Pages

Thursday, 6 February 2014

Sensya na Tol ! XD

               Ngayong araw na ito ay aming ipinagpatuloy ang talakayan namin sa akdang Bangkang Papel. Ngunit bago pa diyan ... muli, ay nagkaroon ng isang prisentasyon na kanyang sariling gawang tula o sanaysay ang isa kong kaklase subalit ito'y di natuloy dahil medyo mali at magulo daw ang kanyang gawa (hala! wag naman sayang bumunot muli tugudog-tugudog ayaw ko na ... di pa ako handa!) kaya amin nalamang ipinagpatuloy ang takalayan ... amin na ding tinalakay ang teoryang nakapaloob dito na aming takdang aralin din kahapon, ang teoryang realismo at aming ding muling  binigyang kahulugan ito (kahit na alam naman na talaga namin ... wala eh ! kasama sa talakayan eh). Nagkaroon kami ng pangkatang gawain na kung saan aming bibigyang katangian ang ina at anak sa may akda na aming ding patutunayan. At nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro tungkol sa akda na aming sasagutan at doon ay nakasingit ang aming guro ng isang kwento o pangyayari ng isang guro din na naiugnay niya sa aming talakayan (pasensya na tol ... bawal sabihin eh kung sino siya  ... maraming makakaalam eh -_- alam mo naman ang mga tao ngayon :D). Pagkatapos ay nagkaroon kami ng takdang aralin na kung saan kami ay magdadala ng isang makukulay na papel (teka! parang alam ko na kung anong gagawin para bukas? hmmm ... pasensya ulit tol , bawal ko ulit sabihin eh at ewan ko kung bakit? hihihi :P). Ngunit hindi pa tapos ang oras namin at nagpatuloy nang muli ang isa kong kaklaseng tinama ang kanyang sagot at sa kanyang tula ako ay sobrang natutuwa dahil halatang may pinanghuhugutan eh (teka! bawal ulit sabihin kasi ano niya un eh ... basta ! sensya na tol :D).

No comments:

Post a Comment