Haha ! Bleeh ! :P
Ngayong araw na ito ay medyo galit sa akin ang aking nanay sa kadahilanang ang hilig ko daw kasing tumakas sa mga gawaing bahay na kesyo hindi ko na daw nagagawa ang aking responsibilidad sa bahay at gala lang daw ang aking inaatupag (ganun? tumakas agad? di ba pedeng libang lang saglit ?). Subalit iyon ay muling nanumbalik sa normal sa kadahilang ako ay kakailanganin niya ngayon (haha! bleeh! :P kala mo ha, kakailanganin mo ako ngayon alis-alis din ng galit pag may time :D ... biro lang XD) dahil sa aalis siya ngayon at hindi ko alam kung saan siya pupunta ngunit nga aking tinanong ay galit pa (hala! galit agad nagtanong lang ... stressed ata o kaya may red alert? hihihi :D). Syempre sunod naman ako para matigil na ang giyera (para narin matigil ang pa g-aalyansa ng bibig nito :D) baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan pagsumagot pa ako (hays! :D iyakin kasi si mama eh ... haha! bleeh biro lang).
Pagdating ng aking nanay ay maayos naman na ang kanyang kalagayan habang ako naman ay pata na paggawa (nandyan ung linis dito, hugas doon hays! nakakapagod talaga ... stressed XD). Syempre para malibang ako ay naglakwatsa muna ako saglit. Nagkaroon kami ng pagtatalo sa pagitan ng aking kapatid dahil sa pagkain lamang at nainis ako ng biglang umiksena ang aking nanay (si mama talaga ... papansin panira ng moment -_-). Yan tuloy nagparaya ako para lang sa aking kapatid na kesyo daw ay mas matanda daw ako at ang mas pinaka masaklap pa dyan ay nang nanalo ang aking kapatid at sinabing haha ! bleeh ! :P (huhuhu :'( wawa naman ako, dapat ako lang nagsasabi nun).
No comments:
Post a Comment