Tauhang Bilog Lang Peg ? XD
Ngayong araw na ito, bago pa lang mag umpisa ang talakayan namin ay nakabusangot na agad ng tingin ang aming guro sa amin at ewan ko kung bakit (namiss lang siguro kami, ayiie ... assuming? -_-) pero sa pag umpisa ng talakayan ay nawala rin naman (sabi ko na eh! :D). Aming binalik tanaw ang tungkol sa aming ginawa kahapon na tungkol sa akdang Ang Kalupi. Amin ding tinalakay muli ang tungkol sa banghay o balangkas at ang maikling kwento. Ang nagsilbing takdang aralin kahapon ay magsisilbi na lang daw na isang pangkatang gawain. Bago pa doon ay nagkaroon kami ng onting pababalik tanaw muli sa natatanging aming tinatalakay na nabanggit na akda. Sa aming pagapapangkat at nainis (ata? baka galit?) ang aming guro dahil naiirita (ata?) siya siguro dahil kami ay maingay sa paraan ng pagpangkat kaya agad na kami ay pinaupo sa upuan (na galit?) at siya daw ang pipili ng mag-uulat sa bawat pangkat at ay wala naman nagawa kung'di sumunot na lang (galit na kasi ... biro lang! :D) ngunit tulad ng una ito ay nawala rin. Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro na magdala daw ng makukulay na papel para bukas.
No comments:
Post a Comment