Ayos to'ha ! :D
Ngayong araw na ito, nagsimula ang aming talakayan sa pagbabasa sa ng isang kasabihan na "huwag mong husgahan ang libro sa kanyang pabalat" na maaari mong makita sa libro sa itinagalog lamang at nadarama ko may kaugnayan ito sa akdang aming tatalakayin, Ang Kalupi ni Benjamin Pascual (ayos to'ha). At nagbigay ng onting impormasyon ang iba kong kaklase na patungkol sa nabanggit na kasabihan. Amin ding binigyang pansin ang kahalagahan ng pamagat ng akda (Kalupi) at nagkaroon ng katanungan ang aming guro tungkol dito. Ginamitan ng malikhaing presentasyon ng aming guro ang pagbasa ng akda at ito ay ginawang dula-dulaan na ginampanan ng iba kong mga kaklase na inihalintulad sa palabas sa Showtime na Sine Mo'to (ayos to'ha, istorya, istorya, isroya). Bago mag-umpisa ang presentasyon ay kailangan naming salungguhitan ang nakahandang tanong na magsisilbing pangkatang gawain na nakapaskil sa pisara sa bawat pangkat. Pagkatapos magbasa at magprisenta nila halos lahat kami ay nakaramdam ng inis at lungkot sa pangyayari, naiinis dahil sa maling panghuhusga ni Aling Marta kay Andres, nalulungkot dahil sa pagkamatay ni Andres ng walang kasalanang nagawa. Magkakaroon sana kami ng pangkatang gawain ngunit ubos na ang nakatakdang oras pa sa aming talakayan kaya ito ay nagsilbing takdang aralin at ipagpapatuloy na lamang bukas.
No comments:
Post a Comment