Hekasi Bata ! xD
Ngayong araw na ito ay ang pagpapatuloy ng aking kwento tungkol sa JS. Bago magpatungo sa amin, sa pagrampa kami muna ay pinakain (yes! buti na lang kakain na kami kanina pa ako gutom :D) at nagpasayaw muna sila sa court. At doon ay halos ang iba ay nakatingin sa akin dahil daw parang isang linggo o taon na akong di nakakain (eh kasi grabi talaga, di kasi ako kumain sa bahay kakamadali -_-). Nang kami na at oras na namin para sa pagrampa ay sobra akong kinakabahan, eh kasi sobrang dami nila eh, di tulad ng kami ay nagpraktisa. Ngunit ito'y nawala at nilaro ko na lamang ang patimpalak dahil alam ko nang talo na ako (eh kasi nung sa una ko pa lang pagrampa ay walang pumalakpak, kainis >.<). Kaya ayun nanag awarding na eh di na ako umaasang makakuha ng pamagat xD (okey lang iyon expercience lang habol ko doon :D).
Pagdating ko sa bahay ay dali-dali akong humiga at nakatulog dahil nga ay inaantok pa ako, eh kasi kulang pa ako sa tuloy sapagkat ilang oras lang ang aking tulog at halos iglip nga lang eh? At doon ay hapon na ako nakagising at kumain lang saglit at muling natulog at kumain lang saglit at hanggang sa nagkain-tulog lang ako. Eh kasi ang saya eh xD.
No comments:
Post a Comment