Pages

Wednesday 11 December 2013

Pamanang Hindi Matatanggihan ! :)

                Ngayon araw na ito, nagsimula ang talakayan sa patatanong ng aming guro kung sino na ang nakakita ng balon na kung tawagin dahil ito ay may kaugnayan sa aming bagong tatalakayang akdang Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz. Base parin sa akda nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro upang mas lalong naming maunawaan ang akda at ito ay iuulat ng pangkat 3. Ayon sa hatol ng aming guro sa pag-uulat ng pangkat 3 ay mali daw ang pagbubuod nila dahil binasa lamang nila ang buong kwento ng akda. Sa galit ng aming guro ay siya na lamang ang nagbuod ng tama. Dahil doon, natanto ko ang nais iparating ng akda na mahirap maghanap ng trabaho kapag ika'y mahirap lamang at higit sa lahat hindi mo maaaring talikuran ang inyong kinagisnan. Pagkatapos ay aming sinagutan na ang ginawa namin noong lunes. Sa gawaing iyon ay nainis ang aming guro sa kadahilanang mahina daw kami makaunawa. At nagkaroon pangkatan ngunit ang pag-uulat ay nabitin dahil kinulang kami sa oras.


2 comments:

  1. Kapag ba sinasabihan... galit na? Kung walang magtatama ng pagkakamali ano na lang ang tama? pakisagot sa isang panibagong post.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala, ma'am! Wag naman po (Itatama ko na nga).

      Delete