Pages

Monday, 3 February 2014

Bunot-Bunot Din Pag May Time! :D

               Ngayong araw na ito ay wala akong kaalam alam sa nangyayari dahil bago pa man dumating ang aming guro ay nag C.R. lang ako saglit at nang pabalik na ako ay nakita kong nakapila sa labas ang mga lalaking hindi pa gupit at sila uukaan at isa rin ako doon (tatakas sana ako kaso nakita ako ... sayang kala ko ligtas na -_-) kaya nakipila na rin ako. Pagpasok ko ay ipinapasa na ang nagsilbing takdang aralin kahapon kaya dali dali kong hinabol ang sa akin (baka kasi di na tanggapin eh). Nagkaroon ng prisentasyon ang isa kong kaklase na ginawa niyang tula o sanaysay sa pamamagitan ng pagbunot ng aming guro ( tugudog-tugudog ... buti di pa ako nabubunot :D). Muling bumunot ang aming guro kung sino ang magbabahagi ng kanyang nakalap na pelikula. Nagkaroon kami ng ung talakayan tungkol sa maaaring magiging epekto ng saykolohikal sa akda at dahil doon ay nagkaroon ng pagbabahagi ang iba kong kaklase ayon sa kanilang karanasan sa buhay. Nagbigay ng isang gawain ang aming guro na kung saan isasalarawan namin ang aming kaibigan na kapapaloban din ng saykolohikal. Muli, ay bumunot na naman ang aming guro upang basahin ang ilan sa aming gawa na magbabahagi sa harapan (hays! ... bakakabobo sa  bunot-bunot , kabado-kabado tuloy -_-).

No comments:

Post a Comment