Parbor Na Yan ! :D
Ngayong araw na ito ay nahuli na naman ng halos dalawangpung minuto ang aming guro at doon ay nanaig nanaman ang ingay ng dyamante. Pagdating ng aming guro ay na sinabi agad-agad na wala kaming talakayan ngayon dahil may iba pa daw siyang inaasikaso (parbor naman iyon sa amin sapagkat ito ang aming pagkakataon para mapaglibang :D ewan ko lang sa iba kung mag-iingay sila xD). Ngunit ito ay nagbigay ng isang gawain na may koneksyon pa rin naman sa aming talakayan at doon ay himihirit kami na magkaroon ng pagbubunot na kung sino ang magbabasa nang nagawang tula o sanaysay ngunit hindi natuloy dahil parang nagmamadali sa pagbigay ng gawain at sa pagtuturo ang aming guro (ano kaya yung minamadali niya? wala akong ideya -_-). Ito ay mas naging pabor sa amin sapagakat ang gawain na kanyang ibibigay ay madali lang naman, ang paggawa ng isang liham pangkaibigan (syempre mamadaliin namin iyon para makalibang at makapag-ingay kami xD pero ako aayusin ko :D). Sa aking nagawang liham na pangkaibigan ay hindi ko nabanggit kung sino ang aking padadaanan ng aking liham dahil nahihiya ako sa mga ipinagsusulat ko doon, mga kabaliwan lang ... basta kung ano kasi ang lumabas sa isip ko eh yun na lang ang aking isusulat :D. Kinausap ko ang aking pagbibigyan ng liham at doon ay pabor naman siya dahil buti na lang daw eh di ko nilagay ang kanyang pangalan (bawal sabihin eh :P nanay ko na kasi siya xD biro lang :D).
No comments:
Post a Comment