Pages

Wednesday, 29 January 2014

Di-dis Ma-maya ! XP

                Ngayong araw na ito, bago mag-umpisa ang talakayan ay inanunsyo ng aming guro na ang aming ulat kahapon ay hindi maayos at di tapos sapagkat ito ay mahalaga para sa aming takalayan ngayon. Amin na ding tinalakay ang nagsilbing takdang aralin kahapon at medyo nadismaya ang aming guro sa aming pangkat sa kadahilanang wala na nga kaming gawa kahapon na takdang aralin ay maski ngayon ay wala pa rin (buti lang ay mabait ang aming guro ... salamat po! sana di na maulit XP). Muling nadismaya ang aming guro dahil mula sa amin hilera ay ay wala niisang may gawang takdang aralin at tanging sa kabila lamang ang mayroon (buti sila mayroon ... napuri pa :'( kasi naman kasi eh!) kahit na bibigyang kahulugan lamang ang teoryang saykolokal. Ito ay binasa ng iba kong mga kaklase at siyang bigay kalugan at paliwanag naman ito ng aming guro. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng isang gawain na patungkol sa saykolohikal na may kaugnayan din sa akda at nagbigay ng takdang aralin ang aming guro na mag-imprenta ng kantang Himala.

No comments:

Post a Comment