Tumbok ! xD (aha! utak berde :D)
Ngayon araw na ito, bago magsimula ang talakayan ay muling bumunot ang aming guro kung sino ang magbabasa ng kanyang nagawang tula o sanaysa (tugudog-tugudog! gusto ko ako ang mabunot xD). Aming ding binalik aralin ang aming tinatalakay noong nakaraang martes na tungkol sa Teoryang Feminismo (wala kasing pasok kahapon pero ako meron xD kantinarya kasi ako :P). At kami ay pupunta na sa aming panibagong aralin pero bago doon kami ay binigyan ng gawain para aming matumbokan ang aming bagong tatalakayin. Doon ay nagkaroon nang paninermong muli ang aming guro dahil sa aming ingay (hays -_- dyamante nga talaga ang bunganga na naman di mapigilan xD). Pagkatapos kami ay pinaghanap ng aming guro na magiging kapareho ng sa ganoon ay maayos namin magawa ang aming gawain na interbyuhin at magpainterbyu sa mga palabas na napanood na o di kaya sa mga nabasa na. Sa pangyayaring iyon medyo naguguluhan ako sa mga katanungan at kasagutan ko -_- (grabeh, nabablangko talaga ang utak ko di ko matumbukan ang mga katanungan kahit na ang dali-dali lang xD basta alam ko yung sagot kaso di ko masabi o maisulat man lang xP). At doon ay amin nang natumbukan ang nais ng aming guro talakayin, ang Rebyu. Nagkaroon kami ng ilang pagbabahagi tungkol sa nabanggit. Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro na maghanap ng halimbawa ng rebyung pampelikula, pangmusika, at pambabasahin.
No comments:
Post a Comment