Pages

Thursday, 13 February 2014

May Kakaiba ? :O

               Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang talakayan na ito ay bumunot muli ang aming guro kung sino ang magbabasa ng nagawang tula o sanaysay (tugudog-tugudog ! alam nyu na un ... sana di ako :D) at doon ay parang may kakaiba? sa gawa ng magbabasa nang tula nakakaintriga (ops! bawal sabihin :P basta lao-uy daw ang love team). Amin na ding pinagpatuloy ang nagsilbing takdang araling kahapon na gawain din at ito ay ipinasa ng aming guro (sana wag, kilala ko na ang aming guro) at ito ay aming pagtutulong-tulongan sa pamamagitan ng pangkatan (pede na din :D). Pagkatapos ng pangkatan ay nagkaroon kami nang paninermon ng aming guro dahil sa aming ingay (daw?). At doon ay ang aming guro na lang mag-isa ang nagwasto ng aming gawa at doon kanya na ring binigyang tama at kahulugan ang mga mali namin sa pangkat. At halos doon na lamang naubos ang aming oras kaya nagbigay na lamang ang aming guro ng isang takdang aralin na basahin daw ang kasaysayan ng isang ina.

               Pag-uwi ko galing paaralan ay parang may kakaiba kaya dali-dali  akong pumasok at hinanap ang tao doon ngunit wala sila. Mula sa aking kinatatayuan ay may nakita akong kulay puti sa may kabinet (yung puti! papel yun ... takot ka no? xD) at may nakasulat na "umalis na kami kasi ang tagal mong dumating sasama ka sana namin, dito kami sa SM namamasyal". Pabor naman sa akin ang ganoong pangyayari ngunit ako ay nainis nang may nabasa ako sa bandang huli na "ikaw na ang bahala diyan pati sa mga gawaing bahay ha" (huhuhu! :'( totoo ba'to? wawa naman ako edi sana di muna pala ako umuwi -_-).

No comments:

Post a Comment