Sobra Talaga ... Grabe ! xD
Ngayong araw na ito ay wala kaming talakayan sa Filipino sa kadahilanang mayroong demo ng ibang mga guro na hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling :D at sobra naman akong nagagalak sa mga maaaring mangyari kapag sila na ay magdemo sa amin (sana-sana may Filipino para masiyahan ako at para kahit walang filipino ay may maitalakay ako nang matino). Lubos akong nalungkot nang malaman kong wala Filipino na guro ang magdedemo sa amin dahil ang guro na magdedemo sa amin ay asignaturang EP, Agham, at Matematika (grrr ... kainis sobra akong umasa namay Filipino eh sabay wala, grabe -_- bahala kayu dyan di ako makikinig xP biro lang:D). Aking itatalakay na lamang ay ang oras dapat sa Filipino at ang pumalit muna dito ay ang asignaturang agham at doon sa talakayan na iyon ang lahat ay nakikinig dahil ang gurong nagtuturo sa amin pogi (daw? kaya ayun may gana silang makinig -_- nandito naman ako bakit kailangan niyo pangmaghanap ng iba? hihihi ... assuming lang xD sobra talaga ... grabe tong mga babaeng ito ... makatili ! wagas ! :D. Nadadalian lang ako sa aming talakayan sa agham dahil parang balik aral na lang lahat na nangyayari sa oras na iyon (siguro pede naman kahit di ka makinig :D).
No comments:
Post a Comment