Pages

Tuesday 31 December 2013

Di Tulad ng Dati ! :(

               Ngayong araw na ito ay tapos na ang aking pagdurusa sa pagkirot ng aking ngipin kaya akin agad itong minadaling pabunutin (baka kasi bumalik pa ang kirot, magdusa na naman ako -_-). Medyo naiinis lang ako sa aking ngipin dahil sobrang pagdurusa talaga ang aking dinanas dahil hindi tulad ng dati, kapag ang ngipin ko ay kumirot gamitan ko lang ng gamot ay gagaling na (buti nga ay gumaling na ito agad bago pa man dumating ang bagong taon). Dahil doon ay galak na galak na ako sa pagdating ng bagong taon. Dati kasi ang ang paraan ng paghintay namin sa darating na bagong taon ay napaka-espesyal. Ang mga tao pa kasi noon, umaga palang ay madami ka na agad makikitang nagpapaputok dahil galak na talaga sila. Pero nawala ang aking galak ng paglabas ko pa lang sa bahay ay wala ni-isang nagpapaputok (hayss ! mas okey pa noong dati). Sobrang nalungkot ako dahil ang handa namin ngayon ang laki ng pinagbago kaysa dati. Dati, ang handa namin kahit ano pwede mong kainin pero ngayon bilang na lamang ang aming handa. Laking gulat ko ng matanto ko na nagsisi-taasan na ang mga presyo ng mga paputok kaya siguro rin walang masyadong nagpapaputok. Hindi tulad ng dati, mga 50 mo pa lang ay makakabili ka na maramihang paputok. Ang daming nagbabago habang tumatagal. Siguro malas lang talaga ang taong 2013.

Monday 30 December 2013

Balik sa Dati ! XD

                Ngayong araw na ito ay medyo masaya na ako dahil gumagaan-gaan na ang aking pagkirot ng aking ngipin at sana bukas ay mawala na ng tuluyan ang kirot nito ng saganoon  ay mapabunot ko na oramismo. Masaya naman ako kahit papaano dahil kahapon ay natupad naman na ako ay katuga ngunit panandalian lamang. Ang nakakalungkot nga lang ay balik sa dati ang sitwasyon (ako na naman ang gagawa sa gawaing bahay at mag-aalaga sa aking kapatid). Susubukan ko sanang humirit ng isa pang-pakakataon para maging katuga ulit ngunit akin itong pinigilan at baka kung ano na naman kasi ang aking kahihinatnan kapag ulitin kong muli. Sa pangyayaring iyon naging masaya naman ako sa aking mga pinaggagawa sa buhay dahil nasay na rin ako at mas mabuti na rin iyon para ng saganoon ay makapag-puyat ako kinabukasn para din sa darating na bagong taon.

Sunday 29 December 2013

Eto na, Totoo na'to ! :D

               Ngayong araw na ito ay inis pa rin ako kahaopn dahil ang pagkakaalam ko talaga ay katuga (kain,tulog,gala) lang ko. Dahil doon ay nagrebelde ako sa aking nanay. Sa pangyayaring iyon ay pinayagan na akong ng aking nanay na magkatuga ngayong araw na ito (day-off lang ang peg?). Nagkatotoo na nga na ako ay katuga ngayon. Maghapon lang akong hayahay sa bahay pero parang nakakabagok naman sa ulo na hindi ka kumikilos sa mga gawaing bahay dahil siguro na rin ay nakagawian ko nang kumikilos sa bahay kaya hindi kinakaya ng aking konsensya ang ganoong pangyayari. Kaya minabuti ko na itigil ang aking kagustuhang magkatuga at tumulong na lang muli sa king nanay sa mga gawain. 

Akala ko ! -_-

               Ngayong araw na ito ay patuloy pa rin ang pagkirot ng aking ngipin. Pero nawala rin saglit ang pagkirot nito ngunit panandalian lamang. Akala ko naman iyon ang panahon ko para makapagpabunot na ng ngipin (malas). Minsan inisip ko na ang aking ngipin habang tumatagal ay nagiging malapit na ito sa akin dahil sa tuwing ito ay kumikirot ay baliwala na ang kirot nito. Dahil doon ang tema ko ngayon ay katuga (kain,tulog,gala) na may halong paring alaga. Siguro natanto nila na kailangan kong maglibang-libang paminsan-minsan. Nagtataka ako kasi sa tuwing uuwi ako sa bahay ay may sermong nakaabang sa akin. Akala ko siguro ay katuga ako ngayon kaya hayahay lang ako. Pero mali ang aking inakala dahil limitado lang daw iyon (ang daya).  :(

Friday 27 December 2013

Si Mama Kasi Eh ! -_-

               Ngayong araw na ito ay tulad pa rin ng dati kapag nabibinat ako ay lumalala ang aking ngipin. Pero ako pa rin ang gumagawa ng gawaing bahay kasi siguro ako lang naman kasi ang maasahan nila pagdating sa gawaing bahay sa aming limang magkakapatid (bakit pa kasi naging masipag ako eh). Nang dumating ang hapon ay hindi ko na kinayang gumawa sa bahay dahil sobrang kirot na talaga ng aking ngipin na tulad din ng dati. Dahil doon ay pinagpahinga na lang ako ng aking nanay at baka daw sa sobrang sipag na iyon ay maaga daw akong mamatay (huwag naman sana). Ang pagkakaalam ko hindi dapat ako nagkakaganito ngayon kung hindi dahil kay mama kasi kahit alam niyang mayroon akong nararamdaman ay pilit niya pa rin akong pinagagalaw sa bahay. Pero kahit ganoon ay pinagbibigyan ok na lamang ang kanilang kagustuhan dahil naniniwala ako sa akasabihang ang naapi ay siyang nagwawagi. -_-

Thursday 26 December 2013

Di ko Kaya ! XD

                Ngayong araw na ito ay ang saya-saya ko dahil medyo gumaan-gaan na ang pagkirot ng aking ngipin. Ang nakalulungkot nga lang ay ngayon naman ang araw ng paglalaba ng aking nanay kaya isasabak naman ako sa giyera. Syemrpre tulad ng dati ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay kapag naglalaba ang aking nanay (sana hindi ako mabinat ngayon para naman hindi kumirot ng malala ang aking ngipin, hindi ko kaya eh ) :(

Wednesday 25 December 2013

Ang Saya Diba ? -_-

               Ngayong araw na itoay patuloy pa rin ang pagkirot ng aking ngipin at bukod pa diyan ay mas lumala pa ang pagkirot nito. Dahil doon ay para akong lantang gulay na nakahilata sa bahay buong magdamag dahil hindi ko na rin tagala kinakaya ang sobrang kirot ng aking ngipin at para bang kinukulam ako dahil parang hindi tama ang pagkirot ng aking ngipin. Ang malas ko man tagala dahil ngayon ay araw ng pasko na kung saan ay anghihingi ka ng aginaldo sa inyong mga ninong at ninang. Rinig ko mula sa labas ng aming bahay na ang lahat ng mga batang namamasko ay ubod ng ligaya. Ngunit sa akin  ay kabaliktaran, hindi ko man tagala ramdam ang pasko dahil na nagdidiluryo ako ngayon sa aking ngipin. Kung pwede nga lang masuhin,araruhin,lagyan ng granada ang ngipin kong ito kanina ko pa ginawa para lang maging maligaya ako ngayong pasko. -_-

Tuesday 24 December 2013

Ang Sarap ng Bawal ! :D

               Ngayong araw na ito ay patuloy pa rin ang pagkirot ng aking ngipin at ramdam ko na hindi umaapekto ang gamot na aking iniinom. Laking gulat ko pa nga nang maranasan ko na kapag kakain ako ay hindi ko man ramdam ang kirot ng aking ngipin dahil ang pagkakaalam ko kapag masakit/kumikirot ang ngipin ng isang tao ay mahihirapan ito sa pagkain. Ngunit sa akin ay kabaliktaran, biglang nawawala ang kirot nito at para bang isang himala ito kaya ang mabuting aking ginawa para hindi ito kirot ng kirot ay ngata naman ako ng ngata ng pagkain nang saganoon ay hindi na lubusang kumirot ito. Pero sa tuwing ititigil ang pagngata nga ilang minuto ay uling babalik ang kirot nito. At sa tingin ko naman ay limitado lang siguro ang pagtigil nito.

               Ang akala ko ay hindi matutuloy ang paggala namin ng aking tito nang dahil lang sa kirot ng aking ngipin. Ngunit ngayon ay ang saya-saya ko dahil pwede kong makontrol ang pagkirot ng aking ngipin sa simpleng pagngata lang ng pagkain kaya ang aming paggala ay matutuloy na. Dahil din doon ay makakain na ulit ako ng maramihang pagkain. Alam kong bawal ako masobrahan sa pagkain dahil kahit papaano  ay masakit pa rin ang aking ngipin pero ang sarap kasi eh, kaya kain lang. Kami ng aking tito ay nagpunta sa Bazaar para mamili ng mga regalo para sa kanyang mga inaanak sa darating na kapaskuhan at tutal kasama na niya ako ay nagpasabay na ako ng aking regalo. 

Monday 23 December 2013

Hapdi at Kirot ang Sinapit ko Ngayon ... :'(

               Ngayong araw na ito, ako ay sobrang nalulumbay sa aking karamdaman nang dahil lang sa kirot ng aking ngipin. Siguro epekto ito sa dami kong pinagkakain kahapon. Sa pangyayaring ito para akong isang bata na kailangan pang-ala-alagaan ng dahil lang sa ngipin. Ayoko naman nang ganoong sitwasyon kaya pilit kong kumikilos sa bahay at wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin. Syempre para naman sa ikabubuti ko ay umiinom naman ako ng gamot. Napakalungkot ko ngayon dahil hindi ako nakakalabas nang bahay pero malaking tulong pa rin ito sa sakin dahil kahit papaano ay nakakatulong pa rin ako sa bahay.

Sunday 22 December 2013

Doble-doble ang Peg ? XD

               Ngayong araw na ito, ako ay pagod na pagod sa mga pa-doble-dobleng pag-utos sa akin ng aking nanay dahil doon ay bilang pabuya sa ginawa ko ay binigyan ako ng aking nanay na tinatawag na christmas chip na sa SM mo lang maaring bilhin. Dali-dali akong sa pagbili doon sa SM dahil ngayon ay magsisimba kami ng aking tito (ang saya kasi doble-doble ding gala ko ngayon). Pagkatapos kong mamili ay bumili ako ng pagkain sa mcdo dahil nagugutom na rin ako. Ngunit natagalan ako sa pagbili sa SM sa kakamadali dahil hindi ko na din alam kung ano ang bibilhin ko. Pagdating ko sa bahay ay biglang nagsabi ang aking nanay na nauna na ang aking tito dahil nainip na daw siya kakahintay at baka daw ay mahuli daw siya sa pagsimba. Ako ay dali-dali agad na umalis sa bahay para sumunod sa kanya. Pagadating ko sa simbahan ay patapos na ang misa kaya minabuti ko na lang na maghintay sa labas nito. Pagkatapos ng pagsimba, kami ay kumain naman ng aking tito sa food court. At doon at tiba-tiba ako sa pagkain dahil doble-doble ang aking pagkain. Ako ay pagod na pagod sa kakakain kaya minabuti ko na lang din na magpahinga muna. Kami ay bumili din ng bago kung bag at bumuli ng pagkain sa grocery.

               Pagka-uwi ko naman sa bahay ay doble-dobleng sermon ang aking natamo sa aking nanay dahil daw sa kapal ng mukha ko sa aking tito sa tuwing gagala o kaya may pupuntahan kami (syempre madaling mauto si tito). xD 

Saturday 21 December 2013

Dapat Hinidi ko na lang Ginawa ! :'(

               Ngayong araw na ito ay ganoon parin ang aking sitwasyon, tambak na naman ako ng gawaing bahay at ngayon din ipagapapatuloy ng aking nanay ang kanyang paglalaba. Dahil doon ako ay nagrebelde para makagala man lang dahil mayroon akong kukuning gamit sa aking kaklase. Hapon na ako nakaalis sa bahay, natagalan ako dahil ayaw pa kasi akong payagan pero nang tumagal ay pumayag din. Pumunta na ako sa aking kaklase at ang sabi niya sa text ay abangan ko na lang siya sa rentahan ng kompyuter at naghintay naman ako. Sa aking paghihitay, ako ay nainip kaya naglaro muna ako saglit. Ako ay lubusang nagtataka dahil alas kwatro na ay wala pa rin siya. At laking inis ko naman ng malaman kong siya pala ay tulog ng mga oras na iyon. Nagparaya ako ng malaan ko iyon kaya naghintay pa rin ako ngunit nainip at nainis na ako kaya lubusan ko nang iniwan ito. Dahil doon ay laking sisi ko naman sa aking sarili dahil nagawa ko pang-awayin ang aking nanay para lang puntahan siya.

               Pag-uwi ko sa bahay ay dali-dali akong humingi ng tawad sa aking nanay dahil sa pangyayaring iyon na hindi katanggap-tanggap. Ngayon natutunan ko na mas bigyan ng importansya ang iyong magulang kaysa sa iba. Dahil ang ating magulang lamang ang nakaka-unawa sa atin kapagka-mayroon tayong pagkakamali.

Friday 20 December 2013

Ayokong Magbakasyon ! :'(

                Ngayong araw na ito, ay tambak agad ako ng gawain sa bahay dahil ngayon ay maglalaba ang aking nanay. Ngunit nang tumagal ay tinamaan agad siya ng katamaran sa paglalaba dahil daw ay biglang sumakit ang kanyang ulo at napagpasyahan niya na ipagpabukas na lamang ito. Dahil doon nagpahinga muna ako dahil tulad niya ay may ginagawa din ako sa gawaing bahay. Pagdating ng hapon ay nagpasama ang aking nanay na bumili ng durabox namin. Habang namimili kami ay tulala lang ako dahil nanibago ako na parang hindi  ako sanay na walang pasok (ang sipag ko no?). Malungkot kasi ang buhay ko pagwalang pasok at sayang din kasi yong baon (kung puwede nga lang habang buhay na may pasok eh, edi masaya!) :D

Thursday 19 December 2013

Sabi Ko Na Nga ! -_-

               Ngayong araw na ito, ang pasko ng pagdiriwang ng buong klase at ito na  ang huling kita-kita namin sa taong 2013 kung sakaling  maulit ay 2014 na. Sa araw na ito ay nangako ako sa aking sarili na subukan ko munang tumahimik ng isang araw at hindi ko alam kung bakit. Habang papasok na ako sa aming paaralan ay nagtataka ang iba kung mga kaklase na kung bakit ang supla-suplado ko ngayon. Ang hindi lang nila alam na may dapat akong tuparin. Ngunit hindi ko talaga kayang maging tahimik kung magagawa ko man ay isang himala na iyon. Kaya habang hindi pa nagsisimula ang pagdiriwang ay ang daldal ko na. At sabi ko na sa sarili ko na hindi ko talaga kayang pigilan ang aking kultura.

               Sa umpisang palaro ay sobrang ganado ako ngunit nang tumagal ay tinamaan na ako ng katamaran dahil ang iba sa amin ay nasa labas pagala-gala at wala namang paki-alam sa palaro kaya ang ginawa ko ay naglaro na lamang ako laro sa selpon. At habang naglalaro ako ay nakaramdam ako ng katahimikan na para bang himala na naging tahimik ako. Dahil doon ay ako ang naging pinakamataas na puntos na larong Block'D. Sabi ko na nga na hindi magiging masaya ang araw na ito dahil ang iba nga ay wala nang kooperasyon. Pagkatapos kami ay nagpalitan na ng mga regalo. Bago mag-umpisa ang pagkain namin sila ay nagkaroon ng onting presentasyon sa pagsayaw at pagkanta. Pagkatapos din naming kumain ay pasimpleng tumakas kami ng iba kong kaklase upang libot-libot muna.

Wednesday 18 December 2013

May Talakayan Ba ?

               Ngayong araw na ito, ang pagpapatuloy ng aming presetasyon sa pagkanta. Ang aming guro na lamang ang tagahatol sa amin ngunit ang aming gurong tagapayo naman ay nakikinood naman sa mga magpepresenta ngayon. Lahat naman ay nagkapagpresenta ng maayos. Namangha ako sa pagpresenta ni ng isa kong kamag-aral dahil ang lupit niya pala sa larangan ng instrumento.

               Ang talakayan ng bawat asignatura ay nakahati sa tig-kakalahating oras sa kadahilanang may programa ngayon para sa "Manbugan NHS Idol" kaya ang iba sa amin ay hindi na masyadong nakikinig dahil ang dahilan nila ay wala naman talagang talakayan ngayong araw na ito. Pagkatapos ay sinabi na ng aming guro kung sino ang nanalo sa presentasyon kahapon at iyon puro sa pangkat apat.

Tuesday 17 December 2013

Biglaan, Nagmadali Tuloy !

               Ngayong araw na ito, ang aming pangkat ay laking gulat nang malamang ngayon ang presentasyon namin sa pagsaway,pagkanta at pagtula kaya kami ay dali-daling nagbuo ng aming magiging presentasyon. Salamat na lang ay nakapagpraktis kami bago mag-Filipino dahil ang ibang guro namin ay nagbigay sa ng mga ilang oras para kami ay makapagpraktis. Ang aming naging tagahatol sa aming naihandang presentasyon ay sina Gng. Velasco, Bb. Cabrera at pati ang aming guro. Mediyo knakabahan kami sa pagpresenta at di namin alam kung sino ang dapat mauna kaya para patas ang laban ay idadaan na lamang sa bunotan. Kami ay pangatlo sa magpepresenta. Lahat naman kami ay nakapagpresenta ng maayos. Ang buong talakayan ay nakalaan lamang sa aming presentasyon tungkol sa mga natatanging talento namin sa pagsaway,pag-awit at pagtula. Ngunit nabitin ang pagtatanghal ng pagkanta.

Monday 16 December 2013

Laking Tanong ??? XD

               Ngayong araw na ito, nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro tungkol sa pinanood namin kahapon at laking tanong ko sa aking sarili kong anong koneksyon nito sa aming tatalakayin ngayon dahil tapos na kami sa lahat ng akda. Dahil doon ay binigyang halaga ng aming guro kung ano nga ba ang koneksiyon nito at ito daw ay may kaugnayan sa aming bagong tatalakayin na pagbuod ng isang kwento. Aming binalikan ang buod ng akdang Sa Pula, Sa Puti na binasa naman ng isa naming kamag-aral at nagkaroon ng katanungan tungkol sa pagbubuod. Sinabi naman sa aming ng aming guro kung ano ang ibig sabihin ng buod. Ang pagbubuod ay pagpapaikli ng isang mahabang kwento o tekstong binasa na hindi mababago/babaguhin ang mensahe. Nagkaroon ng isang pag-uunawa kung ito ay nararapat na ipaloob sa buod pati na rin ang mga hakbang para mabuod mo ang isang kwento. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol dito.

Sunday 15 December 2013

Mabait Kasi ! (Sa Bahay)

               Ngayong araw na ito ay ang oras ng aking nanay para sa paglalaba at ako naman ay para magbatay ng aking nakababatang kapatid na babae. Ako ay hindi muna pinaglalaro ng kompyuter dahil maghapon daw akong magabantay at ako ay sobrang natutuwa na may halong inis. Natutuwa dahil kahit papaano ay hindi ako pinagalitan kahapon dahil maghapon akong wala sa bahay sa kadahilanang PPG(Praktis-Programa-Gala). Naiinis onti dahil di muna ako makakapagkompyuter para makapag-"update". 


Saturday 14 December 2013

PPG (Praktis-Programa-Gala) XD

               Ngayong araw na ito, ako ay maagang umalis sa bahay dahil kami ay mayroong isang pagpupulong tungkol sa pangkatan sa Ingles. Kami ay magpapraktis sana subalit ang iba sa amin ay gahol sa oras dahil ang iba daw ay may gagawin pa (lalo na ako) at kami ay itinalaga na lamang ng aming lider kung ano ang aming gaganapin.               

               Ako ay pumunta naman sa pasko ng pagdiriwang ng aking tito sa Ponderosa upang makikain, makapanood at makisaya dahil ako ay naimbitahan nito. Napakasaya doon kasi kapagkabibili ka ay puwede mong gamit ang tinatawag na "chip" para makabili at sakto marami siya noon (tag-busog tuloy). Pagkatapos ay nagkaroon ng pabingo at ng pa-promo. Ang huli ay nagkaroon ng programa na nagpapakita ng kani-kanilang mga talento tulad ng pagsayaw at pagkanta. Mediyo nayayamot ako sa mga kumakanta dahil di ko talagang hilig ito at lalo na dahil nakakaantok. Namunbalik ang aking sigla ng nagpakita ng mga talento ang mga mananayaw. Ang lupit talaga nilang sumayaw at pati tuloy ako ay napapasabay sa kanilang pagsayaw.               

               Pagkatapos ng pasko ng pagdiriwang nila tito ay kami naman ay pumunta sa River Bank upang maggala at bumili ng aking bagong damit pati na rin sa magiging regalo ko sa aking kamag-aral sa gaganaping pasko ng pagdiriwang namin. Natagalan kami sa pagbili ng regalo sa aking kamag-aral dahil hindi ko alam ang panlasa ng isang babae kaya "stuff toys" na lang ang aking napili.


Friday 13 December 2013

Ayos Nakasingit Pa ? LOL XD

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang aming talakayan sa pagbabalik-aral sa akdang Kinagisnang Balon. Nagtanong ang aming guro kong sino sa amin ang nagnais na mangarap na magtagumpay at halos lahat naman sa amin ng nagtaas ng kamay. Nagulat ako ng pinagtuunan ako ng pansin ng aming guro sa kadahilanang hindi niya ako nakita ng nagtaas ng kami at ang sabi ko ay nauna lang ako magtaas at magbaba ng kamay. Dahil doon nakasingit (segway) na naman ang aming guro tungkol sa aking blog at ang sabi ay basahin ko daw ung komento niya. Nagkaroon naman ng katanungan ang aming guro tungkol sa gusto naming kuning trabaho o kurso. Dahil din doon ay amin ng ginamit ang makukulay na papel na kung saan gagawa kami ng isang sanaysay o salaysay. Maaga akong natapos sa paggawa at gusto ko pa sanang dagdagan ang aking gawa ngunit wala nang oras para dagdagan pa ito. 

UWIAN NA !

               Pagdating ko sa bahay ay pagod ang aking naramdaman kaya natulog muna ako. Mga alas kuwatro ako nakagising kaya nagmadali na rin ako naglaro para basahin ang komento sa akin ng aking guro at nalaman ko na may mali sa aking pangungusap. Pagkatapos ay umuwi na ako para kumain at matulog.

Thursday 12 December 2013

Baguhin Ang Tradisyon ! (Ang Drama Ko Dito) :">

               Ngayong araw na ito, bago magpatuloy ang nabiting pag-uulat kahapon ay nagtanong ang aming guro kung sino sa amin ang may alagang pusa at para daw may kalaro ang kanyang aso basta daw pogi ung pusa. Habang iniwawasto ang aming gawa ay nakasingit ang aming guro ng isang flitop tungkol kay Omandac dahil siya ay nag-iingay. Natanto ko mula sa akda na hindi ka magtatagumpay kung ika'y mayroong nananaig na galit sa iyong mahal na magulang. Masasabi kong ako ay kasingtulad ni Narsing dahil sa ayaw ko ding manahin ang marangal na trabaho ng aking ama. Ngunit ayaw kong matulad sa nangyari kay Narsing na bandang huli ay minana parin niya bagkus aking babaguhin ang tradisyon ng aking ama at aking  bibigayan ng isang maganda buhay ang aking magulang. Sinabi ng aming guro kong anong Teoryang nakapaloob dito at iyon ay ang Teoryang Dekunstruksyon. Nagkaroon ng onting pagbabahagi ang aming guro tungkol sa kanyang buhay. Pagkatapos ay pinagdadala kami ng makukulay na papel para bukas.

Wednesday 11 December 2013

Pamanang Hindi Matatanggihan ! :)

                Ngayon araw na ito, nagsimula ang talakayan sa patatanong ng aming guro kung sino na ang nakakita ng balon na kung tawagin dahil ito ay may kaugnayan sa aming bagong tatalakayang akdang Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz. Base parin sa akda nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro upang mas lalong naming maunawaan ang akda at ito ay iuulat ng pangkat 3. Ayon sa hatol ng aming guro sa pag-uulat ng pangkat 3 ay mali daw ang pagbubuod nila dahil binasa lamang nila ang buong kwento ng akda. Sa galit ng aming guro ay siya na lamang ang nagbuod ng tama. Dahil doon, natanto ko ang nais iparating ng akda na mahirap maghanap ng trabaho kapag ika'y mahirap lamang at higit sa lahat hindi mo maaaring talikuran ang inyong kinagisnan. Pagkatapos ay aming sinagutan na ang ginawa namin noong lunes. Sa gawaing iyon ay nainis ang aming guro sa kadahilanang mahina daw kami makaunawa. At nagkaroon pangkatan ngunit ang pag-uulat ay nabitin dahil kinulang kami sa oras.


Tuesday 10 December 2013

Minadali ang Oras eh ! XD

               Ngayong araw na ito ay pumasok na ang aming guro at kanyang itinanong kong ano ang ginawa namin kahapon. Medyo naguguluhan ang aming guro kung ikakansela ba ang klase o hindi dahil ngayon ang kaarawan ng aming punong gurong si G. Beltran at dahil doon ay kakaonti lang ang oras para sa aming talakayan kaya kanya na lang idinaan sa pag-uusap tungkol sa aming blog. Pagkatapos ay sinabi ng aming guro na bago dumating ang aming "christmas party" ay magbibigay kami ng iba't ibang mga talento na tungkol Filipino lamang.

Monday 9 December 2013

Na Naman ? XD

               Ngayong araw na ito ay wala na naman ang aming guro at hindi na naman namin alam kong bakit wala siya. Siyempre at nandiyan na naman ang mabutihing asawa ng aming guro upang magturo sa amin pero sabi daw ng aming guro sa kanya ay gawin lang ang nakapaskil sa pisara na gawain ng meron kaming magawa kahit papaano. Ang tungkol sa gawain na aming ginawa ay tungkol sa aming bagong tatalakayan na akda, ang Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz. Pagkatapos habang gumagawa kami ng gawain, ang iba sa amin ay halos maiingay sa kanya kanyang mga katabi, ang iba pa nga ay naglalaro.

Sunday 8 December 2013

Sa Wakas, Malaya na Din ! XD

                Ngayong araw na ito ay ang araw ko naman para makabawi-bawi man lang ako sa paglilibang dahil na rin sa pangyayari kahapon na para bang nakakulong ako sa hawla. Nagsimba kami ng aking tito mga bandang hapon para gumaan-gaan man lang ang aking pakiramdam. Bago pa iyon ay naglaro muna ako sa rentahan ng kompyuter upang malibang-libang muna saglit. Pagkatapos namin magsimba, syempre ay hindi mawawala ang gala at kami ay nagpunta sa Sta.Lucia at doon ay naglibang-libang din ako naglaro, kumain, tumambay, nanood atbp. Ang saya pala sa pakiramdam na maging malaya ka sa mga gawaing bahay.

Saturday 7 December 2013

Kalayaan ! XP

               Ngayong araw na ito ay ang araw ng paglaba ng aking nanay kaya ang ibig sabihin lang naman ay ako ang gagawa ng ibang gawain sa bahay at mag-aalaga sa aking kapatid (syempre ako lang kasi ang natatanging katuwang ng aking pinakamamahal kong nanay kahit na minsa ay nag-aaway kami). Medyo naiinis lang ako ng konti dahil buong maghapon akong nagbatay sa aking kapatid ni-makahakbang sa may pinto ay hindi ko man lang nagawa at para bang kinulong ako sa isang hawla. :'(

Friday 6 December 2013

Kaka-Onti Lang :'(

               Ngayong araw na ito, aming tinalakay muli ang naiwang tanong kahapon na nagsasabing si Fely ba ay nagtagumpay. Nabitin ang talakayan ng may ng anunsiyo tungkol sa pagdalaw sa kulangan upang bigyan aliw ang mga tao doon sa pamamagitan ng mga natatanging talento nila. Nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro para sa mga kababaihan lamang. Pagkatapos ay ginamit na namin ang makukulay na papel na kung saan gagawa ka ng isang sanaysay. Nahati sa dalawa ang tema sa mga kalalakihan ay kung paano rerespetuhin ang mga kababaihan at sa mga kababaihan naman ay kung paano papaunlarin ang kanilang sarili. Habang isinusulat ko ang aking sanaysay ay wala akong mediyong maisip kaya kakaonti lang ang aking nagawa.

UWIAN NA ! 

               Ako ay sobrang naiinis sa bahay dahil kakaonti lang ang aking oras para makapaglibang. Aalis kasi sila mama at papa kaya ako ang magbabantay sa aking mga kapatid buti na pinayagan pa ako para magkapag blog at sigurado di na ako makakalabas niyan.

Thursday 5 December 2013

Bakit Ganoon ? :'(

               Ngayong araw na ito, aming pinagpatuloy ang nagsilbing takdang aralin na pangkatan kahapon. Ang paraan ng pagprisenta ng bawat pangkat  ay pagtatanghal. Naging masaya ang pag-uulat ng bawat pangkat ngunit pagdating sa aming ay medyo komplikado dahil na din ay hindi pa ang aming pangkat. Bakit kaya gaoon, lagi kaming kulelat. Siguro malas lang talalga ang aming pangkat (Hay! hayaan mo na nga ). Pagkatapos ay pinagdadala kami ng aming guro ng makukulay na papel para bukas.

UWIAN NA ! 

               Ako ay pumunta sa bahay ng aking kaibagan upang malaman ko ang kanilang bahay ( gala kasi ako ). Napakasaya ng araw ko ng makapunta ako sa bahay nila dahil napakatamik kaysa sa aming bahay.Ngunit ng ako ay naka-uwi na sa bahay ay pinagalitan ako at naisip-isip ko lang bakit kaya ganoon, mas masaya pangtumira sa di mo bahay.

Wednesday 4 December 2013

Gawain, Pangkatan, Takdang Aralin Nagsama ?

               Ngayong araw na ito, nahuli ang aming guro ng 10 minuto dahil sa marami daw siyang ginagawa. Kasunod nito ay pinasa na namin ang nagsilbing takdang aralin kahapon na mga larawan ng mga kababaihan na nagtagumpay. Bumunot ng ilang mga larawan ang aming guro na kung saan bibigyan mo ito ng patunay kung paano siya naging matagumpay. Amin ding binalik aralan ang tungkol sa akdang Banyaga at tinalakay din namin kong bakit nga ba Teoyang Feminismo ang nakapaloob dito. Ayon sa Teoryang Feminismo ito ay tumatalakay sa pagkamit ng pagbabago sa pangunahing tauhang babae sa akda. Nagkaroon naman ng ilang mga katanungan ang aming guro kung ang sinasabi sa pahayag ay banyaga o hindi banyaga si Fely. Pagakatapos ay meron kaming gawain na naging pangkatan at di nagtagal ay naging takda aralin naman. Siyempre kaya pinatakdang aralin ito para daw ay mas maayos at maganda ang prisentasyon ng bawat pangkat.

Tuesday 3 December 2013

Ohhhhhh Ba-kit Nga Baaaaaaa !?

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang talakayan tungkol sa aming blog. Amin ding pinagpatuloy ang talakayan sa akdang Banyaga at pinagaptuloy din nain ang hindi natapos na gawain kahapon. Sa gawaing iyon, meron itong kasunod pang sagutan at amin itong sinagutan. Habang nagpapatuloy ang pagwawasto sa aming mga gawa ay nagaroon ng onting kasiyahan sa klase at halos ikinasaya namin iyon. Minsan naglalaro sa isipan ko na sa tuwing magtuturo ang aming guro ako bakit nga ba siya sayang-saya siya sa amin. At ang sabi niya hindi daw siya nagpapatawa ngunit bakit siya masaya (ang gulo no?). Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro kung ano ang patunay namin na ang akda ay Teoryang Feminismo.


UWIAN NA !

               Aking agad ipinaimprenta ang nasabing takdang aralin para bawas trabaho sa bahay dahil pagdating-dating ko pa lamang sa bahay ay puro gawain pambahay ang aking ginagawa pero habang ginawaga ko iyon ay parang wala ako sa sarili na para bang napipilitan lang ako. Oh, bakit nga ba ganoon ang pakiramdam ko pero ang sarap sa pakiramdam, may halong pagod nga lang.
               

Monday 2 December 2013

Nilipad ng Hangin ! XD

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang talakayan sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga sikat larawan ng babae sa pisara na kung saan kailangan mong ibigay kong anong katagian ang nagustuhan mo sa kanila dahil ito ay may koneksiyon din sa aming tatalakayin ngayon na akdang Banyaga ni Liwayway Arceo. Pagkatapos ay binasa ng isa kong kamag-aral ang akdang ito, halos lahat kami ay napatahimik na para bang nilipad ng hangin ang aming isipan kaya ng nagtanong guro ay nagpanganga siya dahil ni isa ay walang nagsasagot, meron man ngunit malayo ang sagot sa katanungan.

UWIAN NA !

               Ako ay niyaya ng aking mga kaibigan na pumunta sa Antipolo upang mag-interbiyu doon para daw sa kanilang proyekto. Pagkatapos naming mag-interbiyu kami ay kumain at naggala-gala. Napakasaya ko ngayon dahil nakagala na ulit ako. Ngunit ng kami ay papa-uwi na ako ay sobra ko ng tahimik at hindi ko rin alam kong bakit gano'n. At ng kami ay nakasakay na, sobrang tamlay ko at para bang nilipad na naman ng hangin ang isipan ko. Pagka-uwi ko sa bahay, ako ay pinagalitan ng aking magulang.

Sunday 1 December 2013

Maaga, agaaM ? XD

               Ngayong araw na ito ay maaga akong ginising ng aking nanay dahil siya daw ay maglalaba ng  maaga ng saganoon daw ay maaga daw siyang matapos at para daw makapagsimba kami ng aking tito ng maaga. Maaga ngang natapos ang aking nanay. Dahil doon ay maaga din kaming nakapagsimba ng aking tito. Pagkatapos kami muna ay naggala para bumili ng pasalubong para kila mama. Maaga din naman kaming nakauwi mga (mga alas-diyes). Pagkauwi ko sa bahay ay maaga din akong pinag alaga ng aking kapatid. -_-

Friday 29 November 2013

ABA, Ang Butihing Asawa ! XD

               Ngayong araw na ito, wala ang aming guro at hindi nain alam kung bakit wala ito ngunit buti na lamang at nandiyan ang kanyang butihing asawa para magturo sa amin (kahit papaano). Ang tinalakay namin ngayon ay halos parehas lang sa itinalakay namin kahapon. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pagsulat sa makulay na papel na nakapaloob dito ay ang nagustuhan at hindi nagustugan mong pangyayari sa akda at gagawan mo din ng sarili ong reaksiyon at bisang pangkaisipan at pandamdamin.

Thursday 28 November 2013

Teka, Puro mga Tanong ata Ngayon Ha !?

               Ngayong araw na ito, aming binalik aralan ang patungkol sa akdang Sinag sa Karimlan. Tinanong ng aming guro kung ano sa mga sitwasiyon na nakapaloob sa akda makatotohanan, nagbiagy naman ang ilan kong ga kaklase tungkol dito. Tinanong din kung anong genre ang nakapaloob dito at iyon ay ang dulang pansuliranin . Ayon sa dulang pansuliranin ito ay tumatalakay sa problemang panlipunan na kung saan nakapaloob dito ang Teoryang Sosyolohikal. Nagkaroon ng ilang mga katanongan ulit ang ming guro tungkol sa isyung panlipunan. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatan.

Wednesday 27 November 2013

Walang Biswal ? :">

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang talakayan sa pagbabalik aral sa antas ng wika at sa akdang Sinag sa Karimlan. Pagkatapos nagtanong ang aming guro kung anong isyu ang nakapaloob dito at iyon ay ang isyung panlipunan at dahil diyan ay nagkaroon kami ng pangkatan. Nakakainis ang aming grupo dahil ubos na lamang ang oras ay wala pangnaisusulat sa biswal dahil na rin ay puro daldalan at harutan lang sila.

Tuesday 26 November 2013

Tamang Pagbati !

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang aming klase sa pangsesermon ng aming guro tungkol sa tamang pagbati dahil sa tuwing siya daw ay papasok ay malumanay at di aayos ang aming pagabati. Ngayon ang araw ng aming pag-uulat sa akdang Sinag sa Karimlan. Bago magpatuloy ang aming pag-uulat sa akda ay nagtuon muna kami ng pansin sa salitang "bilanggo" at nagtanong naman ang aming guro kung sino sa kaibigan mo ang maihahalintulad mo kay Tony. Nagbigay naman sila ng kani-kanilang haka-haka. Pagkatapos nagkaroon kami ng takdang aralin tungkol sa tauhan sa akda.

Friday 22 November 2013

Salang Pagpatay !

               Ngayong araw na ito, aming sinimulan ang talakayan sa pag-uulat ng aming takdang aralin na slogan na tungol sa nararapat na kamkamin ng tauhan sa akda. Kami ay nagkaroon ng pagsusulit na nakapaloob dito at nagtatalo kami dahil si Tata Selo daw ay isang antagonista. Dahil doon ipinaliwanag ng aming guro kung ano ang tunay na nangyari. Pagkatapos nalaman ko na si Tata Selo pala ang itinuturing na antagonista dahil sa salang pagpatay niya kay Kabesang Tano.

Thursday 21 November 2013

Nagamadali ? :(

               Ngayong araw na ito, binalik aralan namin ang tungkol sa akdang Tata Selo. Amin naman tinalakay ang teoryang na kapaloob dito at iyon ay ang Teoryang Dekonstruksyon. Ipinapakita sa teoryang ito na nababago ang inyong unang pananaw kapag na nalaman mo na ang tunay na nangyari sa akda. Pagatapos ay binigyan kami ng aming guro ng takdang aralin upang gumawa ng isang slogan patungkol sa akda. Nakalulungkot nga lang dahil nagmamadali ang aming guro sa pagturo dahil na rin 35 na minuto lamang ang aming talakayan.

Wednesday 20 November 2013

Ang Katotohanan !

               Nagyong araw na ito, binalik aralan namin ang patungkol sa akdang Tata Selo. Tinanong ng aming guro kung ano nga ba ang ibig sabihin ng huling linya sinsabi ni Tata Selo na "kinuha na nila ang lahat". Pagakatapos ay nagkaroon kami ng pangkatan at tinalakay din namin kung bakit nga ba pinatay ni Tata Selo si Kabesang Tano. Ang dahilan pala ng pagpatay niya kay Kabesang Tano ay sa kadahilanang panggagahasa nito kay Saling. Sa bandang huli ng linya natanto din namin na parang may kakaibang nangyari sa pagitan nila Saling at ng Alkalde na ganoon din pala ang ginawa ng Alkalde kay Saling.

Tuesday 19 November 2013

Ang Tahimik ? ( May Prinsipal Kasi ! )

               Nagyong araw na ito, nagsimula ang aming talakayan sa pagtatanong ng aming  guro patungkol sa linyang "Walang alipin kung walang magpapaalipin". Nagbahagi ang aming guro ng mga bagong salita na Amba para sa Lolo at Popo naman para sa Lola. Ngayon ang pag-uulat ng pangkat 4 sa akdang Tata Selo ni Rogelio Sikat na ginawa nilang isang duladulaan at ngayon din ang obserbasiyon ng Prinsipal sa aming guro at halos lahat sa amin ay ang tahimik. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatan.

Monday 18 November 2013

Karapatan ang Dapat ! :)

               Ngayong araw na ito, pinagpatuloy namin ang hindi natapos na pangkatang gawain ng nakaraang biyernes. Aming tinalakay ang patungkol sa karapatang pambata na nagsilbing takdang aralin. Nagtanong ang aming guro kung ano ang karapatan na natamasa at di natamasa ni Adong at halos lahat naman ay di natamasa ni Adong bilang isang bata. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pasulat tungkol sa mga karapatan ng hindi natamasa namin bilang isang bata.

Friday 15 November 2013

Namatay naman pala ! :)

               Ngayong araw na ito, nagbalik aral kami patungkol sa Mabangis na Lungsod at pati ang Teoryang Naturalismo na kapakaloob sa akda. Nagtanong ang aming guro kung namatay ba o hinimatay si Adong. Ang aking kasagutan ay namatay dahil sa huling sa kuwento sa akda malalaman mo na agad na ito ay namatay dahil na rin sa salitang kapayapaan. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain at binigyan kami ng takdang aralin na magkaroon ng kopya patungol sa Karapatang Pambata.

Thursday 14 November 2013

Basa Basa Din Pag May Time !

               Ngayong araw na ito, aming tinalakay ang teoryang nakapaloob sa akdang Mabangis na Lungsod, ang Teoryang Naturalismo. Nagkaroon kami ng pangkatang gawain hinggil sa mga panutong iniatas sa amin ng aming guro. Medyo komplikado ang pag-uulat ng pangkat 3  dahil hindi nila sinunod ang panuto ngunit kanila itong ipinaglaban. Nagkaroon naman kami ng takdang aralin na kung saan kailangan alamin kung namatay ba o hinimatay ba si Adong.

Wednesday 13 November 2013

Pera Noon, Mahalaga ? Wow !

               Ngayong araw na ito, ang aming guro ay nahuli sa pagdating kaya kakaunti na lamang ang natitirang oras para sa aming talakayan. Nagbigay na lamang ang aming ng pagsusulit tungkol sa malalalim na parirala upang lubos naming maunawaan ang patungkol sa akdang Mabangis na Lungsod. Pinaliwanag din ng aming guro ang kahalagahan ng pera noon na ni sentimos mismo ay mahalaga pa noon.

Tuesday 12 November 2013

Pinagsusuntok daw ? :)))

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang aming talakayan sa pagtatanong ni Gng. Mixto kung sino na ang nakapunta na sa Maynila dahil ito may koneksiyon sa akdang Mabangis na Lungsod partikular na sa Quiapo. Umalis ang aming guro saglit dahil ito ay ipinatawag ngunit may iniwan siyang gawain na kung saan lahat ng nakaguhit ay makikita lamang sa Quiapo, Maynila. Pagbalik niya ay iniwasto na namin ito. Mediyo magulo ang ulat ng pangkat 3 sa huling banda kaya ipinatama ni Gng. Mixto at iniakto naman ng miyembro ng pangkat 3 ang tamang akto ng huling banda.

Monday 11 November 2013

Ang Paghahatol !

               Ngayong araw na ito, nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa akdang Sa Pula, Sa Puti. Amin namang iniwasto ang aming natapos na awtput na tungkol sa pag-iwas sa pagsusugal kahapon. Pagkatapos binigyan kami ng takdang aralin na basahin ang akdang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg Reyes na kung saan iuulat naman ito ng pangkat 3. 

Friday 8 November 2013

Bagsik ni Yolanda !

               Walang pasok ngayong araw dahil sa bagyong Yolanda.

Thursday 7 November 2013

Medyo Kabado !

               Ngayong araw na ito, nakatuon pa rin kami sa akdang Sa Pula, Sa Puti. Pagkatapos kami ay nagkaroong ng isang awtput na pagsulat ng isang paraan kung paano maiiwasan ang pagsusugal gamit ang ibinigay na pamantayan at sa istilong lathalain. Habang isinusulat ko iyon ay medyo kinakabahan ako pero natapos ko naman iyon ng tama.

Wednesday 6 November 2013

Ang Sweet Nila XD

               Ngayong araw na ito, aming tinalakay ang mga naging desisyon ng mga tauhan sa akdang Sa Pula, Sa Puti. Pagkatapos, inalam namin kung anong teorya ang nakapaloob sa akda at iyon ay ang Teoryang Eksistensyalismo. Naging masaya ang talakayan ng pumasok si G. Mixto at lahat kami ay kinilig ng sobra dahil sa ang kulit nila magbiruan.

Tuesday 5 November 2013

Ok na sana !

               Ngayong araw na ito, nagsimula ang talakayan sa pagbabalik aral sa akdang Sa Pula, Sa Puti. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa matatalinghagang salita na makikita sa akda. Pagkatapos kami ay nagkaroon ng pangkatang gawain na kung saan kailangan sagutan ang tatlong katanungan na nakapaskil sa pisara patungkol sa naatasang tauhan sa akda. Ang aming napili ay si Celing, maayos naman naming naiulat ang aming gawa         kaya apat at kalahating bagsak lang.

Monday 4 November 2013

Bitin ?

               Ngayong araw na ito, (matapos ang isang linggong bakasyon na medyo nabitin pa) aming sinimulan ang talakayan sa pagbabalik aral tungkol sa akdang Banaag at Sikat. Bilang panimula sa bagong tatalakaying akda ay nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa akdang Sa Pula, sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo na kung saan ito ay iniulat naman ng pangkat 2. Pagkatapos ay nagpaskil si Gng. Mixto ng larawan ng sabong at laro sa kasino upang magkaroon kami ng sapat na kaalaman sa akda.

Thursday 31 October 2013

Buod ng NOLI me TANGERE





Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

Friday 25 October 2013

Oh, Hindi ! Si Ibarra ?

               Ngayong araw na ito, amin nang sinagutan ang nagsilibng takdang aralin na patungkol sa paghahambing kina Felipe, Delfin , Ibarra at Elias. Pagkatapos, nagkaroon ng konting pagtatalo ang aming mga kaklase tungkol sa tunay na huling pangyayari sa buod ng Noli me Tangere. At doon, nalaman ko na ang tunay huling pangayayari ng si Gng. Mixto na ang nagkuwento.

Thursday 24 October 2013

Paghahambing :P

               Ngayong araw na ito, tinapos na naman namin ang di pa ulit na natapos na pangkatang gawain tungkol sa Banaag at Sikat. Natutunan ko mula sa akdang ito ay ang bawat tao may pantay pantay na karapatan mayaman man ito o mahirap. Ako ay sobrang galit sa pangyayari dahil dito ipinapakita na mabababa ang pagtingin ng mga mayayaman sa mga mahihirap (maralita). Ngayon, amin namang tinalakay ang tungkol sa buod ng Noli me Tangere. Kami ay nagkaroon ng gawain na paghahambing sa mga pangunahing tauhan sa Banaag at Sikat at Noli me Tangere na sina Felipe, Delfin, Ibarra at Elias ngunit hindi ito natapos kaya nagsilbing itong takdang aralin.

Wednesday 23 October 2013

Ulat, Ulat Ulit ! :P

               Ngayong araw na ito, amin ng pinagpatuloy ang di natapos na pangkatang gawain na nagsilbing takdang aralin tungkol sa Banaag at sikat. Dito rin, nagkaroon ulit kami ng pangkatang gawain na patungkol sa nasabing akda at ito ay hindi na naman namin natapos. Pagkatapos, kami ay nagkaroon ng takdang aralin ng buod ng Noli me Tangere at kailangan naming alamin kung sino sina Ibarra at Elias.

Tuesday 22 October 2013

Ulat Agad ?

               Ngayong araw na ito, amin ng tinalakay ang buod ng Banaah at Sikat ni Lope K. Santos na kung saan amin ding inulat ang buod nito ( Pangkat 1 ). Dito rin, tinalakay namin ang tungkol sa gumawa ng may akda. Pagkatapos, kami ay nagkaroon ng pangkatang gawain at nagsilbi itong takdang aralin dahil kinulang kami sa oras na kung saan kailangan naming bigyang kahulugan ang piling pangungusap na nakasaad sa akda.

Monday 21 October 2013

Itinakda ! :D

               Ngayong araw na ito, amin na namang binalikan ang akdang Luha. Pagkatapos, kami rin nagkaroon ng pasusulit sa akdang Luha. Ngayon din pinasa ang ginawa naming liham para sa aming mga magulang. Pagkatapos, kami ay itinakda ( Pangkat 1 ) para ibalita ang buod ng Banaag at Sikat ni Lope K. Santos.


Buod ng Banaag at Sikat

ni Lope K. Santos

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.
Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.
Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.
Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.
Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.
Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."


LUHA


RUFINO ALEJANDRO
I
Walang unang pagsisi,ito'y laging huli
Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin!
II
Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan
May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay
"Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay,
ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan."
III
Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak;
Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap
Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap
IV
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay.
Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't
Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!
V
Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi
Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;
tumangis s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagit
Iluha ang aking palad na napakaapi!
VI
Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa
Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay;
Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,

Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!