Hindi, Hindi Totoo Yan ! :(
Ngayong araw na ito ay ang araw ng paglalaba ng aking nanay (lagi naman eh!) at ngayon kukunin ng aking nanay ang kard ko (syempre tulad ng dati) maaga akong naasikaso sa gawaing bahay at magbantay ng aking kapatid sa kadahilanang maaga ang kuhaan ng aming kard. Pagdating ng aking nanay ay namangha ako sa kanyang balita na aking markha ngunit ito'y nawala nang ang aking ranggo mula sa paaralan ay siyang baba nito (ayos ah, parang di naman totoo ang aking ranggo ... hmmm magkaalaman nga sa lunes!). Laking pasasalamat ng aking nanay dahil maayos kung naganpanan ang aking tungkulin at buti na lang ay hindi daw ako nagbigay ng anomang reaksyon (syempre may kailangan kasi ako ... sunga-sunga lang si mama ... biro lang XD). Nagpalibang-libang muna ako saglit ngunit nabigla ako nang malaman ko mula sa facebook na kumakalat na ang aking iniidulong si Vhong Navarro ay nabugbog dahil daw sa siya ay manyakis (hindi, hindi ako naniniwala ... idol ko iyon eh! walang pakielamanan :/). Naawa lang ako ng makita kong basag-basag na lamang ang pagmumukha nito.
No comments:
Post a Comment