Pwede Na ! :D
Ngayong araw na ito ay masaya-saya naman ang talakayan namin kahit na hindi Filipino na naman ang aming tinatalakay sa oras ng Filipino bagkos ang Chemistry (hays! ayan na si demo ... paano na naman ang talakayan baka naiiwan na kami -_-) at sabi nila hanggang sa biyernes pa daw ang ganitong kalagayan (huhuhu! :'( wag naman ... wala na ako medyo na-uupdate nang maayos sa blog na ito). Maganda-ganda naman ang talakayan sa Chemistry dahil ang guro na nagdemo/nagturo sa amin ay (para sa akin) mabait dahil sayang-saya siyang magturo at iyon daw ay ganyang ginawa para daw ay mabigyang pansin ng iba ang asignaturang chem na ito ay hindi nakakatamad bagkos ay nakakaaliw pag siya daw ang magtuturo (pwede na, pwede na siyang maging guro sa aming paaralan ... pasado siya sa akin nakakaakliw may turo eh :D).
Pagdating-dating ko sa bahay ay bigla akong inutusan ng aking nanay ngunit wala naman akong reklamo sa nangyayari na para bang ginayuma ako ng aking nanay para sumunod na walang alinlangan (pwede na rin iyon ... wala naman akong masyadong ginagawa (kaya ayon sumunod na lang ako xD).
No comments:
Post a Comment