Geh ! Kembot Lang xD
Ngayong araw na ito, nagsimula ang talakayan sa pagbunot muli ng aming guro kung sino ang magbabasa ng kanyang nagawang tula o sanasay (tugudog-tugudog ... eto na namang muli siya!) amin ding muling tinalakay ang aming pinanood na palabas kahapon ay ngayon ay amin na ding tinalakay ang teoryang nakapaloob dito at ito ay may limang teorya : Teoryang Klasisismo, Realismo, Naturalismo, Eksistensyalismo, at Feminismo. Ito ay ipinaliwanag ng iba kong mga kaklase maging ang aming guro ang pagkadahilanan ng teorya sa Noli Me Tangere at El Filibustirismo. Habang tinatalakay namin ito ay nagkaroon ng onting kasiyahang naganap, napakembot tuloy ang aming guro di-oras (eh kasi pa sweet pa kasi tumayo ung kaklase ko ... may pakembot pang nalalaman xD ang kulit kumembot ng aming guro nakakagigil sa saya :D). At nagkaroon kami ng kami ng pagbasa kaugnay sa Teoryang Klasisismo at doon ay muling nagkaroon kami ng onting kasiyahan ng dahil sa kaklase kong muli na sobra ang bilis sa pagbasa at maging ang aming guro ay nasiyahan (paano sing bilis ata siya ni flash kung tutuusin :D biro lang ). Pagkatapos ay nagbigay ng gawain ang aming guro subalit kinulang kami sa oras kaya ginawang takdang aralin na lanamng ito.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko ang aking bunsong kapatid na kumikembot din . At dahil doon ay sobra akong natuwa dahil ang cute-cute niyang kumembot parang tulad din sa aming guro xD.
No comments:
Post a Comment