Pages

Thursday, 16 January 2014

Eto na Naman ? :'(

                Ngayong araw na ito ay aming ipinagpatuloy ang talakayan tungkol sa tulang Ang Pamana. Amin ding tinalakay kung anong teoryang nakapaloob dito at iyon ay ang Teoryang Humanismo. Bago pa diyan ay nagkaroon kami ng isang gawain sa kwaderno. Ayon sa aming guro ay may kaugnay ito sa tula. Pagkatapos ay ay mayroong binasa ang aming guro na isang liham na may koneksyon sa tula. Ang liham na iyon ay kaparehas lamang sa kantang noong huling sandali namin ng kami ay nagrecollection (eto na naman, naalala ko na naman ang mga araw na ako ay nalulumbay noong araw na iyon). Sa liham na binasa ng aming guro ay namayani sa akin ang kalungkutan dahil ayaw ko sa pagdating ng katandaan ng aking magulang sila ay inaalipusa na lamang. Amin ng ginamit ang makulay na papel na nagsilbing takdang aralin kahapon. Nabigla ako ng sabihing kami ay gagawang muli ng isang liham na naman para sa aming mga magulang. Eto na naman tayo gagawa ng isang nakakakabang liham at baka kasi isama na naman ng aming guro ang liham na iyon (malapit pa naman na ang kuhaan ng kard).

No comments:

Post a Comment