Pages

Tuesday, 14 January 2014

Namapa (baliktarin) ! :D

               Ngayong araw na ito, amin nang tinalakay ang tulang Ang Pamana na nagsilbing takdang aralin kahapon. Nagkaroon kami ng tunggalian tungkol sa aming tatay at nanay kung sino ba sa kanila ang mas mahalaga. Karamihan sa aming ay saludo sa nanay kaysa sa tatay. Dahil doon ay nagbahagi ang aming guro tungkol sa kanyang karanasan noong siya ay bata pa. Nainganyo akong makinig sa pagbabahagi ng aming guro dahil nakakainganyo talagang makinig doon at bukod ba riyan ay nakakaugnay ako sa kanyang kwento. Nagkaroon kami ng onting talakayan tungkol sa naggawa ng tula at ito ay binasa ng iba kong mga kaklase. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng takdang aralin na magkalap ng mga maaring awitin na may koneksyon sa nanay.

               Pag-uwi ko sa bahay ay balik sa normal na ang lahat, nagkaayos na kami ng aking nanay, tumutulong sa mga gawain, atbp. Naisip-isip ko din minsan na talagang natural na ako ay mahilig kumilos sa gawaing bahay at ito na ata ang tanging maipapamana sa akin ng aking nanay (kahit ganoon lang laking pasalamat ko na lang talaga).

No comments:

Post a Comment