Pages

Friday, 7 February 2014

Oh ! Anong Blah-blah-blah ... :D

               Ngayong araw na ito, bago magsimula ang aming talakayan ay muling bumunot ang aming guro kung sino ang magpipresenta ngayon (tugudog-tugudog ... sana di ako mabunot) ngunit sobrang napakatagal ng taong mabubunot ... meron man subalit ay tumatanggi sila sa kadahilanang wala pa daw silang nagawa at isa din ako eh (sana-sana wag ako, sana-sana wag di pa ako handa eh! wala pa akong gawa sake me! :D) at dahil doon ay sobrang bilis ng pintig ng puso ko (tugudog-tugudog ... diba ang bilis?) sa sobrang kaba na sana ay huwag ako ang mabunot. Nang mayroon ng nabunot ... Oh! anong saya aking nadarama? (hala? yan tuloy napapatula ako di-oras. Pagkatapos ay magpapatuloy na sana ang aming guro sa aming talakayan ngunit biglang dumating ang kanyang asawa at bigla akong nagulat ng narinig kong nagtitilian ang aking mga kaklase at dahil doon ay hindi mawala ang ligaya ng aming guro at maging sa tuwing masasalita ay mapapatigil at mapapangiti na parang kinikilig ... Oh! anong ligaya ang kanyang nadarama sa tuwing makikita niya na lamang kanyang asawa (ayiie ... si Ma'am dinaig pa ang mga dalaga diyan sa tabi-tabi :D go ma'am push mo yan :P). At aming nang pinagpatuloy ang talakayan sa akdang Bangkang Papel at maging sa teoryang realismo at hanggang napadpad ang usapan sa tunay na buhay sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde na maiiugnay sa akda. Dahil doon ay naatasan kami na gumawa ng isang liham, mensahe, panalangin, o tula na nakabatay sa isyung panlipunan sa pagitan ng pamahalaan at rebelde. Ito ay ilalagay namin sa makulay na papel na nagsilbing takdang aralin namin at ang napili ko ay mensahe para sa ating pangulo ngayon. Habang ako ay nagsusulat laking gulat ko na lang nang namata ng aking kaklase ang aking gawa na kesyo daw ang haba-haba na daw ng aking naisusulat habang sa kanya ay onti lamang kaso lang daw ang pangit na daw ng aking sulat (huhuhu! :'( ano bayan ... napuri nga kaso may halong panlalait XD) Oh! anong kabaliwan daw aking nadarama kung bakit ganoon na lamang ang aking naissusulat. 

6 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete