Pages

Wednesday, 5 February 2014

Ang Kawawang Rebelde ! :(

               Ngayong araw na ito, bago magsimula ang aming talakayan ay laking taka nga aming guro ng madama niyang ang lungkot-lungkot at walang gana kami ngayon (oo nga! ano kaya ang nakain namin ... bakit kaya?) at siguro daw ay baka wala ang mga iba kaya daw ang tahimik namin (mga nangangandidato bilang SSG ng aming paaralan ... mali un, sila ang maiingay di kami ... hahaha bulgaran?). Muli, nagkaroon naman ng isang prisentasyon ang isa kong kaklase na kanyang sariling gawang tula o sanaysay at siya ay napili sa pagbunot sa mahiwagay plastik (*mapapalunok bigla* ah ... ah ... ang lupit ng tula niya ... related sakin :D). Aming muling tinalakay ang buod ng akdang Bangkang Papel na ibinuod ng isa kong kaklase. At ngayon ay amin nang tatalakayin ang mga katananungan kahapon na sobrang nakakapanabik talagang malaman kung ano ba ang totoong nangyari sa akda. Bago pa diyan ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na bibigyan hinuha mo ang nakasaad na pangungusap at sa pagwawasto ng aming guro ay doon na namin nalaman ang katotohanan na sila pala ay isang rebelde at ang ama ng bata ay napatay ng mga kawal. Sa pagkukuwento ng aming guro nasabi ng aming guro na ang isang rebelde ay ang mga taong di tumasang-ayon sa mga katiwalian ng pamahalaan at masasabi kong ako ay isa na rin sa mga rebele (rebelde sa pamilya ... kainis kasi puro kaligayahan lang nila ang gusto nila -_- paano na ako? wawa naman ako). 

No comments:

Post a Comment