Ha ? Himala ! :O
Ngayong araw na ito ay medyo na huli ang aming guro ng pagdating at agad siyang bumunot sa palabunutan para sa magpiprisenta ngayon ng isang sariling tula (tugudog-tugudog kinakabahan onti) at buti na lang ay di ako nabunot. Amin nang tinalakay ang tungkol sa akdang Ang Himala ni Ricky Lee at kami ay tinanong nang aming guro kung sinong hindi naniniwala at naniniwala sa isang himala. Dahil doon ay nagkaroon ng onting pagbabahagi ang ibang mga kaklase ng karanasan sa isang himalang pangyayari (hays ... di naman yan totoo, di ako naniniwala kasi ... Final Destination lang ang peg nyan!). Binasa ng isang kong kaklase ang istorya ng akdang nabanggit dahil mali naman kasi ang aming nakalap na kopya (teka, himala ... wala niisa sa aming may tamang kopya!). Bago mag-umpisa ang pagbabasa ay nagkaroon ng onting katanungan ang aming guro na kailangang sagutan pagkatapos paringgan ang binasa. Sa pagbabasa ng naatasan ay nakaramdam ako nang katahimikan at kalayaan mula sa ingay nila (presidente kasi namin ang nagbabasa XD) at siguro marahil ay pursige talaga silang makinig kaya abala. Hindi natapos ang pagbabasa dahil kinulang kami sa oras kaya ang nagsilbing katanungan ay nagsilbi na lamang na takdang aralin.
No comments:
Post a Comment