Iyon-yon eh, Tiwala Lang ! XD
Ngayong araw na ito ay binalik tanaw namin ang aming ginawa kahapon na tungkol sa akdang Ang Kalupi at ang nagsilbing pangkatang gawain din at maging ang naiwang kasabihan na tungkol sa akda na "huwag mong husgahan ang aklat sa kanyang pabalat". Bago mag-umpisa ang pag-uulat ng bawat pangkat ay binigyan muna kami ng aming guro ng ilang minuto para makapaghanda at makapag-ayos. Sa pagwawasto ng aming ulat at gawa ay may ilang pagkakamali kami sa pagsagot ngunit kami ay nakakuha kami ng apat na bagsak. Pagkatapos ay nagtuon kami ng pansin sa ibig sabihin ng maikling kwento at nagbigay ako ng onting kong kaalaman tungkol dito ngunit pangkaraniwan na ang aking sagot (sabi nila mali, iyon-yon eh ... tiwala lang). At aming tinalakay ang tungkol sa banghay o balangkas at iyon ay binigyang kahulugan ng aking kaklase na binasa lang naman niya sa pisara (iyon-yon eh!) at binigyang linaw naman ito ng aming guro ang tungkol dito. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng takdang aralin na tungkol sa pagawa ng tula o sanaysay at nagbigay ang aming guro ng halimbawa ng tula na kayang naimbento na wala pang pamagat at kanyang ipinarinig ang kanyang nagawa. Habang nasa kalagitnaan na pagbabasa ang aming guro ng makabanggit siya ng usong salita, "tiwala lang" kaya pagkatapos niya magbasa ay nakaimbento na kami ng magandang pamagat para sa kanya (iyon-yon eh, tiwala lang!). :D
No comments:
Post a Comment