Natural Lang Yan ! :D
Ngayong araw na ito, bago magsimula ang talakayan ay bumunot muli ang aming guro kung sino ang magbabasa ngayon nang kanyang nagawang tula o di kaya sanaysay (tugudog-tugudog sana ay di ako mabunot :D ... hehe lagi na lang eh xD) at amin ding binalik aralan ang tungkol sa ginawa namin noong nakaraang biyernes at maging ang nagsilbing takdang aralin na gawain (huhu! yes ... meron na akong sagot :D kinopya ko lang naman >.< biro lang :P). Sa pagwawasto ng aming gawa ay laking tuwa ko na lang nang tumama ako sa bilang isa (yes! nakatsamba) at habang nagtatalakayan kami ay nandyan na naman ang hindi maiwasang pakikipag harutan at daldalan sa isa't isa habang ang aming guro ay nagsasalita (buti na lang ako ay nakikinig ... hays ! III-Diamong nga naman >.<). At sa talakayan na iyon ay nagkaroon kami ng onting kasiyahan dahil nagkamali at nabaliktad lang nang pagbigkas ang aming guro na tungkol kila Medusa at Galema na kesyo marami daw ulo sa ahas si Medusa (hays! mga tao nga naman ... natural lang yan sa aming mga baliw lang ang peg kasi xD) at dahil doon ay napansin ako ng aking guro na kesyo galak na galak daw ako sa pagpalakpak sa tuwa (hala? di naman ma'am sa ganun natural na kasi sa akin ang ganun pagmasaya pumapalakpak parang baliw nga ... diba ? xD). Sa mga sumunod na pagwawasto ay nagkaroon ng paninermon ang aming guro dahil sa sobra na namang ingay namin (naku! natural lang yan -_- mga baliw nga eh ... diba ang kulit nyu ! kainis >.<). Ngayon din ay amin namang tinalakay ang mga sumunod na kabanata sa akdang Noli Me Tangere, ang Mga Sakristan na binasa ng isa kong kaklase. Dahil doon ay nagkaroon ng onting katanungan aming guro tungkol dito at pagkatapos ay aming inaalam ang teoryang nakapaloob dito at iyon ay ang Teoryang Eksistensyalismo. Pagkatapos ay nagbigay nang takdang aralin ang aming guro na may koneksyon sa teoryang nabanggit sa tatlong tauhang nakapaloob na sina Crispin, Basilio at Sakristan Mayor.
No comments:
Post a Comment