Sana ! :O
Ngayong araw na ito ay napansin ng aming guro na parang naulit lang ang araw ng kanyang pagpasok kahapon (paano nakasulat pa rin ang nakasulat kahapon :">) syempre hindi mawawala ang araw nang pagbunot ng aming guro upang magbasa ng kanilang nagawang tula o sanaysay (tugudog-tugudog! sana ako na, guto ko ako na ang mabunot xD). Amin nang tinalakay ang nagsilbing takdang aralin kahapon na tungkol sa halimbawa ng rebyu na pampelikula, pangmusika, at pambabasahin at doon ay nagbasa ang ilan kung mga kaklase tungkol sa kanilang nakalap na rebyu (mustah naman sakin? ayun walang gawa xD eh kasi nakatulugan ko ... kulang kasi sa tulog -_- sana pala di na lang ako gumawa para di ako makatuog -_-). Sa talakayan na iyon ay magkakaron ulit sana kami demo ngunit ito ay ipinaglaban ng aming guro na kesyo ayaw daw niya ... wag na daw sa oras niya xD (go, ma'am! push mo yan xD pero sayang, di pumayag ang aming guro eh ... edi sana may chocolate na naman kami :D sayang talaga >.<). At doon ay may binasa ang aming guro ng isang suckseed (daw?) o pelikula na halimbawa ng aming tinatalakay at pagkatapos ay nagbigay ang aming guro ng isa pang gawain na gumawa ng isang rebyu ayon sa napanood/nabasa na pelikula/babasahin. At doon ang napili ko ay ang pelikulang Bride For Rent (wala eh, napilitan lang ako dito kasi di naman ako totally mahilig manood at magbasa eh kaya ayun >.<). Sa gawaing iyon ay susubukan ko sanang wag nang magpasa subalit nang matanto na hanggang mamaya pa ay pwede sinikap ko na tapusin na lamang at doon ay nakapasa pa ako kahit paano (kung di ko iyon ginawa edi sana wala akong gawa xD wala eh napilitan ulit :P kinukulit kasi ako ng katabi ko -_-).
No comments:
Post a Comment