Sayang Talaga ! (O,O)
Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang aming talakayan ay aming muling binalik aralan ang tungkol sa akdang Ang Kalupi sa malikhaing pagbubuod na paraan at aming binuod ito sa pamamagitan ng pa-isa-isang tawag ng iba kong mga kaklase (siyempre isa ako doon sa natawag :D). Aming pinagtuunan ng pansin si Aling Marta dahil sa kanyang ipinakitang pag-uugali at aming inalam kung anong teoryang nakapaloob sa akda, ang Teoryang Eksistensyalismo. Nagkaroon kaming onting gawain na bibigyan mo ng kahulugan ang nakapaskil sa pisara. Amin ng ginamit ang nagsilbing takdang aralin kahapon na makulay na papel at doon kami ay gagawa ng isang malikling kwento na kasing tulad sa akda. Kinulang kami sa itinakdang oras para sa filipino at umabot na naman ito sa oras ng TLE at gugustuhin ko sanang itigil ngunit sayang talaga eh nangangalahati na ako sa paggawa kaya aking ipinagpatuloy na lamang.
Nagpaiwan ako sa paaralan dahil nais kong sumali sa aktibidad para sa buwan ng matematika, ang sodoku. Natagalan ako sa paghihintay at babalakin ko sanang umuwi dahil naiinip ako ngunit ito ay aking pinigil at ipinagpatuloy na lamang ang paghihintay dahil sayang eh, sayang ang grado para doon sa aktibidad na nabanggit. Maaga akong natapos sa pagsasagot at minabuti ko na lang hintayin ang aking mga kasama. Sobra akong nainis dahil inorasan pala kami (akala ko kasi hindi limitado ang oras -_-). Dahil doon ay aming tinanggihan na lamang ang alok para sa kasunod na pagsubok at ng amin na itong naibigay ay nalaman na hindi pa pala iyon ang tunay na larong sodoku (panimula palang pala ... sayang XP). Sinisi ako ng aking mga kasama dahil pagkakataon ko na iyon ngunit akin pang sinayang (paano ba naman kasi yung nagmamanipula sa amin ay may ibang ginawa ... yan tulay :( ... sayang daw!). Maging ako ay sinisisi ko ang aking sarili dahil tama nga sila, sayang nga talaga dahil wala pa daw nakakapasok sa tunay na larong sodoku. Pero okey na iyon tanggap ko na ako ang may kasalanan kaso sayang eh, sayang talaga.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete