bumunot ang aming guro kung sino ang magbabahagi ng kanyang nakalap na pelikula. Nagkaroon kami ng ung talakayan tungkol sa maaaring magiging epekto ng saykolohikal sa akda at dahil doon ay nagkaroon ng pagbabahagi ang iba kong kaklase ayon sa kanilang karanasan sa buhay. Nagbigay ng isang gawain ang aming guro na kung saan isasalarawan namin ang aming kaibigan na kapapaloban din ng saykolohikal. Muli, ay bumunot na naman ang aming guro upang basahin ang ilan sa aming gawa na magbabahagi sa harapan (hays! ... bakakabobo sa  bunot-bunot , kabado-kabado tuloy -_-).

Sunday 2 February 2014

Haha ! Bleeh ! :P

               Ngayong araw na ito ay medyo galit sa akin ang aking nanay sa kadahilanang ang hilig ko daw kasing tumakas sa mga gawaing bahay na kesyo hindi ko na daw nagagawa ang aking responsibilidad sa bahay at gala lang daw ang aking inaatupag (ganun? tumakas agad? di ba pedeng libang lang saglit ?). Subalit iyon ay muling nanumbalik sa normal sa kadahilang ako ay kakailanganin niya ngayon (haha! bleeh! :P kala mo ha, kakailanganin mo ako ngayon alis-alis din ng galit pag may time :D ... biro lang XD) dahil sa aalis siya ngayon at hindi ko alam kung saan siya pupunta ngunit nga aking tinanong ay galit pa (hala! galit agad nagtanong lang ... stressed ata o kaya may red alert? hihihi :D). Syempre sunod naman ako para matigil na ang giyera (para narin matigil ang pa g-aalyansa ng bibig nito :D) baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan pagsumagot pa ako (hays! :D iyakin kasi si mama eh ... haha! bleeh biro lang).

               Pagdating ng aking nanay ay maayos naman na ang kanyang kalagayan habang ako naman ay pata na paggawa (nandyan ung linis dito, hugas doon hays! nakakapagod talaga ... stressed XD). Syempre para malibang ako ay naglakwatsa muna ako saglit. Nagkaroon kami ng pagtatalo sa pagitan ng aking kapatid dahil sa pagkain lamang at nainis ako ng biglang umiksena ang aking nanay (si mama talaga ... papansin panira ng moment -_-). Yan tuloy nagparaya ako para lang sa aking kapatid na kesyo daw ay mas matanda daw ako at ang mas pinaka masaklap pa dyan ay nang nanalo ang aking kapatid at sinabing haha ! bleeh ! :P (huhuhu :'( wawa naman ako, dapat ako lang nagsasabi nun).

Saturday 1 February 2014

Di Niya Kasi Alam ! :(

               Ngayong araw na ito ay medyo sinusumpong pa rin ako ng pagiging JT (ang saya sa pakiramdam eh) ngunit ito ay nanumbalik sa normal ng ako ay nasermunan na nang aking nanay at bukod pa diyan ay tambak na daw kasi ako sa mga gawaing bahay, maglalaba kasi ang aking nanay ngayon (hays ... eto na naman ... gawa doon bantay dito). Akin din naman itong ginawa dahil may gustong muling makipagkita ng isang kaibigan noong nakaraang sabado pa.

               Natagalan ako sa paghihintay sa kanya at ewan ko nga kung bakit ang tagal niya dumating at babalakin ko sanang umuwi dahil sa tagal nito ngunit hindi ko ito tinuloy sapagkat sayang ang pamasahe at sayang ang pagpunta ko at maging ang paraan para ako ay makaalis nang walang alinlangan, ang pagsisinungaling :). Nang nagkita na kami ay agad kaming kumain at doon ay napadami ang pagkain na kanyang nabili (ang di niya lang alam ay sapat na ang onti lang ... tataba ba ako dyan?). Yehey! eto naman tayo ... kain ng kain payat naman -_- (huhuhu :'( payat? wawa naman ako!). Sinabi ko sa aking kaibigan na limitado lamang ang aking oras at hanggang alas tres lang subalit hindi daw siya naniniwala ... sa payat kong 'to ? este sa mukha kong 'to? di ka naniniwala? ... huhuhu :'( tinakasan ko na nga ang iba kong gawa para makapunta eh! (hays ... di niya kasi alam kong paano ako nahirapan sa pagtakas!). Natagalan din akong naghintay para ako ay payagan na talagang umalis (di niya kasi alam na may iba pang gawain :( .... palibhasa kahit kailan pede siya maggala kung gugustuhin niya!) mga kulang kulang alas singko na ako nakaalis.

               Pagdating ko sa bahay ay sermong muli ang aking naranasan (hays! si mama talaga di niya kasi alam kung saan ako talaga galing -_-) na kesyo dapat ay tulungan ko siyang gumawa ng gawaing bahay at mag-alaga na kapatid man lang hindi daw iyong puro gala lang daw ako dahil daw sa aking napagod daw siya (pero bakit pa kailangang makipagbalagtasan pa sa akin eh ginawa ko na nga ung gawain eh at nag-aalaga naman na ako ... hays! si mama talaga ... pasaway!).

Friday 31 January 2014

Ika nga ... JUAN Tamad ! -_-

                Ngayong araw na ito ay akala magiging mlaigaya na ako dahil walang pasok ngayon ika nga nila Chinese New Year daw (bakit? kailangan ba iyon? mga chinese ba tau? nakaktamad tuloy ... boring eh!). Siguro sa mata ng iba ito ay masaya ngunit para sa akin ay hindi dahil ayoko lang, nakakatamad kasi (pero sa totoo lang masarap ung tikoy nila ha pati ung malagkit ! basta ... masarap ung pagkain nila :D). Maghapon magdamagakong Juan Tamad ang tema ika na tuloy nila ni kesyo si Master Cedrick daw ako tapos minsan din Sinyorito daw hays ... basta ako Juan Tamad na bansag ay sapat na pinapalalim pa nila kala mo kung sino (di ko tuloy maintindihan ... biro lang :D). Wala namang reklamo ang aking nanay kung ano man ang aking pinapairal na katamaran ngayon dahil kakaonti lang naman daw ang gawaing bahay ngayon (yes, im free!) subalit susubukan ko sanang tumulong ngunit ayaw eh ... ayaw ko (hays ... hayaan mo sila bahala na sila dun ginusto nila un eh!).

Thursday 30 January 2014

NakakaBaliw ! XD

               Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang talakayan ay nagkaroon ng prisentasyon ang dalawa kong kaklase, ang isa ay magbabasa ng kanyang nagawang sanaysay na may koneksyon sa aming seksyon, ang kaibahan daw ng pagtutulungan sa pag-aasahan (oo nga ! anti-hingi na ng papel) at ang isa naman ay kakanta ng awiting Himala. Pagkatapos ay pinaghambing ng aming guro ang kaibahan ng akdang Ang Himala at ang awiting Himala at amin na ding tinalakay ang tanong na nagsilbing takdang aralin kahapon. Sa tanong na iyon ay natagalan kami sa pagtalakay at halos doon na lang namin naubos ang aming talakayan sa tanong na iyon pero dahil doon parang may kababalaghang pangyayari akong naman (ayiie ... ayoko ngang sabihin ;P, sa akin na lang iyon) na siguro marahil ay isang baliw kaya nyang nagawang mag-imbento na may nakita siyang birhen (wala eh! gustong sabihin ng kamay ko eh!). Kinulang na kami sa oras ngunit  natapos naman na naming sagutan ang tanong pero minabuti ng aming guro na ipasa na lang ang iba pang mga takdang aralin na hindi tapos maiwasto. Pagkatapos ay nagbigay ang aming guro ng isa pang mulingtakdang aralin (na nakakabaliw na at halos araw-araw na nagbibigay at hanggang kailan pa kaya matatapos ? ... hehehe ! biro lang) na magkalap ng isang pelikula na pinapalooban ng Teorayang Saykolohikal.

Wednesday 29 January 2014

Di-dis Ma-maya ! XP

                Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang talakayan ay inanunsyo ng aming guro na ang aming ulat kahapon ay hindi maayos at di tapos sapagkat ito ay mahalaga para sa aming takalayan ngayon. Amin na ding tinalakay ang nagsilbing takdang aralin kahapon at medyo nadismaya ang aming guro sa aming pangkat sa kadahilanang wala na nga kaming gawa kahapon na takdang aralin ay maski ngayon ay wala pa rin (buti lang ay mabait ang aming guro ... salamat po! sana di na maulit XP). Muling nadismaya ang aming guro dahil mula sa amin hilera ay ay wala niisang may gawang takdang aralin at tanging sa kabila lamang ang mayroon (buti sila mayroon ... napuri pa :'( kasi naman kasi eh!) kahit na bibigyang kahulugan lamang ang teoryang saykolokal. Ito ay binasa ng iba kong mga kaklase at siyang bigay kalugan at paliwanag naman ito ng aming guro. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng isang gawain na patungkol sa saykolohikal na may kaugnayan din sa akda at nagbigay ng takdang aralin ang aming guro na mag-imprenta ng kantang Himala.

Tuesday 28 January 2014

Lagi na Lang Daw ! :(

               Ngayong araw na ito, bago magsimula ang talakayan ay nagtanong ang aming guro kung sino na ang nakanood ng buong kwento ng akdang Ang Himala. Muling bumunot ang aming guro sa palabunutan upang magprisinta isa kong muling kaklase ng isang sariling tula (tugudog-tugudog, kinakabahang muli). Amin nang tinalakay ang nagsilbing takdang aralin kahapon na patungkol sa mga bagay na nangyari kay Elsa simula pagkabata hanggang maging manggagamot. Pagkatapos ay nagkaroon ng pangkatang gawain na patungkol sa akda at sa pangkatang iyon ay hindi natapos ang aming gawa dahil nahihirapan kami sa tanong (eh kasi ... onti lang kaming tumutulong -_-) kaya naubos na lang ang oras ay di pa kami nakakatapos. Nagtataka ang aming guro kasi sa tuwing nagkakaroon daw ng pangkatang gawain ay laging kulelat at hindi aktibo ang aming mga gawa (ano bayan ... yung iba kasi eh ... daldal lang! 0_0) at maging sa bawat pagtatanong ng aming guro ay wala man lang daw tumataas ng kamay sa aming hilera. Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro kung ano ang teoryang saykolohikal na nakapaloob sa akda.

Monday 27 January 2014

Ha ? Himala ! :O

               Ngayong araw na ito ay medyo na huli ang aming guro ng pagdating at agad siyang bumunot sa palabunutan para sa magpiprisenta ngayon ng isang sariling tula (tugudog-tugudog kinakabahan onti) at buti na lang ay di ako nabunot. Amin nang tinalakay ang tungkol sa akdang Ang Himala ni Ricky Lee at kami ay tinanong nang aming guro kung sinong hindi naniniwala at naniniwala sa isang himala. Dahil doon ay nagkaroon ng onting pagbabahagi ang ibang mga kaklase ng karanasan sa isang himalang pangyayari (hays ... di naman yan totoo, di ako naniniwala kasi ... Final Destination lang ang peg nyan!). Binasa ng isang kong kaklase ang istorya ng akdang nabanggit dahil mali naman kasi ang aming nakalap na kopya (teka, himala ... wala niisa sa aming may tamang kopya!). Bago mag-umpisa ang pagbabasa ay nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro na kailangang sagutan pagkatapos paringgan ang binasa. Sa pagbabasa ng naatasan ay nakaramdam ako nang katahimikan at kalayaan mula sa ingay nila (presidente kasi namin ang nagbabasa XD) at siguro marahil ay pursige talaga silang makinig kaya abala. Hindi natapos ang pagbabasa dahil kinulang kami sa oras kaya ang nagsilbing katanungan ay nagsilbi na lamang na takdang aralin.

Sunday 26 January 2014

Buti Na Lang ! :D

               Ngayong araw na ito ay nasa maayos naman ang aking pakiramdam kahit na kung tutuusin ay pata na ako sa pag-asikaso sa bahay (okey lang iyon mabait kasi ako ... piling lang onti) at halos buong maghapon ako naging katuwang ng aking nanay (kulang na nga lang eh ... magkuha ako ng kursong care giver). Ginusto ko naman ang gawaing iyon dahil wala naman akong magawa masyado sa bahay (maigi na rin iyon kaysa sa tambay lang naman kung tawagin!). Buti na lang ay nasa kondisyon ako at hindi masyadong abala sa mga takdang aralin ng bawat asignatura kaya tumulong na lang ako sa bahay (ah ... pwede na may ipagmamalaki na XD). Nagulat na lang ako ng mabalitaan ko mula sa balita na magbibigyan ng tunay na saloobin ang aking iniidulong si Vhong Navarro mula sa kanyang pagkabugbog at sa pambibintang na siya ay manyakis. Ayon sa saloobin niya, siya ay hindi naman talaga isang manyakis at siya ay isang lamang biktima ng panlilintang ng isang indibidwal. Buti na lang ay hindi totoo ang pangbibintang at ang mga kumakalat na balita sa kanya.

Saturday 25 January 2014

Hindi, Hindi Totoo Yan ! :(

               Ngayong araw na ito ay ang araw ng paglalaba ng aking nanay (lagi naman eh!) at ngayon kukunin ng aking nanay ang kard ko (syempre tulad ng dati) maaga akong naasikaso sa gawaing bahay at magbantay ng aking kapatid sa kadahilanang maaga ang kuhaan ng aming kard. Pagdating ng aking nanay ay namangha ako sa kanyang balita na aking markha ngunit ito'y nawala nang ang aking ranggo mula sa paaralan ay siyang baba nito (ayos ah, parang di naman totoo ang aking ranggo ... hmmm magkaalaman nga sa lunes!). Laking pasasalamat ng aking nanay dahil maayos kung naganpanan ang aking tungkulin at buti na lang ay hindi daw ako nagbigay ng anomang reaksyon (syempre may kailangan kasi ako ... sunga-sunga lang si mama ... biro lang XD). Nagpalibang-libang muna ako saglit ngunit nabigla ako nang malaman ko  mula sa facebook na kumakalat na ang aking iniidulong si Vhong Navarro ay nabugbog dahil daw sa siya ay manyakis (hindi, hindi ako naniniwala ... idol ko iyon eh! walang pakielamanan :/). Naawa lang ako ng makita kong basag-basag na lamang ang pagmumukha nito.

Friday 24 January 2014

Sayang Talaga ! (O,O)

               Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang aming talakayan ay aming muling binalik aralan ang tungkol sa akdang Ang Kalupi sa malikhaing pagbubuod na paraan at aming binuod ito sa pamamagitan ng pa-isa-isang tawag ng iba kong mga kaklase (siyempre isa ako doon sa natawag :D). Aming pinagtuunan ng pansin si Aling Marta dahil sa kanyang ipinakitang pag-uugali at aming inalam kung anong teoryang nakapaloob sa akda, ang Teoryang Eksistensyalismo. Nagkaroon kaming onting gawain na bibigyan mo ng kahulugan ang nakapaskil sa pisara. Amin ng ginamit ang nagsilbing takdang aralin kahapon na makulay na papel at doon kami ay gagawa ng isang  malikling kwento na kasing tulad sa akda. Kinulang kami sa itinakdang oras para sa filipino at umabot na naman ito sa oras ng TLE at gugustuhin ko sanang itigil ngunit sayang talaga eh nangangalahati na ako sa paggawa kaya aking ipinagpatuloy na lamang.

               Nagpaiwan ako sa paaralan dahil nais kong sumali sa aktibidad para sa buwan ng matematika, ang sodoku. Natagalan ako sa paghihintay at babalakin ko sanang umuwi dahil naiinip ako ngunit ito ay aking pinigil at ipinagpatuloy na lamang ang paghihintay dahil sayang eh, sayang ang grado para doon sa aktibidad na nabanggit. Maaga akong natapos sa pagsasagot at minabuti ko na lang hintayin ang aking mga kasama. Sobra akong nainis dahil inorasan pala kami (akala ko kasi hindi limitado ang oras -_-). Dahil doon ay aming tinanggihan na lamang ang alok para sa kasunod na pagsubok at ng amin na itong naibigay ay nalaman na hindi pa pala iyon ang tunay na larong sodoku (panimula palang pala ... sayang XP). Sinisi ako ng aking mga kasama dahil pagkakataon ko na iyon ngunit akin pang sinayang (paano ba naman kasi yung nagmamanipula sa amin ay may ibang ginawa ... yan tulay :( ... sayang daw!). Maging ako ay sinisisi ko ang aking sarili dahil tama nga sila, sayang nga talaga dahil wala pa daw nakakapasok sa tunay na larong sodoku. Pero okey na iyon tanggap ko na ako ang may kasalanan kaso sayang eh, sayang talaga.

Thursday 23 January 2014

Tauhang Bilog Lang Peg ? XD

               Ngayong araw na ito, bago pa lang mag umpisa ang talakayan namin ay nakabusangot na agad ng tingin ang aming guro sa amin at ewan ko kung bakit (namiss lang siguro kami, ayiie ... assuming? -_-) pero sa pag umpisa ng talakayan ay nawala rin naman (sabi ko na eh! :D). Aming binalik tanaw ang tungkol sa aming ginawa kahapon na tungkol sa akdang Ang Kalupi. Amin ding tinalakay muli ang tungkol sa banghay o balangkas at ang maikling kwento. Ang nagsilbing takdang aralin kahapon ay magsisilbi na lang daw na isang pangkatang gawain. Bago pa doon ay nagkaroon kami ng onting pababalik tanaw muli sa natatanging aming tinatalakay na nabanggit na akda. Sa aming pagapapangkat at nainis (ata? baka galit?) ang aming guro dahil naiirita (ata?)  siya siguro dahil kami ay maingay sa paraan ng pagpangkat kaya agad na kami ay pinaupo sa upuan (na galit?) at siya daw ang pipili ng mag-uulat sa bawat pangkat at ay wala naman nagawa kung'di sumunot na lang (galit na kasi ... biro lang! :D) ngunit tulad ng una ito ay nawala rin. Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro na magdala daw ng makukulay na papel para bukas.

Wednesday 22 January 2014

Iyon-yon eh, Tiwala Lang ! XD

               Ngayong araw na ito ay binalik tanaw namin ang aming ginawa kahapon na tungkol sa akdang Ang Kalupi at ang nagsilbing pangkatang gawain din at maging ang naiwang kasabihan na tungkol sa akda na "huwag mong husgahan ang aklat sa kanyang pabalat". Bago mag-umpisa ang pag-uulat ng bawat pangkat ay binigyan muna kami ng aming guro ng ilang minuto para makapaghanda at makapag-ayos. Sa pagwawasto ng aming ulat at gawa ay may ilang pagkakamali kami sa pagsagot ngunit kami ay nakakuha kami ng apat na bagsak. Pagkatapos ay nagtuon kami ng pansin sa ibig sabihin ng maikling kwento at nagbigay ako ng onting kong kaalaman tungkol dito ngunit pangkaraniwan na ang aking sagot (sabi nila mali, iyon-yon eh ... tiwala lang). At aming tinalakay ang tungkol sa banghay o balangkas at iyon ay binigyang kahulugan ng aking kaklase na binasa lang naman niya sa pisara (iyon-yon eh!) at binigyang linaw naman ito ng aming guro ang tungkol dito. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng takdang aralin na tungkol sa pagawa ng tula o sanaysay at nagbigay ang aming guro ng halimbawa ng tula na kayang naimbento na wala pang pamagat at kanyang ipinarinig ang kanyang nagawa. Habang nasa kalagitnaan na pagbabasa ang aming guro ng makabanggit siya ng usong salita, "tiwala lang" kaya pagkatapos niya magbasa ay nakaimbento na kami ng magandang pamagat para sa kanya (iyon-yon eh, tiwala lang!). :D

Tuesday 21 January 2014

Ayos to'ha ! :D

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang aming talakayan sa pagbabasa sa ng isang kasabihan na "huwag mong husgahan ang libro sa kanyang pabalat" na maaari mong makita sa libro sa itinagalog lamang at nadarama ko may kaugnayan ito sa akdang aming tatalakayin, Ang Kalupi ni Benjamin Pascual (ayos to'ha). At nagbigay ng onting impormasyon ang iba kong kaklase na patungkol sa nabanggit na kasabihan. Amin ding binigyang pansin ang kahalagahan ng pamagat ng akda (Kalupi) at nagkaroon ng katanungan ang aming guro tungkol dito. Ginamitan ng malikhaing presentasyon ng aming guro ang pagbasa ng akda at ito ay ginawang dula-dulaan na ginampanan ng iba kong mga kaklase na inihalintulad sa palabas sa Showtime na Sine Mo'to (ayos to'ha, istorya, istorya, isroya). Bago mag-umpisa ang presentasyon ay kailangan naming salungguhitan ang nakahandang tanong na magsisilbing pangkatang gawain na nakapaskil sa pisara sa bawat pangkat. Pagkatapos magbasa at magprisenta nila halos lahat kami ay nakaramdam ng inis at lungkot sa pangyayari, naiinis dahil sa maling panghuhusga ni Aling Marta kay Andres, nalulungkot dahil sa pagkamatay ni Andres ng walang kasalanang nagawa. Magkakaroon sana kami ng pangkatang gawain ngunit ubos na ang nakatakdang oras pa sa aming talakayan kaya ito ay nagsilbing takdang aralin at ipagpapatuloy na lamang bukas.

Monday 20 January 2014

Hala ! :O

               Ngayong araw na ito ay pinahalalahanan ng aming guro ang nagsilbing gawain namin noong nakaraang biyernes (ang pagawa ng tula na may sukat at tugma) na kahit na wala man daw ang prisensya ay nandoon parin siya dahil mayroong nag-asikaso guro sa amin at ipinagawang gawain. Aming binalik aralan ang tungkol sa tulang damdamin na nagsasaad sa isang emosyon o damdamin ng isang tao. Nagbigay ang aming guro at ang iba ko pang mga kaklase ng halimbawa ng tulang pandamdamin. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kung saan gagawa ka ng isang tula at ito ay inyong pagtutulungan ng inyong mga kamiyembro upang makabuo ng isang tula. Sa aming pangkat ay maayos naman naming napagtulong-tulungan ito ngunit lumagpas kami sa oras na itinakda sa Filipino at patuloy pa rin namin itong ginawa sa oras ng sumunod sa asignatura (hala, baka magalit ang aming guto?) ngunit pahapyaw lang namin nagamit ang oras ng TLE.

Sunday 19 January 2014

Himala ? :O

               Ngayong araw na ito ay wala ako sa sarili na parang bang isang robot na kontrolado ng isang tao dahil ngayon ay laking pagtataka ko na lang ng sa bawat utos sa akin ng aking nanay ay agad ko itong sinusunod na walang pag-aalinlangan at wala man lang ano mangreaksyon. Sa sitwasyong iyon ay maghapon ganoon ang aking kalagayan ngunit ng pagkagat na ng gabi ay bigla akong nagising sa katotohanan na para bang naubusan na ng baterya o enerhiya ako. Ng gabing iyon ay laging pagtatako na para bang isang himala na gabi lang ako nakagising (bampira lang ang peg?) na walang alam sa mga nangyayari sa mga oras na iyon. Pagkatapos ay agad naman akong nagmadaling lumabas upang malibang-libang man lang at muling natulog pagkatapos maglibang.

Saturday 18 January 2014

Hoooh ! :O

               Ngayong araw na ito ay ang araw ng paglalaba ng aking nanay kaya ako magbabantay ng aking kapatid at gagawa ng gawaing bahay pero bago pa diyan ay aalis ang aking nanay at may importanteng lakad siya. At ako ay agad namang naasikaso sa bahay para magbantay at mag-alaga ng aking kapatid (magpapakabait muna ksai may inportanteng lakad ako, may kaibigan akong nais magpasama). Mga hapon ay medyo nagmamadali na ako sa pagdating ng aking nanay dahil hapon ang oras ng aking lakad (ayos ah, akala mo may trabaho na at makamadali ay sobra sobra). Ng pagdating ng aking nanay ay agad akong nagmadaling nagbihis para sa aking lakad naman (Hoooh! akala ko di nauuwi ang aking nanay).

               Sa pagdating ko sa lugar na aming pinag-usapan (Sta.Lucia) ay wala pa ito at minabuting ko munang hanapin ito sa loob ngunit ito ay wala parin. Sa aking muling pagbabalik sa labas ay nakita ko siyang palabas ngunit ako ay umihi muna saglit dahil hindi na kinakay ng pantog ko ang lamig (hoooh! sa wakas nakabawas din ng karga). Akin na itong sinundan sa labas at mabuti na lamang ay siya iyon (hoooh!  akala ko ay uuwi akong luhaan at walang napala). Nahihiya ako ng onti doon dahil sa facebook ko lang siya nakilala. Niyaya niya akong manood ng sine at agad naman akong pumayag dahil hindi pa ako nakakapanood doon simula ng ako'y bata pa. Hindi kami inabot sa itinakdang oras para sa aking gustong panoorin na pelikula, ang bride for rent. Kaya kami ay lumipat sa SM Marikina dahil doon ay maabutan pa namin ang nakatakdang oras para doon. Kami ay sumakay ng taxi para daw ay mabilis ang transportasyon mula Sta. Lucia (wow, sosyal? may pataxi-taxi pa samantalang ako dyip lang ay pwede na). Pinipilit niya akong magsalita ngunit ayaw ko talaga dahil nahihiya pa rin ako. Ng kami ay makadating sa SM ay agad kaming pumunta sa sinihan at bumili ng tiket upang hindi na maubusan ng bakante. Maayos naman namin iyon nagawa at nakabili na rin kami ng aming babaunin. Hoooh! ang sarap pala sa pakiradam nag nasa sinihan ka kaso sobrang lamig pala hindi ko kaya ng matagalan. Ang aming pinanood na pelikula ay dramang may halong komedya kaya para sa akin sulit ang bayad mo. Pagkatapos ako nagmamadali ng umuyi dahil inabot na ako ng gabi sa paglilibang. Gusto ko ng umiwi kaso pinakain niya muna ako sa Chowking at hinatid niya pa ako pauwi. Pansin ko lang sa kanyan ay habang kasama ko siya at ng kami ay papauwi na ay ang hilig niyang mantaga sa leeg ko (kakatayin na baboy lang ang peg ko?). 

               Sa aking pag-uwi ay dalawang beses akong sumakay dahil pahirapan ang pagsakay doon. Sa una kong pagsakay ay maayos naman ang aking pagbiyahe ngunit sa ikalawang pagbiyahe ay sobrang nakakainis dahil bente daw ang pamasahe at bukod pa diyan kahit na puno na ang dyip ay pilit ang pagkarga ng mga pasahero at halos nagmumukha na kaming delatang sardinas doon (hoooh! ang hirap huminga). Sa pangyayaring iyon ay inabot ako ng alas otso at pag-uwi ko sa bahay ay pumasa naman ang naimbento kong dahilan pero sa kabayaran ng gabi na ako umuwi ay kailangan kong bantayan at patulugin ang aking kapatid (hoooh! napagod din ang balikat ko sa pagbubuhat ng aking kapatid) kaya minabuti kong matulog na lang din.

Friday 17 January 2014

Agad Agad ? :O

               Ngayong araw na itoay wala ang aming guro at hindi namin alam kung bakit wala ito. Hindi ang kanyang butihing asawa ang nagmanipula sa min kundi si G. Ferrer (daw). Siya ay hindi naman namin masyadong kilala (ewan ko na lang sa iba) kaya hindi na siya nagpatumpiktumpik pa at agad na ibinigay ang nais ipagawa ng aming guro na ipinahabilin sa kanya na ilalagay sa makulay na papel. Medyo nahihirapan ako sa paggawa nito dahil kailangan daw ay may sukat at tugma (kasi eh, may basihan pa). Nakakainis nga lang kasi nasobrahan ako sa oras ng paggawa dahil naisulat ko kasi ito sa malukot na papel kaya agad agad ko ito inilipat sa makulay na papel at maging ang pagsulat at pagpasa nito.

Thursday 16 January 2014

Eto na Naman ? :'(

                Ngayong araw na ito ay aming ipinagpatuloy ang talakayan tungkol sa tulang Ang Pamana. Amin ding tinalakay kung anong teoryang nakapaloob dito at iyon ay ang Teoryang Humanismo. Bago pa diyan ay nagkaroon kami ng isang gawain sa kwaderno. Ayon sa aming guro ay may kaugnay ito sa tula. Pagkatapos ay ay mayroong binasa ang aming guro na isang liham na may koneksyon sa tula. Ang liham na iyon ay kaparehas lamang sa kantang noong huling sandali namin ng kami ay nagrecollection (eto na naman, naalala ko na naman ang mga araw na ako ay nalulumbay noong araw na iyon). Sa liham na binasa ng aming guro ay namayani sa akin ang kalungkutan dahil ayaw ko sa pagdating ng katandaan ng aking magulang sila ay inaalipusa na lamang. Amin ng ginamit ang makulay na papel na nagsilbing takdang aralin kahapon. Nabigla ako ng sabihing kami ay gagawang muli ng isang liham na naman para sa aming mga magulang. Eto na naman tayo gagawa ng isang nakakakabang liham at baka kasi isama na naman ng aming guro ang liham na iyon (malapit pa naman na ang kuhaan ng kard).

Wednesday 15 January 2014

Awts ! XP

                Ngayong araw na ito ay agad na ipinahalalahanan ng aming guro ang nagsilbing takdang aralin kahapon na patungkol sa awitin para sa nanay. Ang takdang araling iyon isang hamon na dapat ay marami kaming nakalap na kanta. Mayroon kaming nakalap na kanta kaso ay naunahan na kami ng ibang kagrupo sa paglipili sa pagkanta kaya ang agad na natanggal kami sa hamon na iyon (awts) ngunit ay mayroon sana kaming maikakanta pero ay hindi namin alam kung ano ang tono nito. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa aming talakayan at aming kinanta ang kantang Sa Ugoy ng Duyan. Sa kantang iyon ay sobrang nakakaantig talaga ang mensahe nito (napaluha pa tuloy ako ng onti ... awts). Itong kantang pala ay may pagkakahalintulad sa tulang Ang Pamana. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na tungkol sa tula. Nagbigay ulit ng takdang aralin ang aming  guro na dapat ay aming alaming muli ang Humanismo at magdala ng makukulay na papel.

Tuesday 14 January 2014

Namapa (baliktarin) ! :D

               Ngayong araw na ito, amin nang tinalakay ang tulang Ang Pamana na nagsilbing takdang aralin kahapon. Nagkaroon kami ng tunggalian tungkol sa aming tatay at nanay kung sino ba sa kanila ang mas mahalaga. Karamihan sa aming ay saludo sa nanay kaysa sa tatay. Dahil doon ay nagbahagi ang aming guro tungkol sa kanyang karanasan noong siya ay bata pa. Nainganyo akong makinig sa pagbabahagi ng aming guro dahil nakakainganyo talagang makinig doon at bukod ba riyan ay nakakaugnay ako sa kanyang kwento. Nagkaroon kami ng onting talakayan tungkol sa naggawa ng tula at ito ay binasa ng iba kong mga kaklase. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng takdang aralin na magkalap ng mga maaring awitin na may koneksyon sa nanay.

               Pag-uwi ko sa bahay ay balik sa normal na ang lahat, nagkaayos na kami ng aking nanay, tumutulong sa mga gawain, atbp. Naisip-isip ko din minsan na talagang natural na ako ay mahilig kumilos sa gawaing bahay at ito na ata ang tanging maipapamana sa akin ng aking nanay (kahit ganoon lang laking pasalamat ko na lang talaga).