Kinain Na ! xD
Ngayong araw na ito ay maaga at sakto lang sa oras dumating ang aming guro at laking gulat ko na lang ng kami ay ipinaharap sa likod at doon pala ay may nais ipanood ang aming guro na aming tatalakyin (daw?) ngayon, ang istorya ng Noli Me Tangere at El Filibustrismo na ginampanan ni Cesar Montano. Dito ay nagbigay ng panuto ang aming guro kung ano ang aming dapat gawin bago magsimula ang palabas. Sa aming panonood ay maaga kong natanto na ang palabas ay puro pagbabalik tanaw lamang sa nakaraan o sinasalay lamang ni Rizal (Cesar) (siguro marahil para malaman namin ang katotohanan) at ayon lang sa akin ... puro kabrutalan ang mga nangyayari pala dati (buti na lang ay di pa ako nabuhay noon ... ang hirap grabe ! ang hirap mabuhay grabe kasi ang kabrutalan >.<). Halos naubos at lumagpas na lamang ang aming oras na itinakda para sa asignaturang Filipino at halos maging ang oras nang sumunod na asignatura ay nakain na namin sa kapapanood lamang. Nagulat ako ng natanaw kong malayo/matagal pa ang oras na aming gugugulin para ito ay matapos. Habang tumatagal ay nakakatamad nang manood sapagkat ang iba sa amin ay may iba nang ginagawa at may kanyan-kanyang daldalan sa tabi-tabi xD. At dahil doon ay ipinatigil na lang ito ng presidente ng aming kuwarto dahil wala nga ang aming guro (diba ? kaya nagkakaganyan na naman ang diyamante ... daig pa ang nakawalang hayop >.<) at doon halos nakain na ng aming guro ang oras ng sunod na asignatura (ahhh ... siguro nag-usap na ang magkasunod na asinatura ... hays ! hayaan mo na nga xD).
Maaga akong umuwi sa aking kantinarya ngayon at maaga rin akong nakabalik sa aming paaralan. At sa aking naging pwesto sa kantinarya ay taga manipula lang sa mga softdrinks. Pagkatapos ng pagtinda ay ang laki ng aming kailangang iabono (buset kasi ung kasama ko ... nangingialam kasi ... hays ! buset angsarap manapak xD biro lang) mabuti na lang ay malaki ang pasobra ang remita ng iba kong pang mga kasama sa kantinarya. Kaya ayun nalutas na ang problema ... grabi halos nakain na namin ang lagat ng pasobra piso na lang ang natira xD (hindi, pero kainis talaga ung kasama ko eh).
No comments:
Post a Comment