Sori Na ! :D
Ngayong araw na ito ay wala kaming pasok sa kadahilanang kuhaan ngayon ng pagsusulit ng ikaapat na taon pero ako ay meron sapagkat ngayon ay ang araw ng aking kantinarya (malas nga eh! nakakainis wrong timing -_-) at doon ay hindi naniniwala ang aking nanay dahil wala ngang pasok kami tapos ako daw meron kaya ayun nagkaroon kami ng onting bangayan dahil sa hindi pagkakaintindihan at nauwi din sa matinding bangayan, nandyan ung nasagot ko siya ng di niya nagustuhan (huhuhu :'( si mama kasi ... napwersa tuloy ako, nabigla bagah! xD ay patay ... baka di ako payagan -_-). "Sori na" ang salitang pinakaiinisan ko ngayon dahil humihingi na nga ako ng tawad eh ayaw pa? (ano toh? pa chicks? xD hihihi biro lang :D) syempre para payagan nandyan ung sunod-sunod din sa mga utos at dapat maging masaya siya sa iyong ginagawa (syempre nauto ko naman si mama kaya ayun gorah na :D yes! pinayagan ako xD). Sa aking pagpunta sa aking kantinarya ay napagalitan naman ako (ano bayan -_- pati ba naman dito napapagalitan ako? hays! malulutas ko din yan :D para-paraan lang xD) at doon ay baliwa naman sa guro doon kahit na nahuli ako sa pagdating sapagkat ilang minuto lang naman eh kaso humingi naman ako ng dispensya na diyalogong "sori na po ma'am mauulit pa ito este di na pala po mauulit" kaya ayun pumayag din :D (ako pa! pusibling di pumayag yan :P). Pagkatapos ng kantinarya ay dumiretso muna kami sa aking isang kamag-aral upang magrebyu-rebyu lang para sa matematika (kabado kasi sila sa matimatika xD) at doon, ang aking ginawa lang ay naglaro ng gitara at doon ay nagpapaturo din naman :D ang kantang unang tinuro sa akin ay ang kantang Sori na at doon ay mabilis din naman akong natututo (ako pa! pusilbing di ko makabisa ko ang dali-dali lang :D).
Pag-uwi ko sa bahay ay muli akong humingi ng dispensya at doon para ako ay mapatawad na talaga ng lubusan ay kinantan ko ito ng kantang sori na (ayiie! nakakakilig talaga parang dalaga't binata lang ang peg? ay binata pala talaga :D). At doon ay napatawad na ako ng aking nanay (ako pa! pusubling di ako mapatawad ... eh ako ang nag-iisang katuwang niya eh xD).
No comments:
Post a Comment