Lagi na Lang Daw ! :(
Ngayong araw na ito, bago magsimula ang talakayan ay nagtanong ang aming guro kung sino na ang nakanood ng buong kwento ng akdang Ang Himala. Muling bumunot ang aming guro sa palabunutan upang magprisinta isa kong muling kaklase ng isang sariling tula (tugudog-tugudog, kinakabahang muli). Amin nang tinalakay ang nagsilbing takdang aralin kahapon na patungkol sa mga bagay na nangyari kay Elsa simula pagkabata hanggang maging manggagamot. Pagkatapos ay nagkaroon ng pangkatang gawain na patungkol sa akda at sa pangkatang iyon ay hindi natapos ang aming gawa dahil nahihirapan kami sa tanong (eh kasi ... onti lang kaming tumutulong -_-) kaya naubos na lang ang oras ay di pa kami nakakatapos. Nagtataka ang aming guro kasi sa tuwing nagkakaroon daw ng pangkatang gawain ay laging kulelat at hindi aktibo ang aming mga gawa (ano bayan ... yung iba kasi eh ... daldal lang! 0_0) at maging sa bawat pagtatanong ng aming guro ay wala man lang daw tumataas ng kamay sa aming hilera. Pagkatapos ay nagbigay ng takdang aralin ang aming guro kung ano ang teoryang saykolohikal na nakapaloob sa akda.
No comments:
Post a Comment