Pages

Monday, 10 March 2014

Basta ! :D

               Ngayong araw na ito ay agad-agad na bumunot ang aming guro kung sino ang magbabasa ng kanilang nagawang tula o sanaysay (ano bayan? may lakad ang peg? tugudog-tugudog! bilisan mo ma'am sana ako mabunot mo :D biro lang xD) at doon ay dalawang beses na bumunot ang aming guro (sayang muntik lang! sana ako na sa susunod :D). Sa pagbabasa ng pangalawang may gawa ay nagkaroon ng onting kasiyahan sa gawa nito at doon ay umiral na naman ang pagiging wild ng dyamante (huhu! ang saya grabe :D nagkamenos puntos tuloy sa markahang pagsusulit para sa ikaapat -_- hooh! grabe ang saya, hays mga baliw kasi ang dyamante daig pa ang bata pagdating sa love). At doon ay amin nang pinag-aralan ang tungkol sa aming blog sa paggawa ng rebyu na ilalagay dito at doon ay nagbigay ng isang halimbawa ang aming guro ng isang rebyung pampelikula (sana makagawa na ako -_- kasi di talaga ako mahilig manood o magbasa ng kahit ano eh -_- wawa naman ako :<). Amin nang pinagpatuloy ang talakayan tungkol dito. Pagkatapos ay nagbigay ng gawain ang aming guro. Dito ay sinubukan kong hindi gumawa dahil wala man talaga akong alam (basta di ako maka-relate! hays! basta >.<) ngunit nagbago ang aking isip dahil na rin sa aking konsensya na sayang ang puntos pag di ako gumawa :D ngunit muling nagbago ang aking isip dahil tapos na lamang ang oras na nakapalugit sa amin ay hindi pa ako tapos kaya ayun di na lang tinuloy (ano bayan sayang effort ko -_-) ngunit ng malaman kong pede pang mamaya na magpasa ay aking muling ipinagpatuloy ang aking gawa. Pagkatapos ay nagawa ko naman at napasa ko naman ng maayos ang aking (hooh! grabe na'tong utak ko ngayon pa-iba-iba -_-) ngunit ang parang mali-mali naman ata ang aking gawa eh (basta di ko alam kasi ang aking pinagsusulat doon basta kung ano na lamang ang lumabas sa aking isipan eh iyon na lang ang aking isusulat :D.

No comments:

Post a Comment