Pages

Saturday, 18 January 2014

Hoooh ! :O

               Ngayong araw na ito ay ang araw ng paglalaba ng aking nanay kaya ako magbabantay ng aking kapatid at gagawa ng gawaing bahay pero bago pa diyan ay aalis ang aking nanay at may importanteng lakad siya. At ako ay agad namang naasikaso sa bahay para magbantay at mag-alaga ng aking kapatid (magpapakabait muna ksai may inportanteng lakad ako, may kaibigan akong nais magpasama). Mga hapon ay medyo nagmamadali na ako sa pagdating ng aking nanay dahil hapon ang oras ng aking lakad (ayos ah, akala mo may trabaho na at makamadali ay sobra sobra). Ng pagdating ng aking nanay ay agad akong nagmadaling nagbihis para sa aking lakad naman (Hoooh! akala ko di nauuwi ang aking nanay).

               Sa pagdating ko sa lugar na aming pinag-usapan (Sta.Lucia) ay wala pa ito at minabuting ko munang hanapin ito sa loob ngunit ito ay wala parin. Sa aking muling pagbabalik sa labas ay nakita ko siyang palabas ngunit ako ay umihi muna saglit dahil hindi na kinakay ng pantog ko ang lamig (hoooh! sa wakas nakabawas din ng karga). Akin na itong sinundan sa labas at mabuti na lamang ay siya iyon (hoooh!  akala ko ay uuwi akong luhaan at walang napala). Nahihiya ako ng onti doon dahil sa facebook ko lang siya nakilala. Niyaya niya akong manood ng sine at agad naman akong pumayag dahil hindi pa ako nakakapanood doon simula ng ako'y bata pa. Hindi kami inabot sa itinakdang oras para sa aking gustong panoorin na pelikula, ang bride for rent. Kaya kami ay lumipat sa SM Marikina dahil doon ay maabutan pa namin ang nakatakdang oras para doon. Kami ay sumakay ng taxi para daw ay mabilis ang transportasyon mula Sta. Lucia (wow, sosyal? may pataxi-taxi pa samantalang ako dyip lang ay pwede na). Pinipilit niya akong magsalita ngunit ayaw ko talaga dahil nahihiya pa rin ako. Ng kami ay makadating sa SM ay agad kaming pumunta sa sinihan at bumili ng tiket upang hindi na maubusan ng bakante. Maayos naman namin iyon nagawa at nakabili na rin kami ng aming babaunin. Hoooh! ang sarap pala sa pakiradam nag nasa sinihan ka kaso sobrang lamig pala hindi ko kaya ng matagalan. Ang aming pinanood na pelikula ay dramang may halong komedya kaya para sa akin sulit ang bayad mo. Pagkatapos ako nagmamadali ng umuyi dahil inabot na ako ng gabi sa paglilibang. Gusto ko ng umiwi kaso pinakain niya muna ako sa Chowking at hinatid niya pa ako pauwi. Pansin ko lang sa kanyan ay habang kasama ko siya at ng kami ay papauwi na ay ang hilig niyang mantaga sa leeg ko (kakatayin na baboy lang ang peg ko?). 

               Sa aking pag-uwi ay dalawang beses akong sumakay dahil pahirapan ang pagsakay doon. Sa una kong pagsakay ay maayos naman ang aking pagbiyahe ngunit sa ikalawang pagbiyahe ay sobrang nakakainis dahil bente daw ang pamasahe at bukod pa diyan kahit na puno na ang dyip ay pilit ang pagkarga ng mga pasahero at halos nagmumukha na kaming delatang sardinas doon (hoooh! ang hirap huminga). Sa pangyayaring iyon ay inabot ako ng alas otso at pag-uwi ko sa bahay ay pumasa naman ang naimbento kong dahilan pero sa kabayaran ng gabi na ako umuwi ay kailangan kong bantayan at patulugin ang aking kapatid (hoooh! napagod din ang balikat ko sa pagbubuhat ng aking kapatid) kaya minabuti kong matulog na lang din.

No comments:

Post a Comment