Pages

Saturday, 1 February 2014

Di Niya Kasi Alam ! :(

               Ngayong araw na ito ay medyo sinusumpong pa rin ako ng pagiging JT (ang saya sa pakiramdam eh) ngunit ito ay nanumbalik sa normal ng ako ay nasermunan na nang aking nanay at bukod pa diyan ay tambak na daw kasi ako sa mga gawaing bahay, maglalaba kasi ang aking nanay ngayon (hays ... eto na naman ... gawa doon bantay dito). Akin din naman itong ginawa dahil may gustong muling makipagkita ng isang kaibigan noong nakaraang sabado pa.

               Natagalan ako sa paghihintay sa kanya at ewan ko nga kung bakit ang tagal niya dumating at babalakin ko sanang umuwi dahil sa tagal nito ngunit hindi ko ito tinuloy sapagkat sayang ang pamasahe at sayang ang pagpunta ko at maging ang paraan para ako ay makaalis nang walang alinlangan, ang pagsisinungaling :). Nang nagkita na kami ay agad kaming kumain at doon ay napadami ang pagkain na kanyang nabili (ang di niya lang alam ay sapat na ang onti lang ... tataba ba ako dyan?). Yehey! eto naman tayo ... kain ng kain payat naman -_- (huhuhu :'( payat? wawa naman ako!). Sinabi ko sa aking kaibigan na limitado lamang ang aking oras at hanggang alas tres lang subalit hindi daw siya naniniwala ... sa payat kong 'to ? este sa mukha kong 'to? di ka naniniwala? ... huhuhu :'( tinakasan ko na nga ang iba kong gawa para makapunta eh! (hays ... di niya kasi alam kong paano ako nahirapan sa pagtakas!). Natagalan din akong naghintay para ako ay payagan na talagang umalis (di niya kasi alam na may iba pang gawain :( .... palibhasa kahit kailan pede siya maggala kung gugustuhin niya!) mga kulang kulang alas singko na ako nakaalis.

               Pagdating ko sa bahay ay sermong muli ang aking naranasan (hays! si mama talaga di niya kasi alam kung saan ako talaga galing -_-) na kesyo dapat ay tulungan ko siyang gumawa ng gawaing bahay at mag-alaga na kapatid man lang hindi daw iyong puro gala lang daw ako dahil daw sa aking napagod daw siya (pero bakit pa kailangang makipagbalagtasan pa sa akin eh ginawa ko na nga ung gawain eh at nag-aalaga naman na ako ... hays! si mama talaga ... pasaway!).

No comments:

Post a Comment