Pages

Thursday, 30 January 2014

NakakaBaliw ! XD

               Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang talakayan ay nagkaroon ng prisentasyon ang dalawa kong kaklase, ang isa ay magbabasa ng kanyang nagawang sanaysay na may koneksyon sa aming seksyon, ang kaibahan daw ng pagtutulungan sa pag-aasahan (oo nga ! anti-hingi na ng papel) at ang isa naman ay kakanta ng awiting Himala. Pagkatapos ay pinaghambing ng aming guro ang kaibahan ng akdang Ang Himala at ang awiting Himala at amin na ding tinalakay ang tanong na nagsilbing takdang aralin kahapon. Sa tanong na iyon ay natagalan kami sa pagtalakay at halos doon na lang namin naubos ang aming talakayan sa tanong na iyon pero dahil doon parang may kababalaghang pangyayari akong naman (ayiie ... ayoko ngang sabihin ;P, sa akin na lang iyon) na siguro marahil ay isang baliw kaya nyang nagawang mag-imbento na may nakita siyang birhen (wala eh! gustong sabihin ng kamay ko eh!). Kinulang na kami sa oras ngunit  natapos naman na naming sagutan ang tanong pero minabuti ng aming guro na ipasa na lang ang iba pang mga takdang aralin na hindi tapos maiwasto. Pagkatapos ay nagbigay ang aming guro ng isa pang mulingtakdang aralin (na nakakabaliw na at halos araw-araw na nagbibigay at hanggang kailan pa kaya matatapos ? ... hehehe ! biro lang) na magkalap ng isang pelikula na pinapalooban ng Teorayang Saykolohikal.

No comments:

Post a Comment