Pahabol Pa ! -_-
Ngayong araw na ito, bago magsimulang muli ang talakayan ay bumunot ang aming guro kung sino ang magababsa ng nagawang tula o sanayasay (tugudog-tugudog ... eto na naman ! yes di ako nabunot :D) at amin nang pinagpatuloy at winasto ang hindi natapos na gawain kahapon sa kwaderno na tungkol sa paniinindigan ng tatlong tauhang sina Crispin, Basilio, at Sakristan Mayor. Sa pagwawasto ng aming gawa ay nagkaroon ulit ng gawain na may koneksiyon din sa talakayan na amin naman ding sinagutan. Laking gulat na lang namin ng may isa pang nagpahabol na magdedemo (hays! -_- yan na naman si demo kainis bakit pa sa oras ng Filipino nakakaboring tuloy ... sana math ang ituturo para ganahan naman ako :D). At doon ay nagbigay na lamang ang aming guro ng takdang aralin na nagpapakita sa mga tauhang babae sa akdang Noli Me Tangere na sina Sisa, Maria Clara, Donya Victorina, at Donya Cosolacion na sila ay pinapalooban ng Teoryang Feminismo. Buti na lang at matimatika ang asignaturang kanyang tinuro kaya makikinig ako :D (wala eh ... hilig ko ang math at kinuha nila kasi ang oras ng Filipino ko >.<). Nang natapos na ang talakayan ay wala na daw sususnod na pahabol na magdedelo at doon ay laking sisi ko dahil pede naman sa oras na lang ng TLE (pwede na yun ... ang iba naman di nakikinig eh xD).
No comments:
Post a Comment