Pages

Tuesday, 4 February 2014

Tugudog-Tugudog ! XD

               Ngayong araw na ito ay nagbunot muli ang aming guro para sa magpipresenta ngayon ng kanyang sariling gawa na tula o sanaysay (ay ... eto pede pa literal na to sanay naman na ako eh ... tugudog-tugudog kabado pa rin). Bago mag-umpisa ang talakayan ay pinalabas kami ng aming guro ng kahit anong uri o klase ng papel at doon ay ilalagay ang pangalan, seksyon, taon, at pangkat pati na rin ang aming pangarap sa buhay. Pagkatapos ay gagawin naming isang bangkang papel ito at kailangan ay paunahan sa paggawa at pagnabuo na ito ay lalagay sa balotang dala-dala ng aming guro (tugudog-tugudog sana di ako mabunot) at akala ko ay bubunot muli ang aming guro upang ipaliwanag ang gawa ngunit hindi pala at iyon pala ay magsisibing gawain lamang (hays ... ligtas buti di natuloy may ano pa naman dun ... ahm! sikreto na lang iyon :D). Ang bangkang papel na iyon ay may koneksyon pala sa aming tatalakaying akdang Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute (ang galing, oo nga no? may koneksyon nga ... ang galing ng gumawa :O hahaha! lokohan lang? halata naman eh ... sa pamagat pa lang :P). Nagkaroon kami ng gawain na kung saan bibigyang kahulugan ang ilang malalalim na salita na nakapaloob sa akda at naatasan ang isa kong kaklase ba basahin ang buod ng akda. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na patungkol din sa akda at sa pagwawasto ng aming guro ay kanyang naipahatid o naikwento ang ilang mga pangyayaring naganap sa akda (kabitin naman ... kulang pa dagdag pa nga plsss). Kinulang kami sa oras (ewan ko lang kung kinulang talaga baka sakto nga lang eh o baka pasadya ng aming guro na kami ay mabitin) kaya pinagbuti na lamang na ipagbukas ang ilang mga katanungan kung bakit, sino, at ano atng tunay na nangyari sa akda (tugudog-tugudog ano kaya ang tunay na nangyari talaga ... nakakapanabik naman!).

No comments:

Post a Comment