Huhu ! Yes ! :D
Ngayong araw na ito ay masaya na talaga ako dahil balik na sa dati ang lahat (yes! wala nan si demo :P ... meron na ulit na talakayan na matino xD) pero bago ang lahat ay muling bumunot ang aming guro kung sino ang magbabasa ng nagawang tula o sanaysay (yes! -_- eto na naman ... wala pa akong gawa eh :( tugudog-tugudog sana di ako mabunot:D). Aming binalik aralan ang nakalipas na talakayan at sa aming bagong talakayan ay sobra akong natuwa sa aking mga kaklase dahil sa tuwing magsasalita at nagpapaliwag ang aming guro sa talakayan ay siya namang ingay namin (ganun talaga ! natural na sa amin yun ... sobrang na miss lang talaga namin ang aming guro :D kaya bawi-bawi lang sa ingay :P) at sa tuwing tatahimik ang aming guro ay siya ding tahimik namin (huhu! yes ... baliw lang ang peg :D). Aming tinalakay ang tungkol sa bahagi ng kabanata ng akdang Noli Me Tangere, ang Erehe at Filibustero. Pagkatapos noon ay nagkaroon ng ilang katanungan ang aming guro tungkol sa pagkamatay at pagkakulong ni Don Rafael at amin ding tinalakay ang teoryang nakapaloob dito, ang Teoryang Naturalismo. At doon ay nagkaroon kami ng gawain patungkol sa kabanatang na kung saan ay nahihirapan akong sagutan ang bawat katanungan (hooh! grabe ngayon lang ako medyo nahirapan ha -_-) at buti na lang ay ipinagpabukas na lamang ng aming guro ang pagwawasto nito (huhu! yes ... buti na lang wala pa akong sagot eh). Teka? may pasok ba bukas? ang pagkakaalam ko sabado bukas? hays ... hayaan mo na nga pwede na yun -_-.
No comments:
Post a Comment